Prologue

528 26 4
                                    

PINAGPAPAWISAN na ako habang minamaniubra ang mouse ng aking personal computer. Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa aking mga katunggali, masyado silang magaling ngunit kailangan naming manalo. Napahampas ako sa aking keyboard nang mapatay ako ng isang kalaban, the jungler killed me!  Isa akong suporta na nagtataglay ng makapangyarihang mahika laban sa kanila ngunit tila isa lamang akong papel laban sa mga assassin.

Natapos ang laro na hindi manlang ako nakabawi, natalo kami kung kayat kumuha na lamang ako ng maiinom sa aming kusina. Bumuntong hininga ako dahil sa panghihinayang, makakamit ko na sana ang pinakamataas na ranggo sa aking nilalaro ngunit naudlot pa. Kailangan ko kasing makaapak muna sa ranggo na iyon bago ako makasali sa isang paligsahan na gaganapin sa syudad ng San Francisco.

Bata pa lamang ako ay talagang mahilig na ako sa paglalaro, nanonood na ko ng mga tournaments ng Dota noong nasa elementarya pa lamang ako. Manlalaro kasi ang aking nakakatandang kapatid ng Dota kaya lagi ako noong nakabuntot sa kanya upang manood. Ngunit simula noong ginawa ng Xiena Games ang larong Rey De Gloria ay dito na ako tila na adik. Ang Xiena Games ay isang lumang kompanya sa China na gumagawa ng mga laro, matagal na sila sa industrya kaya alam na nila kung ano ang magugustuhan ng mga mahilig sa mga lima laban sa limang mga laro.

Ang Rey De Gloria ay isang laro kung saan kailangan mong pumili ng mga bayani para makipaglaban sa mga limang bayani ng kabilang koponan. Tumatagal ng ilang minuto o higit isang oras ang laro dahil sa dami ng kailangan mong gawin dito, hindi ka lamang basta papatay, kailangan mo ring kumuha ng mga objectives kagaya ng pagpunta sa farm at samahan ang jungler dahil hindi nito kakayanin ang ibang nilalang na nasa farm. May mga Tangke o ang mga Tank para maging proteksyon at maging taga salo ng mga pinsala galing sa bayani ng kabilang koponan. Ang susunod naman ay ang mga side laner na kayang depensahan ang kanilang sarili at mag ikot para mag bigay ng tulong sa kanilang kasapi, magkahalong depensa at lakas ang kanilang taglay. Meron rin naman ang mga malalambot na mga Gold laner, sila ay nasa linya lamang nila para pumatay ng mga kalabang minions para magkaroon ng gold at kailangan dumepende sa mga support o tangke. Meron din naman ang mga Sorcerers o mga bayani na nagtataglay ng mga makapangyarihang mahika, may kakayahan sila upang pumatay ngunit madali lamang silang patayin. At ang pinaka nakakatakot sa lahat ay ang mga Assassin o mga Jungler, sila ang may control sa farm at taga kuha ng mga objectives dito.

At dahil isa akong diyosa, ang Linya ko ay sa Gitna o ang Mid lane, kung saan nagtatagpo ang mga makapangyarihang Sorcera. Gamay ko na ang mga bayani sa gitnang bahagi ng mapa ngunit hindi ko pa nararanasan ang maging isang jungler o tangke, iyon ang isa sa mga insecurities ko, marami kasi akong kilalang mga magaling sa lahat ng roles sa laro. Kung sasali man ako sa tournament ay tiyak na mahihirapan ang aking mga kasapi dahil ang ibang mga roles ay hindi ko gamay.

Sabado ng hapon ngayong ika-apat na araw ng Mayo ay kasalukuyan akong nagpapahinga sa mga gawaing  academics. Nasa ikalawang taon na ako nang kinukuha kong kurso, I am a tourism student, gusto kong maging cabin crew balang araw. Noon ay akala ko madali lamang ang kursong ito, akala ko puro paganda lang ngunit hindi pala, adaming kailangan isaulo kaya minsan ay nangangamote ako, hindi pa naman ako magaling sa pagsaulo lalo na ng mga country codes! Ugggh kairita! Ang mahal pa naman ng tuition fee ko at nahihiya na ako sa mama at papa ko, hindi kasi kami mayaman, kumabaga average lamang. Ang papa ko ay si SPO4 Kensho Dela Vega at ang mama ko ay isang rehistradong guro sa sekondarya, tinatawag siyang Ma'am Josephine Dela Vega. My mom was awarded as the Teacher of the Year na ginawad ng DepEd, ang mama ko kasi ay magtuturo sa isang pampublikong paaralan. Ngunit kahit na isang guro ang mama ko ay hindi ako nag-aral kung saan siya nagtuturo, alam ko ang pag-iisip ng ibang tao, na kesyo nanay ang guro kaya nakapasa, nanay ang adviser kaya nasama sa top 10. Ayaw ko ng ganoon. Noong nasa sekondarya ako, kahit na mahirap, sa isang pribadong paaralan sa syudad ako nag-aral, umuuwi ako araw-araw kahit na hustle kumbaga, pinigilan pa ako ng mga magulang ko ngunit desidido ako.

Pangalawa ako sa aming magkapatid, ang kuya ko ay graduating na sa kursong Criminology. Siya ang nag - impluwensya sa akin na maglaro ng mga video games. Noong una ay hindi ko pa ito masundan hanggang sa naging bihasa rin naman ako kalaunan. Kensho Jr. is a Pro player, a streamer. Kilala ang kuya ko sa larangang ito, nabibili niya ang kanyang mga gusto dahil sa mga kinikita niya sa pag stream, minsan binibilhan niya rin ako ng mga gamit kaya todo suporta ako. Nakilala rin ako kalaunan dahil nga sa kapatid ko, mediyo umabante ang ilang mga followers ko sa mga social media ko, ngunit kahit na ganoon nga ay nagpasya ako na wag munang maging streamer, may panahon para diyan.

Kahit na mahilig ako maglaro ay hindi ko naranasan ang lumiban sa klase o maglaro habang nagdidiskurso ang aming guro sa paaralan, alam ko ang priority ko. Ayaw kong mapahiya ang mga magulang ko sa paaralan lalo na at kilala ang mama ko dahil sa nakuha niyang parangal galing sa Departamento ng Edukasyon sa aming rehiyon.

Akala ko noong una ay puro lamang laro at palitan ng mga maaanghang na salita ang matutunan ko sa paglalaro ng mga video games, matututo rin pala akong magmahal...

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon