lunch time na nung nakarating kami sa town house kaya medyo matagal tagal din kami nag kausap ni andrei masasabi ko na hindi naman pala sya mayabang sobrang mahilig lang talaga syang mang asar which is nakasanayan ko nadin naman kahit papano, he has a big sense of humor and a gentleman too. sobrang build up na ba ako sa kanya? i don't know pero palagay na kasi agad ang loob ko sa kanya which is very unusual on my part but anyway malakas magpa goodvibes ang ngiti nya kaya go nalang. haha
"hi beautiful!" ayan na naman po sya sa mga endearments nya. tss nakakainis! (nakaka inis or nakaka kilig?) sabat ng aking konsensya
"hello" tipid kong bati sa kanya
"oh balik yata sa pagiging sungit mode? sige ka papangit ka nyan! smile kana dali yan pa naman ang nagustuhan ko sayo."
"anong sabi mo?" tinaasan ko sya ng kilay
"hahaha. you're being a tigress again. Im just kidding c'mon ngumiti ka naman dyan."
"fine. tss" then I give him a weak smile
"ayy bitin e. konti pa please.."
"ano ba? niloloko mo naman ako e." I hissed
"ofcourse not! hindi ko kayang lokohin ang mga babaeng katulad mo. you're exceptional"
"psh. dami mo sinabi." I automatically smile when I heard those words from him. kahit naman kasi hindi ko aminin nakaka kilig sa part nating mga babae ang masabihan ng mga ganong bagay. right girls?
"ayan! perfect!" he's now smiling from ear to ear. "do you want to test the water? like wakeboarding?" he asked again
"wakeboarding??" I repeated. bigla naman akong na excite. kahapon ko pa gusto mag water activity kaso wala naman akong kasama kaya nakakatuwa naman na bigla syang nag ayang mag wakeboarding.
"yeah. if gusto mo lang naman pero kung.. "
"I would love to" putol ko sa sasabihin nya
"that's great! so magpalit na tayo? tara?"
we went upstairs para magpalit ng damit and we go to calatagan yun kasi ang pinaka sikat na pinag we- wakeboarding dito sa batangas. actually sanay naman ako sa mga ganito pero ewan ko ba at parang first time ko sa sobrang pagka excite siguro dahil eto ang unang beses na gagawin ko to with a guy aside from my dad. he offered me na sabay namin syang gawin at pumayag naman ako. ayoko naman na panoorin nya ko habang ako ang nakasakay.
"hey? nervous?"
"huh? hindi no! sanay ako sa ganyan. maybe I'm just too excited matagal na kasi nung huli ko syang na try"
"ganon ba? basta stay calm and I'll always guard you I won't let anything happen to you." he said looking into my eyes
natapos ang wakeboarding then nag try pa kami ng ibang activities like snorkling and diving all in all it was fun. nakakatuwa na nakikita ko ang other side nitong si andrei napatunayan ko na hindi totoo yung 'first impression last'. nakauwi na kami sa bahay ng masalubong namin si manang lourdes, napatigil ako ng mapansin ko kung saan sya nakatingin. hindi ko pala namalayan na magkahawak kamay kami ni andrei habang naglalakad papasok ng bahay.
"ginabi kayo ha? kayo ba'y nagsi hapunan na? naka ngiting tanong samin ni manang lourdes
nahihiya ako kaya pilit kong hinihila ang kamay ko kay andrei kaso mas lalo nya lang itong hinahawakan kaya hinayaan ko nalang patay malisyang sumagot nalang ako kay manang
"oho manang lourdes kumain na po kami ni andrei. kayo po ba?"
"kakatapos ko lang iha, mukhang nag enjoy kayo sa lakad ninyo at ngayon lang kayo nakauwi."
YOU ARE READING
He Loves me or Not?
Teen Fiction"NO COMMITMENT JUST LOVE" RELATIONSHIP Naranasan mo na ba yung ganitong set up? yung parang kayo pero walang label. Pseudo relationship ika nga. Yung tipong alam nyo naman na mahal nyo ang isa't isa at hindi nyo gugustuhing mapunta sya sa iba. Pero...