Is it really hard to let go of someone or is it because you still hope there's a chance?
Sa twing naalala ko siya, yang tanong na yan ang laging tumatakbo sa isip ko. Ako nga pala si Sabrina Dela Merced pero Sab palayaw ko. Highschool graduate and i'm 15. I live in a city type area here in Kuwait and I would say na life here in Kuwait is totally different from the life in the Philippines. Kung sa Pinas, you're free to do whatever the fuck you want pero dito, may limits ka. Nasanay narin ako sa life setting dito kasi dito na ako pinanganak at lumaki. So yeah, back to the topic. Gusto ko lang naman maging masaya eh. I wanna live a happy life wherein I wanna feel loved at the same time yun nga lang, isang tao lang naman ang naging dahilan kung bakit naging ganito ako eh. Si Jerome.
*Flashback 4 months ago*
"Sab, promise ko sayo hinding-hindi kita iiwan. Kung feel mo man na maraming nang-iiwan sayo, ako na mismo ang magpropromise sayo na hindi kita iiwan and I'll keep my word.", sabi ni Jerome saakin habang kausap ko siya sa telepono. Jerome is just a simple guy, mabait, friendly, matalino, loving at concern siya sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. There's one thing which is similar to us, PAREHO LANG KAMING INIWAN NG TAONG MAHAL NAMIN. Nakilala ko siya dahil churchmate siya ng mga classmates ko. At dahil dakilang stalker ako, stinalk ko profile niya sa facebook and to my surprise, friends pala kami.
Pag siniswerte ka nga naman oh! Tandhana na dis! Haha joke lang :))
Facebook convo:
Jerome: Sab, may aaminin sana ako sayo.
Me:Ano yun?
Jerome: Sab, gusto kasi kita.
Ehh? Enedew? Ako? Gusto niya? Nananaginip ba ako? We've been friends for a long time pero I wasn't expecting that.
Seen at 6:18 pm
Jerome: Sab naman! Seenzoned </3 I'm sorry kung nasabi ko agad. I just wanna let you know how I feel and I hope you feel the same.
Eto na! Pagkakataon ko na to.
Me: Jerome, ang totoo kasi gusto rin kita...matagal na pero di ko masabi dahil nahihiya ako.
Jerome: Kailan pa?
Me: Last year pa.
After a few minutes, my phone ringed.
Jerome calling
"Hello?"
"Sab?"
"Ano yun?"
"Kung pwede sana?"
"Alin?"
"Kung may pag-asa ako sayo? Pwede bang maging tayo na?"
"Atat! May lakad? Nagmamadali? Rush hour? Pwede bang manligaw ka muna?"
"Eh di ako marunong manligaw eh."
Nak ng tinapa! Nag-confess ka pa! Natrauma raw kasi siya noon kasi ilang beses na siyang nabasted kaya simula nun, di na siya nanligaw ulit.
"Eh paano yan? Nganga nalang tayo?"
"Hindi. Pero kahit di na ako professional sa mga ganito, I'll try my best to make you feel na this will be worth it and i'm willing to wait for the right time."
"Sige. Oo."
Di ko alam kung bakit ako pumayag. Feel ko na kailangan ko naring buksan ang puso ko sa panibagong chapter ng love story ko. Chos! But I know this will be worth it.
❁❁❁
2 months have passed and everything was going fine pero isang araw bigla nalang nagbago ang lahat. Madalas na late na siyang magreply sa mga messages ko at bihira na siyang tumawag saakin. Sa twing mag-uusap kami, parang ang cold niya. Hanggang sa umabot ng isang linggo na di niya ako kinakausap.
1 message received from Jerome
"Sab, I think it's time to tell you the truth. I'm sorry kung di kita nakausap for one week. I was busy with school and marami rin kaming activities. And sa totoo lang, may iba na akong nagugustuhan. Kaya kita iniwasan kasi pinagisipan ko muna bago ko sabihin sayo. Classmate ko siya, she's also kind and pretty like you. I'm really sorry Sab, I hope you forgive me. Just give me time to find myself."
Parang nabunutan ako ng tinik nung araw na yun. Ang sakit! Ang sakit-sakit! I knew this day would come. Alam kong iiwanan niya rin ako.
Jerome calling
"H-hello?", I spoke.
"Sab, I'm really really sorry. Please let me explain."
"Tama na Jerome! Nasabi mo na. Alam ko na ang katotohanan."
"Umiiyak ka ba?", tanong niya. Aba tangina! Di ba obvious?
"H-hindi."
"I'm sorry kung nasaktan kita. Alam ko naman na di ko to kakayanin pero pinilit ko pa sarili ko. I knew na ganito ulit yung mangyayari."
"Edi sana hindi ka nalang umamin."
"But I love you so much."
"I know you're saying that right now but I promise you those words won't mean a thing one day and you'll find someone better. I've had enough Jerome. Umasa ako na magiging okay ang lahat, you made me believe that you we're different from the others pero you just proved to me that you're one of them." Di ko na napigilan luha ko. Habang sinasabi ko yun sa kanya, mas lalo akong nasaktan. Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman lahat ng pagmamahal na kinailangan niya. I was there for him at times when he's totally down. Dalawang taon akong nagpaka-loyal, nagbuwis buhay para lang sa kanya pero tangina, ang sakit-sakit!
"I'm so-"
Call ended
*End of flashback*
"Huy Sab! Kanina ka pa nakatulala diyan. Si Jerome nanaman iniisip mo noh?", tanong si Kyra saakin. "Uso mag move-on te! Apat na bwan na ang nakakalipas pero siya parin laman ng isip at puso mo. Nako! Babatukan na talaga kita.""Ewan ko Kai. It's very hard to fake like you don't care when you don't. Kahit na naka move-on na ako sa kanya, naalala ko parin yung sakit. Yung pangako niya na napako. It's very hard for me to act like I don't care when in reality, that's all I do. I care and I care and I care and in the end, it just fucking screws up. Sana hindi ko nalang siya nakilala, sana hindi nalang ako pumayag na bigyan siya ng pagkakataon na pumasok sa buhay ko, sana hindi ko nalang siya minahal, sana mawala nalang siya.", sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa bintana at pinapanood ang bawat saksakyan na dumadaan.
"Yan napapala ng isang tanga na katulad mo na mabilis nahulog sa isang gagong katulad niya.", sabi niya saakin.
"Kaya nga nagpapaka-tanga kasi minahal mo yung tao at ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para lang mapasaya mo siya.", sabi ko.
"Pero iniwan ka rin naman niya. Iniwan ka niya Sab! Pinagpalit ka niya sa iba."
"Oo na Kai. Tumahimik ka nalang. Hayaan mo na yun, pakyu siya!", inis na sabi ko. "Sana mamatay nalang siya, gago siya!" Alam kong nagtitinginan na ako ng mga tao dito sa coffee shop pero wala na akong pake dun. Minsan lang ako maglabas ng sama ng loob.
"Um Sab..."
"Oh ano? La na akong pake kung tinititigan na ako-"
"Wag kang lilingon sa kaliwa."
Pero lumingon ako at nakita kong nakatitig saakin si Jerome.
❁❁❁
Author's note:
The first 5 chapter will be Sab's story. Ineedit ko pa yung ibang chapters. I'll publish the other chapters soon. Keep reading
- anna ❁
BINABASA MO ANG
Dear Pag-ibig,
Teen FictionKahit naman sino, gustong maghanap ng sarili nilang kaligayahan. Yung bang kaligayahan na walang hanggan pero sa totoo lang, gusto rin naman nating maramdamam ang tunay na pagmamahal sa taong nararapat para saatin. Totoo nga bang may Happy Ending? D...