CHAPTER 3

2 0 0
                                    


"Pa..." Nandito na pala s'ya.


Late na naman akong nakauwi dahil sa training kanina at si papa lang ang nadatnan ko, nasa sala humihigop ng kape. Nilingon niya ako at inalis ang suot na salamin sa mata.


"Late ka, anak." Tumayo siya at lumapit sa akin, ipinatong ang kamay sa balikat ko.


Kinailangan ko pa s'yang tingalain para makita ko ng maayos ang kaniyang mukha, pagod ang mga mata niya ngunit wala nang bahid ng galit doon. "May training po kami papa after class," paliwanag ko.


Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Ganoon ba? Sige anak, you can rest na muna. Ipapatawag na lang kita kay ate Helen mo kapag nakahanda na ang hapunan."


"Papa," tawag ko muli sa kan'ya, nanginig ang boses ko.


"Ano iyon, anak?"


"I'm sorry po, papa." Tumungo ako at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi.


"I'm not going say that it's okay because it's definitely not. Someday you will understand where your mom and I are coming from, anak. Once you become a parent you'll understand us." Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang aking buhok. "Pasensya na anak kung nagtatampo ka sa amin ng mama mo dahil mahigpit kami sa iyo kung minsan," madalas po papa, pagtatama ko sa kan'ya sa isip ko. "When you grow up we will let you on your own, pero sa ngayon na nandidito ka pa sa poder namin please let us protect you anak. Allow me, your father, to protect you."


Tumango ako at kapagkuwan ay kumalas sa pagkakayap niya. Ginulo niya ang buhok ko saka malungkot na ngumiti. "I think I failed to do that to your ate, eh. She became like that because I made her act that way. It's my fault."


"Ano nga po pala ang nangyari kay ate papa? Kumusta po s'ya? Nasaan po sila ni mama ngayon?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.


"Nasa hospital pa sila anak dahil na-aksidente ang ate mo, when she woke up she's totally mad at ayaw kaming kausapin ng mama mo. Itinakas n'ya pala 'yong motor ko noong gabi na napagsabihan ko kayo, nabungo siya ng isang van na lasing ang driver at nagtamo ng napakaraming galos. May bakal rin na tumusok sa kaliwang braso niya at malalim ang sugat niya roon, she lost more bloods." Hinilot niya ang sintindo.


"We waited for almolst wenty-two hours before she finally woke up. Umuwi lang kami ng mama mo kanina to change pero nauna na siya roon kasi sina Hori at Lynette lang ang kasama ng ate mo, aalis din sila agad." Si ate Hori at ate Lynette ay mga kaibigan ni ate Dianna.


"Babalik ako roon, anak. Pinahintay ka lang sa akin ng mama mo to make sure that you're okay. We heard from Joanna that you lost your consciousness yesterday, are you feeling sick, anak?"


"Hindi po papa, ayos na po ako. Ingat po kayo sa pagmamaneho mamaya pabalik doon. Aakyat po muna ako."


Sobrang strikto lang sina mama pero nakikita ko naman kung gaano nila kami kamahal. Mas priority nila kami kaysa sa trabaho o sa kahit na ano. Katulad ngayon na naaksidente si ate, mas pinili nila na samahan doon si ate sa hospital kaysa pumasok sa mga trabaho nila. Kahit naman sa kompanya ng mga magulang ni mama siya nagtatrabaho alam kong parang ordinaryong empleyado lamang din siya roon. Hindi s'ya boss at alam ko ang mga nangyayari sa pamilya nila, kaya tuloy si mama masigasig siya sa trabaho at parang palaging may pinapatunayan sa mga magulang niya. Pero sa tuwing kailangan namin sila ni ate hindi nila kami pinagpapalit sa kahit na ano, kami muna bago ang kung anuman.

Taming Fire Above The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon