Chapter 5

134 13 0
                                    

Pasukan na naman ngayon at naghahanda na ako, binibilisan ko ngayon ang aking mga galaw dahil alas dose na ng gabi ako natulog kagabi. Sa palagay ko kasi ay huling laro ko na iyon kaya naman ay tinodo ko na. Wala naman nang istorbo sa live ko at nagcomment ng kung anong makakapag-pasakit ba naman ng damdamin ko.

Dumiretso na ako sa registrar's office upang hanapin ang unang kwarto ko ngayong araw. Entrepreneurship in Tourism and Hospitality ang unang subject ko ngayong araw, 3 units ito. Inayos ko ang uniform ko nang matapat ako sa isang sliding door, pintuan ito papasok ng Business Affairs. Pinasadahan ko nang tingin ang aking itsura at nagmadaling naglakad dahil aakyat pa ako sa 3rd floor.

Puno na ang classroom nang makapasok ako at ang ilan sa kanila ay busy sa kanilang cellphone habang hinihintay ang aming Propesor. Hindi nila ako masyadong kilala dito, or meron man pero iilan lang ang may pakealam. Hindi naman kasi lahat sila ay interesado sa gaming, mas interesado sila sa mga pageants at iba pang paglaro ng ganda-gandahan.

"Alam mo ba, may kausap akong French sa dating app, ay mare, buti nalang talaga at natuto na akong magsalita ng french!" Halos pasigaw na kwento ng isa kong ka klase sa isa pa naming classmate. Hayop talaga tong si Xandara, ginagamit ang natututunan sa kurso namin para mambingwit ng afam!

" So ano, nagsisisi ka pa ba na nag Tourism ka? Kuda ka pa ha!" Sabi ng katabi niya sa upuan.

"Meron parin parte na nagsisisi ako, kasi ang akala ko puro lang talaga pagpapaganda ang gagawin dito hindi katulad ng ibang kurso na sunog kilay, mahirap din pala dito! Biruin mo, kailangan kabisado mo ang world map! Punyeta."

Natatawa ako habang nakikinig sa usapan nila dahil totoo naman yon. Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ang tourism ay nag Computer Science nalang ako o di kaya ay Information Technology dahil mahilig din naman akong mangkalikot ng kompyuter.

Natapos ang araw at uwian na naman. Dumaan muna ako sa isang milk tea shop upang bumili ng maiinom, 39 pesos lang ang Classic milk tea 500 ml nila dito kaya sulit talaga.
Umupo na ako sa isang upuan dahil bumili din ako ng cheesecake sa kanila.

Sa kalagitnaan ng pagsipsip ko sa straw ng milk tea ay may pumasok na mga estudyante. Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil masikip lang ang shop.

"You know Lex diba, ang sabi ng Dean ng ICT is kukunin daw siya as a speaker for our upcoming event." Lex, huh? Alumni siya  ng Sea and Sky? He's 4 years older than me so I don't know.

"Talaga ba, I'm always watching him play. Handa akong magpabalahura sa kanya." tila gigil na sabi ng isa at humagikgik pa.

Napairap nalang ako habang ngumunguya sa panghuling piraso ng cheesecake ko. Hindi naman ako sa ICT department kaya for sure ay hindi na magkrus pa ang landas naming dalawa. Tumayo na ako at lumabas sa shop na iyon upang magtungo sa bus stop, mas convenient kasing sakyan ang bus kesa sa mga jeep o habal-habal. Habang naghihintay ng bus ay nag scroll muna ako sa news feed ko. I'm trying to refresh my feed when a post from our page pops up.

Catch Lex Go for the upcoming events to come. The King of the Jungle will soon touch the grounds of his beloved alma mater, where he started to dream and believe. As one of the highest paid pro players in town, he's considered as the most successful esports player to date. His remarkable contribution to the esports community is undeniable. And now, Lex is ready to share his experiences that will surely motivate each and everyone.

Napairap ako habang naglalakad. Buti nalang talaga at hindi kami magkapareho ng department at tataas talaga ang presyon ko dahil sa lalaking yon.

Nang makauwi na ay nagmano ako kay mama bago dumiretso sa aking kwarto. Si kuya naman ay wala pa, kasama niya siguro ang mga kaklase niya ngayon.

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon