Chapter 1

26 1 0
                                    

Chapter 1

"Lola..... Mag-iingat po kayo dito Huh?...... Babalik agad ako pag naka ipon na ako ng pang paopera nyu" pag iyak ko sa tabi ng kama na hinihigaan ni lola

"Mag-iingat ka rin doon apo, palagi mong tandaan ang mga bilin ko,.... Huwag mong papabayaan ang saliri mo lalo't na wala si lola sa tabi mo" Saad ni lola sabay halpos sa buhok ko habang naka higa sa kanyang kama

"Opo lola, palagi ko pong tatandaan ang mga bilin nyu...lumaban po kayo lola Huh?.....babalik agad ako at ipapagamot kita" pag iyak ko parin sa harap ni lola, parang ayaw ko nang lumuwas ng Maynila sa tuwing na aalala ko na iiwan ko si lola dito at malalayo sya sa tabi ko

"Lalaban ako para sayo apo.... Mag iingat ka doon... Oh sya tama na itong iyakan natin baka mahuli ka na sa biyahe mo papuntang Maynila" Saad ni lola sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit, napansin ko naman ang namumuong luha sa kanyang mga mata dahilan para bumuhos uli ang mga luha ko

"Lola"hindi ko mapigilang umiyak, ayaw ko nang umalis kung pwede lang ako nalang ang mag aalaga sa kanya lalo't na ay may sakit ito

"apo, baka mahuli kana" Saad ni lola sabay himas ulit ng buhok ko

"Ate Yanna baka mahuli na kayo sa biyahe tulad ng sabi ni lola" Saad namn ni Shane sa tabi ko sabay tapik ng likod ko, si Shane ay pinsan ko,sabay kaming lumaki sa puder ni lola, sya ay anak ng kapatid ni papa at binilin rin sya kay lola katulad ko nung namatay ang tatay nya at ang nanay nya naman ay nasa ibang bansa para mag trabaho na sya ring sumuporta sa kanya

"Shane.... Alagaan mo si lola Huh? Pakainin mo sya sa tamang oras... At lutuan mo rin sya ng specialty nating biko"napangiti naman ito sa akin at agad yumakap ng mahigpit

"Opo ate... Ako na ang bahala sa maganda nating lola... Ikaw ate huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo sa Maynila... Balita ko pa naman maraming masasamang tao doon.... At marami ding krimin na nagaganap, kaya sana ay ingatan mo ang sarili mo.... Ayaw kung mawalan ng maganda at sexing ate" Saad nito sakin sabay yakap sa kanya pabalik, napapaiyak tuloy ako dahil maiiwan ko rin si Shane na parang kapatid na ang turing ko

"Ano bang sinasabi mo....Si Arrianna Flor Gutierrez magpapatalo? Huh never yun mangyayari" biro ko sabay ngiti sa kanya "huwag mo kong aalalahanin, kaya ko ang sarili ko, kaya kung protektahan ang sarili ko laban sa mga masasamang tao dun sa Maynila " napakalas naman ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya

"Shane, ikaw alagan mo rin ang sarili mo dito, at huwag na huwag mong iisipin na purket wala na ang maganda mong ate Yanna ay wala ng magtatanggol sa mga nang bubully sayo sa eskwelahan, lumaban ka sa kanila huwag kang magpapatalo, sabihin mo kapag hindi kapa tinigilan sa pang bubully ay susunugin ko ang bahay nila at tutusukin ko ang mga mata nila ng stick ng bbq para hindi na nila makita ang mga gwapong lalaki dito sa probinsya natin" mahabang Saad ko sa kanya na syang kinatawa nito, kaya napatawa rin ako ng ma realize ang mga sinabi ko

"Ikaw talaga apo, tinuturuan mo nanamn ng kung ano ano yang pinsan mo" pag singit ni lola sa usapan namin ni Shane kaya napatingin ako sa kanya

"At ikaw naman lola, sabihin mo agad sakin kapag meron nang dumadalaw na lalaki kay Shane para mang ligaw para maka uwi ako rito at makilatis at mabogbog narin ang lalaking nagkakagusto dito sa kyut kung pinsan" Saad ko na syang kinatawa nilang dalawa

"O sya tama na Tong mahaba nating pagpapaalam... Umalis kana at baka maiwan ka pa ng bus" Saad ni lola sakin kaya naman napatayo na ako at kinuha ang bagahe ko na gawa sa banig at isang bag na malaki

"Lola, Shane mag iingat kayo dito, uuwi agad ako pramis yan!" Saad ko sabay tingin sa mga mata nila

"O sya apo, mag-iingat ka rin doon" Saad ni lola sabay ngiti sakin, parang nawala ang lungkot ko ng makitang ngumingiti si lola

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Casanova BossWhere stories live. Discover now