Unexpected Love 1

0 0 0
                                    


"Malou, alas dos na punta na kayo sa bukid natin. Magdidilig pa kayo dun. May tataposin pa ako dito" ani tatay

Sheyt! Magdidilig nanaman. Nakakapagod talaga sa buhay bukid. Nagtanim si papa ng watermelon sa gilid ng bundok tas sa ibaba ng bundok may lupa naman kami mga half hectare ata then nakalibot doon yung ilog, doon kami kukuha ng tubig para idilig sa taniman namin. Kasama ko naman nakababatang kapatid kong babae, medyo sanay naman kami kaya okay lang. Wala naman kaming choice kundi magtrabaho, kasi magagalit si papa tsaka yun lang naman trabaho namin ang magdilig kada araw sa pagsapit ng alas dos sa tanghali.

"Jay! Tara na't matapos na yung didiligan natin"sabi ko sakanya. Ayon nanaman sa kwarto namin, palagi nalang nakahiga. Ang tamad tamad minsan.

"Opo"

"Nakakapagod talaga dito ate noh?" Biglang sabi ni jasmine o jay.

"Kahit nakakapagod dito wala pa rin tayong choice. O diyan yang pwesto mo sa gilid dapat madiligan mo yan pataas ha," sabi ko habang nag bitbit ng dalawang container.

Yup, nakakabuhat ako ng dalawang container, parang training ko na rin naman to kasi sa susunod na pasukan ay college na ako at yung gusto kong kunin na kurso ay criminology.

"Jay, tara sa baba't igiban na natin toh" sabi ko sabay lakad pababa ng bundok namin. Uminom muna siya ng tubig sabay sunod.

Nasa baba na kami at nagtaka nung pumilahaw ng tahol yung dalawang aso namin. Patay! Napakamaldito pa naman yung isang lalaking aso namin. Puwet yung palaging puntirya niya eh. Nangangagat nang puwet +_+. May paparating! Tsaka ang ingay ha. Marami ata sila, nasa ilog kami at nung lumapit yung aso sakin ay agad kong hinawakan katawan niya upang hindi makagalaw baka mamaya ibang puwet nanaman ang makagat jusko. Adik sa pwet!
Papalapit yung mga taong ang iingay tapos di pa sila familiar sa paningin ko. Tagasaan kaya sila noh? Kita ko kasi sa malayo. Puro lalaki tsaka marami sila, ang layo ng abot nila ha. Sa porsinas pa talaga napadpad. Porsinas pangalan ng ilog namin hehe.
Hala! Malapit na sila, yung kapatid ko eh nahihiya at tinakpan ba naman ng sumbrero yung mukha niya. Ayan na sila, pababa na ng ilog. Ang rami nila ha@_@ Tagasaan kaya tong mga to?

Aww! Aww! Aww! Aww!

"Shhh!! Loki! Wag kang maingay!!" Sabi ko sa aso namin.
Nung nasa ilog na sila at lumagpas lang sila sa min ay nanahimik na ako at nag obserba.

"Nak, tulungan natin sila buhatin natin container" biglang pabirong sabi nung nasa panghuling lalaki sa katabi niya.

Sheyt, ba't ganon? Ang bilis ng puso ko. ಠωಠ Crush ko ata siya. Crush at first sight? Tangina! Malou maghunos-dili ka. May jowa ka na

Pero...

Ang kyut niya talagaರ_ರ
Fluppy face. Cupid heart lips. Ampp! Sarap halikan. Matangkad pa! Half naked pa! Yummy! Shhh.

Pota! Masama na ata toh. Tss!

"Sige bah" sakay naman na sabi nung katabi niya

Nakakailang! Parang may palaging nakatitig na mata sakin. Di ko alam kung sino. Di ko naman kasi tinitingnan mga mukha nila except dun sa unang nagbiro. Nagkatitigan kami saglit pero binawi ko naman agad. Nahihiya kasi ako. Natatawa narin ako dahil sa aso namin. Kaya wala na akong time para takpan yung mukha ko.
Nung makalagpas na sila at nakapunta na sa kabilang bahagi ng ilog ay pinakawalan ko na rin aso namin at saka agad nag igib at binuhat papataas.

Sino kaya yung mga yun at tagasaan. Interesado akong malaman kung sino yung crush at first sight ko. Alam kong taga ibang lugar yun. Di ko pa nakita mga mukha nila sa kapitbahay na baryo namin eh.

Hoh! Hoh! Hoh! Hoh!(´-﹏-';)

Nakakapagoddddd tsaka sobrang hirap huminga.

Aww! Aww! Aww!

Nakaharap ako sa bundok nung tumahol nanaman yung aso namin pero nakaharap sa ilog.
May paparating nanaman ata. Sana yung crush at first sight ko nalang. Nung humarap ako sa ilog ay.
⊙﹏⊙???

Binalikan ako??!

Tanga! Ba't naman ako babalikan. D nga ako kilala(-_-;)
No!!!! Nagsimula na siyang magdamit, d ko na makikita yung abs. Kahit for the last time man lang kung hindi man kami magkikita ulit. Humarap ako sa kanila at pinagmasdan na naglalakad papataas. Silang dalawa lang ata bumalik, asan yung iba?  Tumingin ako sa mukha nung ikalawang naglalakad. Gwapo nga bes! Sarap jowain?

Kaso may jowa na ako. Sayangg!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon