5

157 8 0
                                        

Mabilis lang lumipas ang araw hindi ko na namalayan na naka apat na taon na kami ng anak ko dito sa bataan.

Hindi ko na sya sinasama pag napasok ako iniiwanan ko na ito kay Lalaine ang pamangkin kasambahay ni Ma'am Patricia.

Masasabi ko na wala ako naging problema bukod sa mabait ay maalaga ito kay Ethan.

Kaya nag papasalamat ako dahil panatag ako na naiiwan ang anak ko dito sa bahay.

Ayaw ko man sya iwan dito pero hindi pwede na lagi sya kasama lalo na nung nag umpisa na ako sa outdoor.

Kasalukuyan na nasa site ako kasama ang ilang engineer malapit na matapos ang project namin na halos dalawang taon din.

"Athena pauwi kana ba?"tanong ni Aldrin
"Oo naka pangako kasi ako sa anak ko na maaga ako uuwi bakit?"tanong ko.
"Aayain ka sana kita na lumabas"sabi nito.
"Sorry" hindi na bago na ayain ako ni Aldrin una pa lang nag tapat na ito sa akin pero dinecline ko ito

"Sige ok lang"

Mabait si Aldrin may isa din itong anak kagaya ko kaibahan lang hiwalay na ito sa asawa niya at kasal pa ito. Saka ayaw ko din na pumasok sa isang relasyon siguro dahil sa nag ka phobia ako.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa opisina saka umuwi pero bago yon ay nag grocery muna ako ng pangangailangan namin sa bahay.

Pag dating ko ay agad akong tinakbo ng anak ko at agad na niyakap ng mahigpit.

Napawi ang lahat ng pagod pag nayayakap ko ang anak ko.

"Anak nood ka muna doon mag bibihis lang si Mama tapos mag luluto na ako ng favorite mo"
"Sinigang Mama"masayang sabi nito
"Opo"pisil ko sa cheek nito.

Kaya pumasok muna ako sa kwarto para mag palit ng kumportableng damit saka lumabas para ihanda na ang lulutuin ko.

Si Lalaine naman ay inaayos ang pinamili ko.

After maka luto ay agad kaming kumain na tatlo hanggang sa basagin ni Lalaine..

"Ate" nag hum lang ako "ano mag papaalam po sana ako"
"Paalam saan?"tanong ko.
"Gusto kasi ni Nanay na umuwi na ako para ipagpatuloy ko ang pag aaral ko" nahiyang sabi nito.

"Tama naman ang Nanay mo sige pumayag ako ayaw ko naman na habang panahon na ganito na lang ang maging trabaho mo i mean mangaral naman na trabaho to kaso gusto ko din na maabot mo ang pangarap mo"sabi ko

"Ate paano po si Ethan?"tanong nito.
"Wag kang mag alala kay Ethan matatapos na naman yung project namin so habang wala pang bagong project nasa office lang ako at isasama ko si Ethan"

"Ate salamat po ikaw ang inspirasyon ko"naka ngiting sabi nito.
"Basta pag igihan mo ang pag aaral sikapin mo na makatapos ka kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sa akin hindi ka na iba sa amin ni Ethan"sabi ko.

"Salamat ate"

After namin na mag hapunan ay agad na niligpit ni Lalaine ang pinag kainan namin at palibasa walang pasok kinabukasan nakagawian na namin na mag movie marathon na tatlo bago matulog.

Dumating ang araw ng alis ni Lalaine panay ang iyak ni Ethan kaya sinabi ko na pupuntahan pa rin sya nito.

Kasalukuyan na nasa office kami si Ethan ay nasa isang table tahimik na nag lalaro o nag kukulay.

Sa edad na mag tatlong taon ay makikitaan mo agad ito ng dedikasyon lalo na sa ginagawa niya

Balak ko na ipasok sa sunod na pasukan sakto na tatlong taon na ito para sa nursery dahil gustong gusto na ito na mag aral.

Tinatapos ko ang ginagawa ko ng lumapit si Jillian isa ito sa una kong naging kaibigan.

"Andito pala ang poging inaanak ko"bati nito.
"Ninang"
"Oo sinama ko umuwi na si Lalaine sa kanila"sabi ko.
"Ah ganun ba"
"Oo kaya sakto na office muna ako hanggang wala pang project"sagot ko.
"Buti na lang talaga kasi kawawa si Ethan pag nasa site maalikabok pa naman doon"

"Oo siguro bago mag ka project may makukuha na akong mag babantay Kay Ethan sabi kasi ni Lalaine hahanapan niya ako ng kapalit niya"
"Sana makahanap na agad"

Unang beses ko kasi na sinama si Ethan sa site doon ko nalaman na mayroon itong asthma gawa ng alikabok sa site.

"Tara na lunch na tayo" aya nito
"Anak mamaya na yan kain muna tayo ni ninang mo" sabi ko
"Mama Jollibee"
"Sure baby"si Jillian na ang sumagot.
"Yehey" napailing na lang ako

Spoiled kasi ito sa ninang niya kaya nag punta kami ng Jollibee at syempre dahil nga spoiled ito sa ninang niya lahat ng gusto binigay napapailing na lang ako sa mag ninang.

"Athena balita ko papadala ka daw sa manila pano si Ethan?"biglang tanong nito.

"Isasama ko saka di ba umuwi na si Lalaine"sagot ko.

"Sabagay mahirap makakuha ng mag aalaga kay Ethan swerte na nga kay Lalaine bukod sa mabait maalaga"sabi nito.

"Pero syempre ayaw ko naman habang buhay na lang na ganoon ang trabaho ni Lalaine gusto ko din naman na maabot niya yung pangarap niya kaya hindi na ako nag dalawang isip na payagan sya"sagot ko.

"Sabagay"tipid na sabi nito.

After an hour ay bumalik na kami ng opisina at agad na nilabas ni Ethan ang bagong bili sa kanya na laruan sa Jollibee.

Dumating ang araw ng alis namin ng anak ko.

Pag karating ng manila ay dumeretso agad kami sa company at nag report agad ako.

Iniwan ko muna si Ethan sa secretary ni Ma'am Patricia.

"Good morning Ma'am"bati ko.
"Good morning too have a sit"
"Thank you ma'am"

Napailing na lang si Ma'am Patricia sa kin.

"Athena ok lang ba na dito muna kayo mag stay ni Ethan kasi kung mag uuwian kayo ng bataan mapapagod lang kayo sa byahe lalo na si Ethan"sabi nito

"Wala naman pong problema Ma'am"sagot ko.
"Good so ayon nga gusto ng isang client natin na ikaw ang kunin bilang architect na papagawa na property nila pinakita ko yung gawa mo at nagustuhan ng client natin dahil sa bukod sa bagay sa location"sabi nito.

"Sure Ma'am kailan po pwede na makita at makilala po yung client natin?"tanong ko.

"By Wednesday ang sinabi kay Darlene"ang secretary nito

"Ok po Ma'am bali po babalik na lang po ako bago po mag Wednesday para maayos ko din po ang gamit namin ni Ethan"sabi ko

"Ok no problem" pinindot nito ang intercom at pinapasok si Ethan.

Agad naman na tumakbo si Ethan kay Ma'am Patricia.

"Nang nang" sigaw nito at natawa na lang kami

"Good boy ba si Ethan?"tanong nito.
"Opo sabi Mama dito na daw kami tira di makikita ko na po si Benedict" bibong sabi nito.

"Everyday baby makikita mo sya "sagot nito.

Mag ka edad kasi si Benedict at Ethan. Nag tagal pa kami ng ilang oras at hinatid kami ng company van at sinabi din ni Ma'am Patricia na aantayin kami ng van para magamit sa pag lipat namin sa bagong apartment na nakuha ko.

My Nerd is My Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now