"Grade 7 ka palang?" Gulat na tanong ng babaeng sumaklolo sa akin kanina.
"Opo,"
"Shocks! You look like you are in 9th grade--" Hindi tumagal ang pag-uusap namin nang biglang magring ang bell. "See you later, Spring!" Kumaway ako dito pabalik bago nagsimulang maglakad papuntang office.
Nang makarating doon ay agad naman akong pinaunlakan ng Principal. "Kaano ano mo si Don Gregorio, iha?" Gusto kong sabihin na anak ako ni Tatay pero baka magalit si Bethany, sinabi pa naman nito sa akin na huwag ipagkalat na magkapatid kaming dalawa.
"Tito po..." Dahan dahan itong tumango bago ako dinala sa room ko. May guro nang nagtuturo nang makarating kami don kaya naman ang atensiyon ng lahat ay napunta sa amin.
"Good morning, Ma'am Dela Cruz!" sabay sabay na pagbati ng mga ito sa principal namin.
"Good morning students." sandaling kinausap ni ma'am Dela Cruz ang teacher namin bago ako pinaupo sa isang bakanteng upuan sa gitna ng mga row.
Nagpatuloy ang pagtuturo ng teacher namin na parang walang nangyari kaya sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi nito. Sa totoo lang ay nahihirapan akong intindihin ang iba sa mga sinasabi niya dahil masyadong advanced ang lesson nila sa Math, hindi pa talaga ako magaling dito sa subject na 'to.
Hindi naging madali ang sumunod na mga araw, linggo, at buwan dahil ibang iba ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga estudyante sa eskwelahan na ito at sa bahay.
Kung hindi mga English speakers ay may iba iba itong pinag-uusapan na hindi ko masabayan dahil hindi ako makarelate.
Buti nalang at Sabado ngayon kaya walang klase. Wala sina Tatay at Tita dahil may pupuntahan ata silang ball mamayang gabi sa Spain, sina ate Grethel at Kuya Richi ay may sariling lakad rin kaya naiwan kaming dalawa ni Bethany dito sa bahay kasama ang mga kasambahay.
Kumakain ako ng breakfast nang puntahan ako ni Bethany. "Good morning, Bethany."
"Morning." Mukhang masaya at excited ito dahil madalas ay tango lang ang nagiging sagot nito sa akin kapag binabatian ko. "Look Spring, I need you to stay in your room until my friends leave this house okay?"
"Huh, bakit? yung mga friends mo ba sa school?"
"No! They are my friends from the hacienda kaya please. Just do what I say. Ayokong malaman nilang may kapatid ako sa labas." Masakit man ay tumango na lamang ako.
Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling. Thankful din ako dahil sa kanilang lahat, si Bethany lang ang kumakausap sa akin.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo."
Alas diyes ng umaga nang makarating ang mga kaibigan ni Bethany. Anim silang lahat, tatlong babae at tatlong lalaki. Pero mukhang hindi naman nila kaibigan ang isang lalaki don dahil hindi naman siya nakikipag-usap sa mga ito. He looks older too, parang nasa grade 10 na ito.
Hindi ko na sila pinansin at tsaka sinara ang bintana. Nagsimula akong linisin ang kwarto at tsaka nilabhan ang mga maduduming damit ko. Masyadong malaki ang kwarto ko na may kasama nang CR.
Siguradong mas malaki pa dito ang kwarto nina Bethany dahil guest room daw nila to noon.
Nang matapos sa paglalaba at paglilinis, ay bigla akong nagutom. "Ala una na pala...pero hindi ako pwedeng lumabas." Sinubukan kong itulog ang gutom pero hindi ko magawa.
Alas tres ng hapon nang hindi ko na kinaya ang gutom kaya napag-desisyunan kong patagong kumuha ng makakain sa kusina. Rinig ko ang malakas na tawanan Nina Bethany sa loob ng kaniyang kwarto kaya nakahinga agad ako ng maayos.
Agad akong tumakbo papuntang kusina at tsaka kumuha ng mga pagkaun sa ref. Nagsimula akong maglakad pabalik ng kwarto, karga ko ang mga pagkaing kinuha ko nang may nabangga akong isang tao.
"Sorry," paumanhin ko dito at tsaka siya nginitian. Aalis na sana ako nang magsalita ito.
"Where's your rest room?"
"A-ah, wait." Bumalik ako ng kusina ara ilagay ang mga pagkaing nakuha ko at tsaka naglakad papuntang CR na para sa mga bisita. "Dito po,"
Hindi ko na ito hinintay pang matapos dahil sa takot na maabutan ako ni Bethany sa labas ng kwarto ko. Ayokong mag-away kaming dalawa.
Nang makabalik ako sa aking kwarto ay nagsimula agad akong kumain. Nakonsensiya ako ng konti dahil hindi ko na hinintay pa ang lalaki kanina pero nadala na siguro talaga ako ng kaba at takot.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, at taon. Limang taon na ang nagdaan simula nang manirahan ako kasama sina Tatay. Madalas wala sina Tita at Tatay, si Kuya Richi naman ay natuloy sa plano ni Tatay na mapasok sa politika. Si Ate Grethel ay nasa London at hinahawakan ang negosyo ni Tita Felicity na namana nito sa kaniyang mga magulang.
Alas otso ng gabi nang may kumatok sa aking pinto. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa aking kama at sa aking pagbukas ay agad akong niyakap ni Bethany.
"Ayokong umalis dito!" Nagtataka man ay sinara ko muna ang pintuan at tsaka nanatiling tahimik. Umiyak ito ng umiyak ng ilang minuto.
"Anong problema? May magagawa ba ako para matulungan ka?"
"Si Daddy kasi, pinapauwi ako sa hacienda eh nandito naman ang buhay ko sa Manila!"
"Bakit ka daw uuwi?" Umiyak lang ito at hindi na ako pinansin.
"Kung may magagawa lang sana ako, para matulungan ka, gagawin ko-"
Kung kanina ay para siyang pinagbagsakan ng langit, ngayon ay para naman siyang nanalo sa lotto.
"Talaga? Gagawin mo ang lahat para matulungan ako?"
"Ah-eh kung patayan siempre hinde!"
"Hindi yun! Please ikaw nalang ang umuwi sa hacienda tutal wala ka namang friends dito," Hindi ko alam kung insulto ba yun o ano pero tinanguan ko na lamang siya.
"Pero paano kung hindi pumayag sina Tatay?"
"Kakausapin ko siya." Pursigido nitong saad at mabilis na lumabas ng aking kwarto para kausapin si Tatay. Napailing na lamang ako dahil dito.
Kapag nagkataon na pumayag si Tatay, kahit na kinakabahan ay tutulungan ko si Bethany dahil siya lang ang pinaka-close ko sa lahat at ayoko siyang mabigo.
Lumabas lamang ako ng aking kwarto nang mag-alas diyes na ng gabi. Bigla akong nagutom kaya naisipan kong kumuha ng pagkain. Didiretso sana agad ako sa kusina nang marinig kong nag-aaway sina Tita at Tatay.
"Hindi ka ba naaawa sa anak mo, Gregorio ha?! Bakit ba kasi hindi ka na pumayag na si Spring ang dalhin sa hacienda?!" Nanatiling tahimik si Tatay at pinapakinggan lamang ang mga sinasabi ni Tita. "Hindi gaya ni Spring, mas madaming maiiwan dito si Bethany!"
"Mas alam ni Bethany ang mga ganap sa Hacienda, Felicity. Ilang beses na siyang nakapunta doon hindi gaya ni Spring!"
"Pwede namang turuan! Your daughter is capable of learning so why not let her? Mabuti nalang talaga at nandito 'yang batang 'yan. Tutal nanay niya naman ang lumandi sa'yo, gamitin mo para mabawi ang hacienda."
BINABASA MO ANG
My Paradise
RomanceFind Yourself Series #2 "I lost the game by default." ~ Started: 12/26/22 Ended: