Casa De Oro

67 7 2
                                    

Madilim na ng lumabas kami ng mga kaibigan ko mula sa pinag taguan namin.

"Uy, sabi ko sa inyo wag na natin ituloy to," wika ni Alex.

"Tara na, ang duduwag niyo naman. Papatunayan lang natin yung mga sinasabi ng iba na may kababalaghan dito sa Casa De Oro. At kapag wala, aalis na," sabi ko.

"Pero paano kong totoo?"

"Edi, totoo." Tsk! Ang daming reklamo. "Ano bang kinatatakot niyo?" Tumingin ako sa kanila "Hindi nananakit ang mga multo, nagpapakita sila para makakuha ng hustisya at kung minsan ay manakot. Tsk, kung ayaw niyong sumama, sige na umuwi na kayo," sabi ko at nauna.

"Antayin mo kami Triton!" Tsk! Daming dada, sasama rin naman pala. Ako nga pala si Triton at sila naman ang mga kaibigan ko, si Alex, Ainna, Luis, Dustin and Kriyon. Nandito kami sa Casa De Oro, medyo kakaiba ang paligid ng lugar. Binuksan nila 'to para maging pasyalan, pero sa umaga llan at kapag gabi ay sarado na. Ayun sa mga naririnig ko may kakaiba sa lugar na 'to lalo na kung oras ng gabi, babala pa nila na wag kang kukuha ng mga bagay na nasa loob ng Casa De Oro. Ang pwesto ng nasabing Casa ay nasa itaas ng bundok. Dadaan ka muna sa maganda at malawak na gubat, pagkatapos ay malinis na taniman ng mga tao sa bundok. Nakapasok na kami sa Casa at paikot-ikot sa loob habang nagmamasid.

"Triton!" Tinignan ko ang tumawag sakin.

"Ainna, bakit?" Kita sa kanya ang kaba at takot.

"May kakaiba akong nakita," kinakabahan niyang sabi.

"Saan?" Tumingin siya sa kaliwa namin pero wala akong nakita. Tsk! pinagloloko yata ako nito.

"Jan ko siya nakita kanina." Tinuro niya ang gawi ng tinutukoy niya.

"Tara na nga, nasaan na ba sila?" Inikot ko ang paningin ko, wala sila dito. Hinatak ko na si Ainna at hinanap ang mga kasama namin.

"Alex!" tawag ko sa kanila mula sa malayo, nakasilip sila sa isang silid. Lumapit kami ni Ainna sa kanila. "Anong meron?" tanong ko.

"Tignan mo." Sumilip ako na sana ay hindi ko na ginawa, nakakakilabot at nakakagulat, ang mga nilalang na hindi ko inasahang totoo ay totoo pala. May tatlong babaeng mahaba ang buhok na nakatalikod sa amin, nakalutang sila.

"Tara na, umalis na tayo dito," sabi ni Ainna, nagtinginan kami at nagtanguan. Dahan-dahan kaming humakbang paalis pero bigla kaming nagulat nang may tumawa nang malakas, palinga-linga kami sa paligid ngunit wala kaming nakita. Bumukas nang malakas ang pintuan ng silid na kanina ay sinisilip namin, napaupo kami nang makita ang itsura ng mga babaeng nakatalikod kanina. Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko, mabilis ang mga paghinga ko at halos maubusan na ako ng lakas.

"L-Luis, D-dustin," bangit ni Alex, halos hindi na ako makapagsalita dahil sa nakikita ko. Ang kanina ay maayos nilang itsura ay nagbago, lumaylay ang ulo nila at lumabas ang mga laman sa leeg, walang mata na naglalabas ng itim na likido at naglalabas ng mga uod ang mga bibig, may mahahaba at matatalim na kuko ang kamay. Bigla yung dumapa at gumapang sa amin palapit.

Sabay-sabay kaming sumigaw ng malakas at agad na nagtakbuhan palabas ng Casa. Nakarating kami sa kagubatan at pasalamat na hindi na kami sinundan ng mga nilalang na yun.

"Ayos lang ba kayo?" Hinihingal na tanong ni Dustin, nagtanguan na lang kami bilang pagsagot.

"Ano yun?" napatumba kami nang maramdaman ang pagyanig ng lupa, nahati ang daan ng gubat at may usok na lumabas mula sa nabiyak na lupa. Napaatras kami nang may lumitaw na maiitim na nilalang. Lumapit sila samin at natamaan sila ng liwanag ng buwan, mas lalong nanginig ang mga tuhod ko dahil sa mga itsura nila, para silang buhay na patay. Luwa ang mga mata, bali-bali ang mga parte ng katawan, nakalaylay ang mga dila. Iyong iba ay gumagapang 'yung iba ay normal na naglalakad. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na tumakbo papasok sa gubat.

"Nasaan sila Dustin at Kriyon?" Tanong ko sa mga kasama ko.

Napatigil kami nang marinig ang mga sigaw ng dalawa, nilingon namin ang pinanggalingan ng mga tinig nila. Medyo may kalayuan pero kita ko kung papaano nila hiwain ang katawan ng dalawa naming kasama gamit ang mga kamay nila, mas lalong umakyat ang kaba ko, nanlalaki ang ulo ko.

"Triton sa kaliwa mo!" napalingon ako kay Luis nang sabihin niya yun, napatingin ako sa kaliwa ko at nanlaki ang mga mata, yung tatlong babae sa Casa De Oro kanina, gumagapang sila.

"Ahh!" Napalinga-linga ako nang marinig ang boses ni Ainna.

"Tara na!" hinatak na ako ni Luis.

"Sila Ainna at Alex" hindi niya ako pinansin bagkos ay patuloy lang siya sa paghatak sa'kin. Nilingon ko ang pinangalingan ng sigaw kanina, si Ainna at Alex na pinagbabali ang mga buto ng tatlong babae. Gusto kong humagulgol sa aking nakita.

"IBALIK NIYO ANG KINUHA NIYO!" Isang malakas at malalim na boses ang siyang nagpatigil kay Luis.

"May kinuha ka?" Tumango lang siya, hindi ko alam kong anong reaksyon ang makikita sa'kin. Naawa at nagagalit ako sa kanya, dahil sa kanya nawala ang mga kaibigan namin.

"Umalis kana, Triton!" nangunot ang noo ko at napa-nganga dahil sa sinabi niya "Umalis kana dito, hindi sila titigil hanggat nabubuhay ako." Iiling-iling ako habang hinahatak siya.

"Hindi, sumama kana sakin, umalis na tayo."

"Triton, umalis kana!" Lumalakas na ang dagundong ng lupa, papalapit na ang mga nilalang sa amin "ALIS!" Dahil sa sigaw niya napatakbo ako, hindi ako lumingon sa likuran ko hanggang sa makalabas sa gubat at makarating sa kalsada. Hingal na hingal ako. Napapikit ako nang tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko, nakahinga ako nang maluwag nang makaligtas ako sa mahabang gabing iyon. Hinding hindi ko malilimutan ang pangyayaring ito na siyang kumitil sa buhay ng mga kaibigan ko, ang gabi ng lagim at kababalaghan. Ang una at huling gabi naming magkakaibigan sa Casa De Oro. Hindi ko na gugustuhing balikan ang lugar na ito. Alam kong babaunin ko ang pangyayaring ito habang buhay. Museo sa umaga, lunga ng iba't ibang nilalang sa gabi. Ang Casa na kumukuha ng buhay. Ang Casa De Oro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CASA DE OROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon