Chapter 2 : SELECTION,ELECTION

27 0 0
                                    

Wooohh!! 3rd day na! Ay teka,di ko naikwento ang nangyari kahapon(2nd day)?!. Hmm... Kahapon kasi boring sa school, pero nakakilala naman ako ng new friend haha, kaibigan din kasi siya ni JM. Ang name nya ay Kloe, HRM ang kinukuha niyang course. Maganda kaso me kapayatan :). Tapos ayun naguwian agad kami kasi waley nanaman ang prof .Sayang di pa tuloy nila ako knowing xD. Pero today pirmis (sure) na magpapakilala na ako hoho! kahit paunti unti. Syempre maaga nanaman ako pumasok at nasa harap nanaman ako as usual. Katabi ko dun ulit si JM pero si Matias e nakahiwalay samin kasi mukhang may kakilala pala ata siya sa classmates namin. Patuloy na nagdadatingan mga kaklse ko hanggang sa may tumabi sakin na nigga ay joke hahaha may kaitiman lang pala. Luckily may kakilala pala siya sa mga kaklase namin, nalaman ko kasi bigla siyang tinawag nung isang lalake sa may likuran niya at pagkatapos nun e lumipat sa tabi at nagkwentuhan. I forgot to mention na katabi ni Matias si Nica (yung babaeng nagtanong sakin nung 1stday) at kasama din nila sa helera ng upuan yung 3 babae at 1 lalake.Nakalingon ako sa kanila, syempre napansin ni Matias kaya tumango siya sakin ade nakitango din ako. Lumapit siya sakin tas pinakilala ako dun sa mga kausap niya. Sabi niya "Ay nga pala eto si Eman, yung nakadungaw satin nung 1stday sa labas. Bat nga ba kayo nasa labas nun, bat di kayo pumasok?" Natawa yung mga kasama ni Matias so nagpaliwanag ako pero di na rin siguro inintindi ng mga yun kasi habang nagpapaliwanag ako e may sinasabi naman si Matias sa kanila na parang trip ako kasi tawa sila tawa. Tinalikuran ko nalang sila kasi nagoover think na ako at sure maasar ako pagkatapos. Kinausap ako bigla ni nigga tinanong ako kung kaklase ko daw ng highschool si Matias ang sabi ko hindi, nakilala ko lang siya nung bago mag HOA nung 1st day natin. I explained kung pano ko nakilala si Matias kaya naalala niya na ako nga yung nasa labas nung 1st day. He also recognize na kasama ko din si JM sa labas nun kasi tinuro niya bigla si JM na katabi ko that time so pinakilala ko na rin. I asked him for his name, sabi niya " Edcel Mark pero EdMar nalang itawag mo sakin." Ipinakilala niya naman yung kausap niya kanina pa, siya pala si Aaron. Nagkwentuhan kaming tatlo at dun ko nalaman na same school sila nung highschool kaya magkakilala sila. Lumingon ako sa likod, sa pwesto nila Matias nakita ko na nakatingin din sila sakin. Sabi ni Matias "Oi Eman tignan mo drinawing ka ni Elaine oh!" tumawa nanaman sila. Hmm e ako, tingin ko naman alam ko yung naka drawing e. May katabaan kasi ako tsaka kulot ang buhok pero sanay na ako sa mga ganyang trip kasi mas malala pang mantrip mga classmates ko nung highschool e. Pero di ko naiwasan mainis lalo na nung narinig ko tumawa yung lalake na katabi nila Nica. Kung matawa halatang nangiinis e tapos nakatingin pa sa mata mo at nakakaasar pa nun halos parehas lang din naman kami ng katawan. Nakooo nakoo!! Buti nalang talaga mabait ako hahaha xD maniwala kayo totoo po yan!

Time Checked: 08:39 am

Di ko nalang pinansin yung grupo nila Matias at nakipagkwentuhan nalang ulit ako kala Edmar at Aaron. Ade ayun kwentuhan kwentuhan nang biglang may dumaan na diyosa ay este babae pala! sa harap na may kaliitan na may kasabay na payat na lalake. Nung dumaan nga yung babae na yun parang tumahimik lahat ng madaldal na lalake at pakiramdam ko nakatingin lahat sila dun. Syempre pati ako nakatingin haha! Aba maganda e! XD. Gumana bigla yung gaydar ko (pero di po ako bakla, sadyang malakas lang ako makasagap hehe) pakirandam ko kasi di naman straight yung kasama nung babaeng maganda. Sinarili ko nalang yung konklusyon ko na yon at nagpasyang mag observe nalang. Hehe mahilig po talaga ako mag observe ng tao tsaka maganalyze ng personality nila >:). Dumating na si Ma'am Eeve kaya nagsitahimik na ang lahat. According to Ma'am, today we are going to elect our officers in the class. That time pala medyo ka-good na nila Matias yung isa pang grupo ng mga lalake na sina JP,Reynan,Ian,Karl at Jin. E mukhang naipakilala naman na ako ni Matias sa mga yun ade matic na medyo ka-good ko na rin hehe kahit di ako sure kung pano ako pinakilala ni mokong. May mga galawan at salitaan kasi kaming mga lalake na dun palang e nagkakaintindihan na. Kaya ko nasabi na good na kami ng mga yun e tumango yung iba sakin at yung iba e tumaas ng kamay. Odiba ganun kasimple may kaibigan kana haha. So balik tayo eleksyon na magaganap. Ade ayan nanaman yung I nominate chooo choo... Kaming mga lalake naman e nantitrip lang, kung sino-sino nino-nominate namin. Ang nanalo sa pagka-president namin e si Matias, ano pa ba aasahan haha basta may grupi kana madali makahatak yun. Ang vice president namin ay si Albert. Hmm di ko pa ata siya nabanggit sainyo. Nakisama sa kwentuhan namin nila EdMar kanina, siguro gusto din ng kausap haha. Ang next na iboboto ay sexytary. Imbis na mga babae ang dapat ma-nominate sa position na yun e aba! panay mga lalake pa hahaha! maloloko kasi sila JP. Pero ang nanalo e si Ian, hindi yung Ian na kasamahan nila JP ha, katokayo lang nya. Tsaka medyo malambot etong isang Ian na ito pero ayos lang as a college student dapat we should learn how to deal with different kinds of people around us and tao parin naman siya, it doesn't matter anymore. Ang naging treasurer naman namin ay si JP. Napagkaisahan kasi namin hahaha tsaka siya pasimuno ng pantitrip e ayan bumalik tuloy sa kanya haha! xD Sunod na magnonominate sa Escort at muse? Aba may ganun pa pala sa college? hahaha xD kala ko pang elem at highschool lang yun haha! Hmm kahelra nila Matias at Nica sa upuan na lalake ah bigla akong pinagtripan... tskkk -,- .

Actually kanina pa siya nantitrip sakin. Bawat position sa officers pasimple lang niyang sasabihin yung pangalan ko ng paulit-ulit. He looked and grinned na talagang halatang nagiinis si mokong! >:/ Dahil ayoko naman ng gulo at tsaka maliit na bagay lang yun e di ko nalang pinansin baka kako nagagwapuhan lang sakin HAHAHA LOL! JOKE LANG! :P Hmm ang pangalan pala niya ay Angelo. Ano raw?!! Angelo? bat di ata bagay? Napaka papansin kasi nitong mokong na to! huu! sorry po sadyang nabadtrip lang hehe. Anyway siya ang may kasalanan kung bat ako nanominate sa pagka-escort. Kaming mga nanominate e pinapunta sa harap syempre botohan gamit ang palakpakan at pagtataas ng kamay ang naging batayan. Habang nasa harap ako tuwang tuwa ang mga ungas (grupo nila Matias) sa likod habang nakatingin sakin. Hmm medyo di naman na ako nahihiya dahil yun naman talaga ang kailangan tsaka sooner magkakakilakilala din kami e. Ay kasali din pala yung kasama nung maganda sa mga nanominate. Mapayat siya at semi kalbo ata buhok nya e? hmm okay naman mukha niya kaya napagkamalan ko rin siyang bf nun e at first glance hehe. Hmm eventually it ended up na di ako ang escort hehe, pero dikit naman ang score sa tally haha!. Ang nanalo na escort ay si CJ, yung kasama ni girl na maganda. So syempre ang muse e yung kasama niya hehe wala ng ninominate e. Hindi naman sa wala ng maganda sa section namin pero mahiyain pa kasi kaya pag ninonominate palang e umaayaw na. Rina yung name nung nanalo na muse namin. Hmm maliit siya haha pero di naman pandak, sabihin na natin na cute ang height niya tapos sexy at maganda pa siya ;). So it's finally done! May officers na ang BSAR 1-D. Bago matapos ang lahat pinapunta lahat ng mga newly assigned officers sa lahat at pinagsalita sa klase. Syempre ano pa ba bago, pinabanggit sa kanila kung ano yung mga plano at maitutulong nila sa klase. Pero dahip sa election na yun unti-unti ko na nakikilala ang mga kaklaseng makakasama ko ngayongbuong taon :).

FLASHBACK (HighSchool)
Ayoko maging officer samin kasi ayoko ng nasisisi ako sa mga kapalpakan at kalokohan ng classmates ko. Ang gusto ko kasama ako sa mga kalokohan na gsgawin which is di ko magagawa kung officer ako ng klase na ang dapat gawin e magpatahimik at magpanatili ng kaayusan ng klase. Nung nasabi ko yan kay Mader basag agad ako hehe. Hmm tumatakas lang daw ako sa obligasyon ko tsaka wala raw akong leadership! which is inaamin ko naman hehe. Sinabi din niya na yung mga kalokohan thingy na yun e di raw bagay sakin kasi di naman daw ako ganun, naiinggit lang daw sa mga kaklase ko which is correct nanaman! Debest talaga si Mader!Alam na alam! ^.^ Hehehe di kasi ako ganung kaloko. Kumbaga yung pantitrip at pakikipaglokohan ko sa mga kaibigan ko e nasa oras at tamang lugar naman, kumbaga e controlled ko naman sarili ko kahit papano xD.

Hmmm siguro marami naman may alam nung famous quote sa Spiderman diba? :) "With great POWER comes with great RESPONSIBILTY." Kaya don't hold back to grab the chance na magkaroon ka ng power if you know na makakatulong ka naman para sa ikabubuti ng iba. :)


Mag-iwan po kayo ng comment for any suggestions :) makakatulong po sakin yun! Salamat! Thank you for reading this chapter :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Guy's PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon