"Pick one, mahal mo o mahal ka?"
"Wala. Kasi in the first place, wala akong gusto at walang nagkakagusto sa akin."
"How cold."
Ewan ko ba. Bakit ba nauso ang kantang yun. Marami bang nakakarelate? Of course. Hay. Pati rin naman ako. Pero never ko yun aaminin sa kanila.
Kilala ako bilang cold na tao. Walang pakialam sa paligid. Kausapin mo ko pero siguraduhin mong importante yan. Buti nga at natatagalan ako ni Maria Rica.
Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Ayan na naman sila. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na natugtog yan. Porke't wala kaming klase yan na ang pinagkakaabalahan nila.
"Icy, may naghahanap sayo."
Student government president pala.
"Bakit?"
"Eto oh. May nagpapabigay lang." Sabay alis. Bastos nun ah. Di man lang inintay na ibalik ko sa kanya.
Isang red rose at dalawang toblerone. So, valentines ba ngayon?
"Wow! May secret admirer ka bhe!"
"Hindi ko naman kilala."
"Kaya nga secret diba?"
"Bakit? Sinabi ko bang hindi."
"Uy~ May nanliligaw na sa kanya. So ano nga? Mahal mo o mahal ka?"
"Mahal mo. Mahal mo pa ang buhay mo diba? Alis na."
"How cold." Sabay pout. Kadiri.
Hindi ko inaasahan na may magbibigay sa akin nito. Paano naman. Hindi naman valentines day diba?
"What with this? Anung gagawin ko dito?"
"Edi kainin? Ayaw mo ba nung toblerone? Pahingi." Nagulat nalang ako na nandito si Nico. Siya ung, ehem, ung taong gusto ko.
Nakilala ko siya nung first day ko sa school. Naligaw ako but then nandyan siya para tulungan ako.
"Ano? Pwede ba?" Nagulat naman ako dun. Wait, sana hindi namumula ung mukha ko.
"Cge, sayo na ung isa."
"Wow. Salamat ah. Bakit ka nasa labas ng room? Di ka ba nakikisali sa kanila?"
Obvious ba? Pero syempre ayoko siyang ganyanin. "Ayos lang ako kahit na mag-isa ako."
"Pero ako hindi. Ayokong malungkot ka."
"Oy Nico! Sasama ka ba?"
"Oo nga pala. Sandali lang." Humarap siya sa akin. "Pasok ka na kaya? Una na ko ah. Salamat sa chocolate."
Grabe. Kinikilig ako. Bakit siya ganun. Nagmumukha tuloy akong baliw na nakaupo sa labas ng room nila at pinipigilan ang ngiti.
"Icy?"
Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Michael?"
"Natanggap mo ba ung- ung ano- ung bulaklak pati chocolate?"
"Ay oo. Ikaw ba nagbigay? Salamat ah. Kahit hindi naman valentines."
"Para sayo talaga yun." Malamang nakapangalan sa akin eh. "Sana pag isipan mo."
Huh? Ang alin. "Teka." Hindi na ko narinig. So, may gusto pala siya sa kin. Siya pala ung - What?! May gusto siya sa kin? First time itu.
---
"Wooooooo!"
Ang ingay naman ng kabilang room. At dahil mausisa si Maria Rica, nauna ba namang pumunta dun.
"O.M.G classmates! May nililigawan na si Nico! Ang ganda mga bhe!" Naghiyawan naman sila.
Si Nico? Akala ko- hay. Ang assuming ko talaga. Sinabihan lang na ayaw niya akong malungkot, nagassume naman ako. Assumera.
Dahil wala ng masyadong gagawin at malapit na ang sembreak, uuwi nalang ako.
"Icy, san ka pupunta?!"
"Hinaan mo ang boses mo Maria Rica. Uuwi na ko."
"What?! Mari nalang! Ingat ka."
---
"Sabayan na kita." Nagulat naman ako dun. Nasa tabi ko na siya, di ko man lang namalayan.
"Okay lang. Maistorbo ka pa."
"Hindi. Nililigawan nga kita diba?"
"Oh? Di ko alam."
"Ano?! Akala ko alam mo."
"Pero sorry. Tigilan mo na. Masasaktan ka lang."
"Wala akong pakialam. Gusto kitang kasama. Gagawin ko ang lahat magustuhan mo din ako."
Speechless.
"Well, goodluck."
O anung paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilitong litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako
Edad: 18
Alam kong legal na yan. Pero para sa akin hindi pa ito ang tamang panahon para ikulong ko sa isang tao ang puso ko. Dapat yung ready na ko, ready na ang puso ko, at syempre ready na ang pera ko. Kaya naman napagpasyahan ko na dapat ilayo ko muna ang sarili ko hangga't hindi pa ako ready.
Mahal ko o mahal ako~
Eto na naman po sila.
"Icy! Good morning."
"Good morning din." Matapos ko yan sabihin bigla nalang sumeryoso ang mukha niya.
"May itatanong ako sa'yo." Hala. Nalaman niya kaya na gusto ko si Nico? O kaya naman nililigawan ako ni Michael?
"Ano?" Kinabahan naman ako bigla.
"Mahal mo o mahal ka?" Sabay ngiti niya.
Takte. Asar.
"Maria Rica."
Natawa naman siya. "Sagutin mo na kasi." Tinalikuran ko na nga.
"Tumigil ka na. Okay?"
"Sino ba kasi? Si Nico o Michael?" What? Napalingon ako dun ah.
"Bulls eye ba? Hahaha. Sige na nga. Edi wag." Paalis na siya nung tinatawag ko.
"Maria Rica."
"Yes?"
Tinignan ko siya ng matagal bago ako ulit nagsalita.
"Aral muna bago landi."
---
LSS ako sa kantang 'to. Hehehe :) Sorry sa mga typo error.
BINABASA MO ANG
The Song
RomanceAng istorya ng mga taong nakakarelate sa mga kanta. Anu kayang gagawin nila para maging happy ending parin ang lahat sa kanila kahit na iba ang nasasaad sa kanta? I can't really describe it that far but please read it. Maiintindihan niyo rin once na...