Chapter 6 | Fishball

136 3 0
                                    

CLARA'S POV.

May 13th, 2012 | 10:55 am

Clara: "Oh my God, guys tignan niyo to, ang ganda!"

Nasa taas kami ngayon ng isang bundok. WHOAAAA, ang ganda nung view. Taas pa namin, sobrang nakakalula..

Kitang kita mo yung dagat.

Ariana: "Oo nga guys. Come look, ang ganda. Bhest, bhie. Bilisan niyo!"

Finally naabutan narin nila kami ni ate Ariana..

Xander: "Oo nga, wow ang ganda ng view."

Kim: "Guys, picture time!"

Rafael: "Nakakasawa na talaga ang pictures.."

Kim: "HOY! Ang sungit mo talaga, ikaw nalang mag picture samin kung ayaw mo."

Rafael: "Haluh, pinatapos mo ko? ANG SABI KO, before I was rudely interrupted. Nakakasawa na ang pictures pero this day's special and ang ganda ng view kaya go ahead Kim."

Kim: "Ahhh, sabi ko nga."

Daya di makakasama si ate Kim, hmmpphh si Rafael talaga ang selfish kahit kailan.

Clara: "Ate Kim, ikaw na lang lagi nag pictures, ako naman para makasama ka."

Pao: "Wag na Clara, may tao na dadaan oh, pakuha nalang tayo para tayong lahat?"

Kim: "Oo nga, TAMA!"

Xander: "Excuse me po, pwede niyo po ba kaming picturan?"

Kuya: "Ay sige ba."

Kim: "Ito po, pindutin niyo po to."

Kuya: "Ah, sige."

Tumabi na si ate Khim sa amin..

Kuya: "1, 2..."

Wait! Ano kayang pose ko, pa cute, smile or serious? Haha!

Kuya: "Oh, ito na oh.."

Xander: "Salamat po."

• • • • • • •

ROCHELLE'S POV.

12:20 pm

Pinapanood ko sila Ari at Rafael sa kinakaupuan ko, ka inggit sila. Nag holding hands and nag kukulitan.

Sa sobrang sweet baka langgamin na.

Kelan kaya ako makakahanap ng ganon?

Ay, meron na pala.

At ayan na nga siya, papalapit sa akin..

Pao: "Che, gusto mo ng fishball?"

Ang gwapo ni Pao ang bait pa.

Matagal na rin akong may gusto sa kanya. Ever since nung sinamahan niya ako nung hindi ako sinipot nung date ko sa Prom. Na sakanya na yata lahat, kabaitan, kagwapuhan at katalinuhan..

Kaso, manhid siya masado.

Kahit kailan, hindi niya na pansin na mahal ko siya..

Pao: "Che!"

Ay, oo nga pala. Che tawag niya sakin..

Pao: "Che! Hellooo, may kausap ba ako?"

Rochelle: "Ay, pasensya na. May iniisip lang.."

Pao: "Ako siguro noh? Hahaha, joke lang."

Rochelle: "Actually ikaw talaga" bulong ko.

Pao: "Ano yon? May sinabi ka?"

Ay, na rinig niya.

Rochelle: "Wala, sabi ko.. Umm, sige gusto ko ng fishball, hehe!"

Muntik na yun, haha

PAO'S POV.

Sabi ko na nga ba, gusto rin nito ni Che ng fishball eh, paborito namin tung dalawa, haha

Pero napansin ko parang wala siya sa sarili niya lately.. Ano kayang problema?

Pao: "Sige, bibili lang ako, wait lang ha."

Tumango lang siya sakin at ngumiti..

ROCHELLE'S POV.

Ayan na si Pao, dala niya na yung fishball, sarap, tagal na rin ako di naka tikim.

Rochelle: "Hahaha, bait talaga ni bestfriend. Ma mi-miss ko tong ganito."

Pao: "Ako rin, haha!"

Rochelle: "Hala ka, walang ganyan sa America."

Pao: "Oo nga eh, kaso hindi lang naman yung fishball ma-miss ko eh. Lahat ng masasarap na pagkain dito sa Pinas siyempre, at ang barkada, at lalo na ikaw."

Aww, I'm flattered, ma mi-miss niya daw ako..

Rochelle: "Woww, ma mi-miss mo talaga ako?"

Pao: "Ano bang klaseng tanong yan? Syempre naman bestfriend."

Tapos bigla niya akong niyakap.

Rochelle: "U-umm-"

Biglang lumapit samin si Xander at Kim.

Xander: "Uyy love birds!"

Kim: "Aww, ang cute niyong dalawa."

Oh no, nag blush ako, wahhhhh!

Bigla akong tumayo.

Rochelle: "Oh, Kim, Xander, kayo pala. Aalis na ba? Ready na ba kayo nila Clara?"

Xander: "Ahh, oo, kayo ready na ba?"

Kim: "Ate Rochelle, ba't parang tense na tense ka."

Rochelle: "Ah, wala.. Tara na."

Rochelle, wag ka mag pa halata masyado.

Bigla nalang akong nag lakad papalayo sa kanila.

XANDER'S POV.

Pao: "Anong problema nun?"

Oh dear Pao, only if you knew..

Xander: "Wala lang yun, haha.. Tara na!"

Sinundan na namin ni Kim si ate Rochelle..

Xander: "ATE ROCHELLE! Antayin mo kami!"

Pao: "Everyone's acting so weird, ano kayang meron? Hahaha, obviously dahil their gonna miss me" sabi ni Pao tapos sabay tawa..

"It's weird... You know the end of something great is coming, but you wanna hold on, just for one more second..."

BARKADA LOVE STORY•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon