Nasa may pintuan nako ng makarinig ako ng malalakas na tawanan at kalabog sa loob ng magiging classroom ko. Nakasara ito at pati mga bintana naka sara, Ano trip nila? Wala pa naman yung prof ah. Binuksan ko nalang yung pinto at pagkita ko magulong classroom ang nakita ko depungal nag kalat ang mga upuan at may mga nagsusulat sa board ng kung ano-ano may nagsusuntukan at nagpupustahan kung sino mananalo.
-_-///
Napatingin sila sakin pero nagtuloy lang din ulit sa mga pinagkakaabalahan nila na parang walang nakita naglakad nalang ako papasok at naghanap ng matinong pwesto. "Hi?" Nahihiyang bati nung may red ponytail saakin. Tiningnan ko lamang sya at saka isinuot yung headset pake ko ba sakanya?
Biglang tumahimik ang classroom kahit naka headset ako dahil mas malakas pa ingay nila kesa sa music ko hanep (-.- )
"Tsk... Everyone STAND UP!" napatayo naman ang lahat maliban sakin. Hmmppp... di naman sya prof or something mukang classmate ko panga sya, so why ko naman susundin utos nya? Bahala sya dyan.
Lalong tumahimik at nakita kong nasakin na lahat ng atensyon nila oh? Problema nyo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng sexyng nilalang?
"What?"
"S. T. A. N. D. U. P.! " edi ikaw na magaling sa spelling -_-#
"Bat naman ako tatayo?"
"Common sense miss? Malamang utos ko!" Pikon na sabi nya.
So? ano naman kung utos mo ano ka gold? Arghhh pasalamat sya mabait ako padabog ako tumayo.
"Happy now?" Iritang tanong ko
"Yeah" matipid na sabi nya
"Bakit ba vein? Nukailangans mo?" Tanong nung naka RedPonyTail. Ah vein pala pangalan nya? Okay payn hanapin nyo pake ko.
"So, di nako magpapaligoy-ligoy pa wala tayong klase sa first and second subject kaya free tayo, kaya ngayon ko naisipan gawin ang pagpili ng clubs nasasalihan ng bawat isa satin"
Nagtilian ang ibang babae at para namang mga takas mental ang mga lalaki jusko parang nalaman lang nilang mamimili na ng clubs ganyan na sila? Napakababaw ng kaligayahan nila.
"May iba't-ibang clubs tayo pero hindi katulad ng mga clubs ng ibang school may mga pwede kayong isuggest na bagong club or hahanap nalang kayo ng sasalihan nyo kami lang ang magaapprove kung pwede ba yun o makakatulong ba sa pagpaganda ng school natin at hindi labag sa rules ng school natin ang plaplanohin nyong club, dapat may club nasasalihan ang lahat otherwise---"
"Otherwise you will be forced to help cleaners of this university everyday" pagpapatuloy ng isang babaeng may tulak-tulak na trolley.
(Ito mismo yun guys hshs.)
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Wo-oah g-go-good morning ms.margie gumaganda ka ata ngayon ah? HA..HA..HA..HA.."
Kabadong pag bibiro nung vein, ms.margie? sino naman kaya sya?Pero sa itsura nya muka syang janitress. Pumasok sya ng kaunti sa pintuan at kumaway sa aming lahat.
"Good morning Students" Pagkatapos ay umalis na sya.
Ngek?Ang weird naman nya.
"Hayts delikado talaga yung boses nya nakakatakot as always" kamot ulong sabi nung vein."Okay so alam nyo na ang announcement ko kaya aalis na ako" He smiled sh*t ankyut nya ( >.< )
"Also ms.newbie can i ask you?" napatingin naman ako sakanya.
"Hmmm?"Kunwaring tamad kong pagtugon.
"Why don't you join our club?Para naman mas lalo mokong matitigan at madalas mokong kasama" He wink
Loading......
Loading.........
Loading...........
Ay l*tseee O_o nudawww?????
"Pardon?" Jusq self kumalma ka at baka masapak mo sya.
"HAHAHAHAHA just joking ms.newbie wag mo kasi akong masyadong titigan makikita mo naman ako araw-araw tsaka baka matunaw ako nyan". Ngiti na sabi nya parang kanina ang init ng ulo nya sakin tapos ngayon kasing kapal na ng muka nya yung Wikipedia App kung sakaling magiging buong libro yun tsk...
"SHUT UP." yun nalamang ang nasagot ko sakanya bago ito tuluyang umalis.
Napatingin ako doon sa babaeng naka redponytail parang di na sya humihinga ay jusq ano nangyari sakanya?
"Woiii ayan ka nanaman baka gusto mong magising sa katotohanan noh?" sabay pitik sa tenga nung babaeng naka tulala .
"Ha?Ah eh tara sa canteen wala na akong tubig ei" Kamot ulong sabi nung naka redponytail
Napailing nalamang ako at muling umupo. Hmmmmm..anong club naman kaya masasalihan ko o plaplanohin ko, bat kasi andaming ganap pshhh.
MEANWHILE..........
Nasa canteen ako ngayon ng school nato at ang ingay nilang lahat daig pa nila kinder kung kumain hutek-,-
"Hi, miss!" Lumapit sakin yung isang babae na naka blueponytail hmm yan yung katabi nung naka redponytail eh.
"Yes?" Tinanggal ko muna yung headset ko at tumingin sakanya ng deretsyo
Napatingin naman ako sa paligid at tama sya naawa naman ako kaya pinayagan ko na pang-apatan na tao naman yung pwesto ko eh.
"Bakit magisa kalang?"tanong ko habang sinisipat ang ulam ko baka kasi may ano paminta ayaw ko ng lasa nun
"Yieee hanap mo mga kaibigan ko? Wait nasa pilahan pa kasi sila dito din naman sila uupo don't worry *^▁^*"
Napangiwi naman ako sa nalaman ko so sakto palang pangapatan ang pwesto ko para samin? Hanep....
"Argh asan naba si pastel?kung saan-saan sumosuot itapon ko sya universe hmpt" narinig kong maktol sa kabilang way nang mga table napalingon ako doon at nakita ko yung dalawa pangbabae na kasama nung katabi ko ngayon.
"Miss hinahanap ka ata ng mga kasama mo." Lumawak naman ang ngiti nya at tumayo saka nagmadaling pinuntahan yung dalawang babae.
Okay.....
→_→ Tingin sa kanan
←_← Then tingin sa kaliwa
Nangmasiguro kong walang taong naka tingin sakin ay umalis nako sa table saktong tapos naman nako sa pagkain bahala sila dyan wala akong balak makipagchismisan. Naglakad nako palabas at napadaan ako sa mga vacant room hmmmmm makapag ikot nga muna.
May narinig akong kunting kalabog sa dulo ng hallway puro vacant room ang nadadaanan ko tanging upuan at table nalang ang nasa loob ng mga ito.Nagmadali akong maglakad para makarating agad sa ingay na naririnig ko.
"Ano lalaban kapa?huh?!"rinig kong sabi nung babaeng nagaangas-angasan
"Xia please hayaan mo na sya" nakikiusap na sabi nung babaeng kasama nya.
Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan nung maangas na babae na nadinig ko xia yung name. Ano kaya problema nila? Well pake ko rin naman eh no? Nagiging chismosa nako jusq makaalis na nga kala ko kung anong meron dito tss..
"Hey sino ka?" Tanong nung xia sakin paalis na sana ako eh bilis naman neto makaramdam hutek-.-
"Iniri ako miss"pabalang na sagot ko
"Aba tibay ng dila mo!"
(-.- )hanap kang kausap mo..
nilayasan ko nalang sila at di na muling lumingon pa ket pumutok na litid ng lalamunan nung xia kakasigaw.