tinanghali ako ng gising kinabukasan dahil sa sobrang puyat. hindi kasi ako masyado nakatulog kaka isip sa mga nangyari nung nakaraang gabi. parang may nagsasabi sakin na tama naman na sundin ko yung gusto ng puso ko, pero may part sakin na alam din namang mali ang naging desisyon ko. ang hirap talaga pag nagmahal ka, minsan ang mali ginagawa nating tama at ang tama naman ginagawa nating mali.
pagka labas ko sa may pintuan ng kwarto ay may mga nagkalat na pulang bagay sa sahig, gulat ang una kong narandaman pero ng marealize ko kung ano ang mga ito ay agad napalitan yun ng kakaibang saya, ikaw ba naman ang mahulugan ng napaka daming red rose petals mula sa itaas sigurado iisipin mo talagang nasa dream land ka at mahimbing kapang natutulog. naglakad ako pababa sa may hagdan ng nakasalubong ko si manang na ang laki laki ng ngiti at halatang kinilig sa kanyang ikinikilos. may iniabot sya sa akin na isang sulat. hindi ko naman maiwasang di kiligin habang binabasa ko ang nakasulat sa isang maliit na papel ...
"good morning my queen! alam mo bang napaka lakwatsera mo talaga! pati kasi sa panaginip ko nakakarating ka!XD.
P.S wag kang masyadong kiligin ha? alam ko naman na gwapo ako at almost perfect pero wag ka masyado mag pahalata. hehe. i love you. :*"
napapa iling nalang ako dahil sa mga kalokohan nya. aminin ko man o hindi biglang nawala yung mga doubts ko sa kanya kagabi at gumanda ang umaga ko dahil sa effort nya. pinapatunayan nga nya ata talaga sakin na magiging masaya ako sa kanya kahit walang "KAMI". natutuwa ako sa mga pinapakita nya, sana hindi sya magbago.
pagka baba ko sa may kusina agad nya akong sinalubong ng isang matamis na ngiti.
"finally gising nadin ang reyna ko, masyado mo yata akong inisip kagabi kaya hindi ka agad nakatulog?" may halong pang aasar na tanong nya.
"ang feeling mo talaga! haha."
"sus, ang reyna ko nag dedeny pa! wag kang mag alala ganun din naman ang ginawa ko e. magdamag kitang inisip muntik na nga akong hindi nagising ng maaga para sa surprise ko sayo e."
i blushed with his confession. hindi ko alam na ganito pala sya ka vocal sa feelings nya. hindi ko tuloy alam ang dapat isagot, dapat ba ganun din ako sa kanya? or what?
"ano ba kasi yang hinanda mo?" pag iiba ko nalang sa usapan.
"ahm breakfast sana e, actually ako nagluto ng lahat ng yan. kaso hindi ka naman agad nagising kaya eto malamig na lahat ng niluto ko." sabay kamot sa batok nya. he's so cute when he do that! haha
"ganon ba? pasensya na huh? e bakit pala hindi mo nalang ako pina gising kay manang?"
"huh? edi hindi ka nasurprise pag ganon?"
"hmm kunsabagay. haha. but anyway thank you! sobrang naappreciate ko ang lahat. thank you din dun sa mga rose petals, dinagdagan mo pa ang trabaho ni manang. haha"
"hehe. totoo nagustuhan mo talaga? sorry kung epic fail huh? babawi ako ulit next time promise."
"hindi mo naman kelangan bumawi e. sobrang naappreciate na kita basta lagi lang sana tayong ganito."
he smiled to me and kissed me on my forehead. "i love you" he said.
"mas mahal kita." i answered
three words na nanggaling sa kanya pero parang kinompleto na nya ang buong araw ko. lord, sana po araw araw palaging ganito! magpapakabait na po talaga ako. promise!
-
nag promise nga pala ako kay ameerah na mag skype kami tonight buti naalala ko. namimis ko nadin ang baliw na yun e, especially i have something to tell her. hindi ko tuloy alam paano sasabihin ang lahat. i wish hindi sya mag tampo sakin dahil naglihim ako sa kanya.
ESTÁS LEYENDO
He Loves me or Not?
Novela Juvenil"NO COMMITMENT JUST LOVE" RELATIONSHIP Naranasan mo na ba yung ganitong set up? yung parang kayo pero walang label. Pseudo relationship ika nga. Yung tipong alam nyo naman na mahal nyo ang isa't isa at hindi nyo gugustuhing mapunta sya sa iba. Pero...