Chapter 21

20 2 6
                                    

Sorry ngayon lang nakapag-ud. I'm currently facing writer's block hehe. Anw, please read and enjoy this update. Thank you!

————

"What was the reason why some of us are still awake at night? Source of procastination? Distraction?" matapang na tanong ni Ricci kahit kitang kita mo naman na kinakabahan ito. "Social Media. Social Media distracts children from the things they should be doing. It diverts their attention to the point where they are unable to complete their tasks. I don't need to show you any proof because I know that the majority of us are procrastinators too."

Ngumisi si Ricci at sumulyap sa 'kin saglit. Marahil ay tinitignan ang reaksiyon ko sa kaniyang naging sagot. Ngunit nanatiling blanko lang ang ekspresiyon ko, hindi pinapahalatang kinakabahan sa namumuong tensiyon sa debate.

Nakakagulat rin na tahimik at nakikinig ng mabuti ang mga kaklase namin. Pati iyong laging tulog, talagang mulat ang mata ngayon para sa debateng 'to. So, ganito pala makuha ang atensiyon ng mga estyudante, huh?

"I get your point, Miss Villanueva. Marami ngang bata ang ganiyan sa panahon ngayon, pero hindi iyon sapat na rason para hindi paggamitin ng social media ang ibang mga kabataan. Kung masyado na silang dumedepende sa social media, hindi ba ay kasalanan na nila 'yon? It's their choice to scroll on their feeds rather than answering their task. Bakit isisisi sa social media kung sila itong hindi wais gumamit nito?" kalmadong tugon ni Daria.

Napa "oh" ang aming mga kaklase dahilan kung bakit kumalat ang pagkakapahiya sa mukha ni Ricci. Napatingin naman kay Sir Ludwick na nakaupo, umaasang papatapusin na niya ang debateng 'to, ngunit kabaligtaran yata. Dahil kitang kita sa mukha nito na nageenjoy siya nangyayari.

"Social media has the potential to be a source of income for us, minors, as well. We can find jobs in social media, such as online selling, online tutoring, writing novels, and so on. Hindi ba maganda na habang bata pa lang ay natututunan na nilang magtrabaho? Hindi lahat ng bata ay may kakayanan magkaroon ng allowance o baon sa school kaya hindi ba magandang kahit wala pa sila sa tamang edad ay namumulat na sila sa mga ganoong bagay? Na hindi pinupulot ang pera at dapat pinagsisikapan ito?" dagdag niya.

Napaawang na lamang ang mga labi ko sa, hindi maitatangging namangha nga ako sa naging sagot ng kaibigan.

Alam kong matalino si Daria pero hindi ko alam na magaling rin pala siya sa pakikipagdebate. Lalo na at impromptu ito. Madalas kasi ay hindi siya nakikipagparticipate sa tuwing may mga ganito, kaya laking gulat ko na napakagaling niya pala.

Mukhang ang D sa Daria ay Dark Hourse huh?

"Pero...hindi ba ma-le-label as child labor 'yong sinasabi m-mo?" Tumikhim si Ricci sabay ayos ng tayo. "Marami namang pwedeng pagkakitaan nang hindi gumagamit ng kung a-anong plataporma. Pwede sila magapply sa mga establishment sa siyudad imbes na dumepende sa mga social media," sagot ni Ricci na halata mong may pagaalinlangan.

Dumapo ang tingin ko kay Sir Ludwick na napapailing iling na, pero kitang kita mo naman na naeenjoy niya ang nangyayaring debate. Tumunog na ang bell kaya naman tumayo na siya at binitbit ang mga gamit.

"I guess dito na matatapos ang debate. Thank you for participating Ricci Villanueva and Daria Erandio," aniya sabay tingin sa relo. "Sa susunod na lang siguro yung mga kagrupo niyo."

"Pero sir! Sino po nanalo?" tanong ng isa naming kaklase.

Ngumisi si Sir Ludwick. "I'll leave the decision to the audience. Goodbye class." Pagkatapos ay nagmartsa na palabas ng classroom.

Halos lahat ay isinasatinig na si Daria ang nanalo para sakanila. Kaya naman hindi maipinta ang mukha ngayon ni Ricci. Rinig niya kasi ang mga kaklase namin.

Warmth Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon