1-Seth

2 0 0
                                    


"Hindi ako aalis hangga't hindi ako tinatanggap ng babaeng nasa loob ng bahay na ito."

'Yan ang linyang isinaksak ni Seth sa utak n'ya mula pa kanina. Habang bumababa sa gilid ng tulay papunta sa nag-iisa yatang bahay na istilong kubo sa tabing ilog ay kinakausap na niya ang sarili niya at kinukumbinsi. 

Paanong hindi? Halos abutin siya nang maghapon kakahanap sa bahay ng kaniyang girlfriend sa hometown na ito. At wala siyang balak na umuwing talunan.

Two weeks. It's been that long and  nakapag-decide na siya. Hindi niya hahayaang mawala sa kaniya ang girlfriend niyang si Samantha. At hindi niya sasayangin at hahayaang mapunta lang sa wala ang two years nilang pagsasama dahil lang sa issue na hindi matapos-tapos na di pagkakaintindihan.

Well, it's not-so-minor issue and yes, matagal-tagal na nilang pinagtatalunan iyon pero, it's not enough. Not enough reason for them to totally break up.

Naniniwala siya na there's so much more for them to learn and share with each other. Kasama na roon ang pagkakaiba ng ugali at passion nila sa buhay. At sa edad na twenty-four, kahit bunso siya sa pamilya at maagang naging independent sa buhay, handa siyang pagdaanan at ayusin lahat iyon para sa girlfriend niya. Kahit pa nakilala na niya itong spoiled at medyo self-centered.

He just loves her that much.

Hindi ba't gano'n dapat ang relasyon? Fight and make up? Fight some more and always make up again. Ang importante ay may making up and meeting halfway. Kahit lagi namang siya ang sumusuko at walang halfway na nagaganap, okay lang 'yun sa kaniya. Like now. At 'yung two weeks na nagdaan was the longest time na hinayaan niya ang girlfriend niya sa tantrums nito.

Napailing si Seth when he realized tumatakbo na naman sa utak niya ang mga pinagtalunan nilang dalawa ni Samantha. He's not here to argue and open up the issue again, and, or justify his side. He's here because he's decided to surrender everything para kay Sam.

Everything for her. Again. As always.

Nilibot niya ulit ang tingin sa paligid. Making sure na ito nga ang lugar na itinuro ng mga napagtanungan niya. Seems like kilala ang pamilya ni Sam dito dahil sa dating posisyon ng lolo nito sa munisipyo.

Maaliwalas ang lugar. Mapuno, mahangin, may ilog, at layo-layo ang bahay. Sobrang tahimik ng paligid. Bukod sa tunog ng kuliglig at mahinang agos ng tubig. It's actually his kind of place for a month vacation options.

But definitely— not Sam's. Kaya he's so sure na maisasama niya ang girlfriend pabalik ng condo nito sa Manila kung tama ang lugar na naiturong ito. Baka nga pasalamatan pa siya ni Sam na sinundo na niya ito.

Naikuwento na minsan ni Sam ang hometown nilang ito. Ito 'yung lugar na ayaw na nitong balikan pa. Knowing Sam's personality, hindi ito tatagal sa ganitong lugar. Pero kung sadyang lalayo ang girlfriend niya sa kaniya, sa hirap hanapin ng location na ito, this is definitely the right place to hide.

Huminga siya nang malalim at inihahanda ang sarili sa harap ng pintuan ng halos sixty square meter na bungalow house. Sa malayo ay mukhang kubo ito, pero sa malapitan, it's a solid stone house.

Inayos niya ang backpack sa kaniyang likuran at isinuklay ang mga daliri sa wavy niyang buhok. His hair used to be longer but Samantha liked it short, kaya for her, pinagupit niya ito ng clean cut before siya bumiyahe papunta rito.

Kumatok na siya. Here it goes— he said to himself.

"Sam?" tawag niya.

Walang  sumagot. Kinakabahan siyang kumatok ulit. Mas malinaw, this time.

His HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon