Time Checked: 04:33 am
Maaga akong gumising dahil ngayong araw ganap na akong Architecture Student and syempre 1st day of school ko today. Same lang ng highschool, ako nanaman ang unang gising sa amin. Dapat lang ! Mahihirapan akong maligo kasi iisa lang ang CR namin at 4 kaming magkakapatid. Nauna na rin akong kumaen kasi naman favorite ko si ulam haha! Tocino e! Tocino! sabi nga sa isang commercial sa TV "Masarap, kasi young pork!" So kumaen na ako ang kaso nayari agad ako ni Mader! halos ubusin ko raw kasi ang ulam naming magkakapatid. Hinayaan ko nalang kasi ang aga-aga. So exactly 6:00, we left our house para maihatid na nga kami sa school sa Malolos. Nagaaral ako sa Bulacan State University/BSU/BulSU na kilala din naman na university. Hmm.. actually muntik na akong di mag-aral dito (BSU) kasi qualified ako sa Mapua sa Intramuros yung katabi ng Lyceum. Qualified ako sa double degree course na Sanitary and Civil Engineering. So it's a miracle na pumasa ako sa pinaka gusto kong course na Architecture tapos napamura pa kasi na Bulacan lang hoho! :3 Pero sa totoo lang gusto ko rin yung Engineering haha, yan nga 2nd choice ko na course sa BSU nung nagtake ako ng exam. Siguro kasi engineer din si Dadi kaya ganun kaso alam ko kasi limitation ko eh. May kahinaan ako sa Math hahaha! aminado naman ako tsaka alam kong marami kayong sasangayon na may kahirapan nga yung subject na yun.
Time Checked: 06:37 am
Naihatid na namin ni Mader yung mga kapatid ko sa school nila. Syempre sa school ko din dati kung saan ako grumaduate ng high school at kung saan ako nabulok ng ilang taon haha. Aba! mula nursery hanggang high school dun na ako nag-aaral kaya dapat tawag sa loyalty award ko e "Longyalty Award" huu!! buhay! haha. Pero dahil naman sa pagstay ko dun at pag-aaral namin magkakapatid malaki rin natipid namin kase puro kami discount :) hehe. After 5mins inihatid na ako ni Mader sa BSU.
Habang nasa byahe pinagmamasdan ko yung mga nasa palagid at nasabi ko tuloy sa sarili ko na eto na pala talaga ang bagong ruta na tatahakin ko sa tuwing papasok ako. May Robinson, maraming malapit na swimmingan, maraming computer shop, mga fastfood,tambayan na di mauubusan ng street food sa bawat gilid at syempre maraming mga kainan na may unli gravy at rice hahaha! Mukhang sulit na sulit ang mga vacant ko ah xD. Nako eto na ibinaba na ako ni Mader sa 1st gate at nagpaalam na din sya pero syempre pinsgsabihan muna ako na umuwi daw agad kung alang klase wahh. So pumasok na ako. Nahalata ko agad na may kahigpitan pala sa BSU kasi may guard na matinik ang mata sa bawat kamalian at kakulangan mo sa suot mong uniform pero dahil 1st yr ako naka civilian ako at walang kaso yun haha. Habang naglalakad na ako papunta ng CAFA (College of Architecture and Fine Arts) nakita ko agad yung malaking kaibahan nung highschool ako at ngayong college na. As I continue to walk sobrang dami kong nakakasalubong, siguro dahil 1st day pero nung highschool kasi ako halos makakabisado mo mga students sa school namin kahit mula 1st-4th yr eh haha. Sa left side ko habang naglalakad maraming tindera na syempre nagaalok ng paninda nila. Bili naman agad ako haha! I dunno pero kahit parang ala naman kakaiba sa tinda nyang burger e napabili ako xD. Siguro I'm expecting na may bago kahit sa food hahaha. Napurga kasi ako sa mga tinda sa canteen namin. Yung tipong kada linggo yun at yun lang din naman ang tinda, kumbaga cycle nga wahh! Naalala ko tuloy bigla si Ate Rose, yung tindera sa canteen na masungit pero nakakaclose ko parin naman haha.
Time Checked: 06:55
Awtsuu! 5mins nalang at late na ako!! Dali-dali akong umakyat sa 3rd flr kaso ang problema hahanapin ko papala yung classroom ko tskk. Kinuha ko agad ang COR, hinanap ko agad 1st subject ko at tinignan ko kung ano ang room#. Nakita ko na! Room 314 pala ako ngayong umaga! Takbo ako sa kabilang dulo ng 3rd flr buti nalang at hindi lang ako yung ganun haha xD andami namin na tumatakbo sa hallway at palinga linga sa bawat pinto na may room#. Pagdating ko room namin na katabi ang hagdan, nakita ko na ang nga magiging kaklse sa buong sem. Medyo madami na sila. Mga tahimik pa at mga mukhang hindi naman harmful haha baka nga mas harmful pa ako e xD. Umupo ako sa unahan, sabi kasi ni mader pagnasa una mas maraming natututunan. Hmm kaso mukhang di ko gsgawin yun pag math time haha takot ako matawag e hehe! Makalipas ang ilang minuto may dumating. Namukha ko agad kasi sya pala yung nakasabay ko sa pila nung nagpapareserve ako para sa slot ko as an archi. Si JM pala yun! hmm may lazy eyes sya at parang laging nakainom yan ang description ko sa kanya haha pero wag ka mabait yan at pagnakausap mo yan puro religious facts ang sasabihin nyan. Pinatabi ko siya sakin kasi siya lang naman ang kakilala ko kahit papaano. As I said earlier nagkwento na siya ng kanyang mga religious facts at mukhang gusto pa niya ata ako isali dun sa "cell group" ba yun. So ayoko naman siya idisappoint kaya si sangayon naman ako. Tapos biglang may kumausap sakin sa labas na babae. Hmm maganda naman, long hair e tas maputi kaya para sakin malakas dating :3 .. Tinanong niya sakin kung dito daw ba room ng BSAR1-D section namin yan so sabi ko oo then pumasok na sila. Anlakas maka Directioner ng section namin noh! hahaha xD
Time Checked: 07:41 am
Luh!! ala parin prof namin :/ inip na inip na ako. Pero buti nalang at ala pa siya kasi tinatawag ako ni mother nature! tskkk. Nagpaalam ako saglit ke JM pero di niya alam na may gusto ng kumawala sakin haha. Ayun, pagkatapos ng 5mins na FirstBlood (dora term) ko na ang CR sa 3rd flr wahaha.
Time Checked: 08:27 am
Nag-aya bumili ng pagkain si JM kaya agree naman ako kasi kababawas ko lang xD. Bumili ako ng Piatos na green at buko , ,favorite ko yung dalwa na yun kaya mabilis ko naubos. Inaya ko na umakyat si JM baka kasi nandun na yung prof namin.
...Aba pagkaminamalas nga naman oh!!! Nandun na nga!! wahhh..
Di ko alam kung papasok pa kami o hindi na. Pero sa totoo lang po mahiyain po talaga ako at ganun din si JM haha. Nahihiya ako pumasok kasi nagstart na magpakilala sa harap tsaka pinagtitinginan na kami ng iba naming classmates sa loob. I decided na hindi na ako pumasok kahit labag sakin :( Hmm tingin nyo tama ba ginawa ko?
Sumama ako kay JM naglibot kami ng BSU para mafamiliarize na rin kami sa pasikot-sikot. Inabot kami ng 10 sa paglilibot e 11 next class namin kaya nagadvance na kami sa classroom. Sakto! yung prof namin nung umaga siya ulit prof namin ngayong 11. So naisip ko na mag-sorry kay prof na ito para malaman din niya na student niya ako sa subject na yun which is GR(Graphics) Kagaya nung morning nasa harapan nanaman ako pero this time katabi ko si Matias at nasa right side ko si JM. Siya nga pala yung nakasalubong namin ni JM bago kami pumasok sa next subject namin. Isa din siya dun sa mga classmate namin na tumitingin samin nung umaga habang nasa labas kami haha. Para sa description ko sa kanya. hmm mas matangkad ako ng bahagya,may goaty, at tsaka may pimples, normal naman siguro yun diba? :) Nagtanong tanong ako kay Matias about sa prof namin nung morning at kung may activity ba silang ginawa. Sabi niya wala naman daw activity tsaka babae daw prof namin. Nako nung narinig kung babae ang prof naisip ko agad na baka matandang dalaga na masungit :/ wahhh naku yuko ng ganun xd. Suddenly may dumaan na babae na maganda tas curly hair :3. Pagkadaan nya sa harap tumayo lahat at nag greet sa kanya!! Luhh!! yun pala prof namin?!! Kung titignan niyo siya halos kasing edad lng namin at pormahang teens din naks!. Nagulat ako at natuwa na nako ayos naman pala eh haha! Sa gulat ko nga nalimutan ko na magsorry xD.
Ang name ng prof namin sa subject ng GR at TOA ay Ma'am Eeve. Nagstart na siya magpakilala ulit para daw sa mga bagong mukha sa klase haha sapul kami ni JM dun ah haha xD. Then after niya magpakilala nagkaroon kami ng activity on which we are going to write our first name then for individual letter dapat may mahanap kami sa classmates namin na yung letter na yun ang umpisa ng pangalan. Then nilagay ko name ko sa papel... E.M.A.N... oh ayan kilala niyo na ako ha! just call me and I'll be there lol xD. Then ayun, nag roam around ako sa room. Yung M ko si Matias na yun so 3 to go! may lumapit sakin na dora hair na nangtanong for my name. So tinanong ko din siya. Nalaman ko na siya pala si Annie so meron na din ako para A ko. Hmm lumapit ako dun sa nagtanung sakin nung umaga kasi papalapit din naman siya sakin e haha at dun ko nalaman na Nica pala name niya so sakto may N nadin ako. So para sa letter E ko nakilala ko naman si Ella na may tunay na name na Angel Nadine xD oha! san niya nakuha nickname niya na yun? hahahaha! Hindi ko nasabi na every person na nakilala namin magbibigay sila ng likes nila kasi yun pala sasabihin namin sa harap pag pinakilala namin sila sa lahat xD. After the activity nalaman namin na si Ma'am Evee pala ang adviser kaya ayun masaya kami lahat kahit na natrouble ako nung umaga haha :)
Yun lang pala klase namin sa araw na yun kasi yung ibang prof bukas daw kami imi-meet so umuwi na ako. Pagkauwi ni Mader kinuwento ko mga nangyari sa school at kung paano ako nagkalat sa 1st day ko as an archi student hahaha!?
Hmmm tingin niyo ano mangyayari bukas? :) hahaha sana enjoy din!! :)
Pls. mag-iwan po kay ng comment after nyong mabasa yung story ko. Need ko po yun para na din po mainspire tsaka para maimprove ko yung pagsusulat ko :) Salamat!
BINABASA MO ANG
A Guy's Perspective
Novela JuvenilEman, an architecture student na medyo problemado sa kanyang life. Witness on how will he handle those situation na darating sa buhay nya. Kayo na rin ang humusga if tama ang mga naiisip nyang desisyon sa every problem na haharapin nya.