First Person POV
Hinahabol ko ang aking paghinga sa pagsunod sa lalaking ito. Pagkat napakabilis nitong maglakad tila may ispiya kaming hinahabol na hindi pwedeng makawala.
"Dati ka bang kabayo?" hinihingal kong sabi sa kanya.
Sa paglalakad namin ay nauntog ako sa kanyang likod dahil sa biglaan niyang paghinto. Kaya naman naisip ko na baka nainis o napikon ang ginoo sa aking pagbibiro.
"Ginoo?.. . nagbibiro lamang ako." palusot ko sa kanya.
Wala syang imik kaya naman umabante ako sa kanyang harapan.
At ikinaway ang aking mga kamay sa harap ng kanyang mukha. "Ginoo nagbibir-" nagulat ako pagkat bigla nya ko hinatak sa gilid.
Nakatitig lamang ako sa kanya. Habang abala siyang nagmamasid at nakikiramdam sa aming paligid. Kaya nagtaka ako at nagsalitang muli "Ginoo" bitaw ko ngunit tinakpan nya lang ang aking bibig ng kanyang kamay.
Nang nakalagpas na ang mga taong dumaan ay tinanggal niya ang kanyang kamay sa aking bibig. At sabay sabi ng "Sumunod ka sakin at bilisan mo." pagmamadali nitong saad sakin at nagpatuloy kami sa paglakad.
Hanggang sa mapadpad kami sa mataong bilihan ng syudad at tila may pyesta sa dami ng taong namimili.
Napahanga ako sa lugar na pinuntahan namin na ito sapagkat ngayon lang ako nakakita ng ganitong pamilihan na puno ng taong may masasayang mukha.
"Mamili ka ng kasuotan na kanilang inaalok, pagnakapili kana. Pumunta ka sa tila silid na iyon ng mga nag-aalok ng kasuotan upang magpalit." saad nito pagtapos ay tinulak nya ako ng kaunti.
Kaya naman nagpunta ako sa bilihan o tindahan ng damit "Ganito pala ang uri ng kasuotan na meron sila rito. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao." Bulong ko sa aking sarili.
Nang may nakursunada na akong damit ay sinuot ko ito sa maliit na espasyo ng silid.
Ngunit napagtanto ko na hindi ko masusuot ang tabing sa aking mukha pagkat ito ay hindi tugma sa uri ng kanilang kasuotan.
Gayun pa man nakabili ako ng balabal na maaaring alternatibo nito. Kaya ikinawit ko ito sa aking leeg. Upang sa ganun kapag may taong kaduda-duda sa paligid ko ay maaari ko itong gamitin pangharang sa aking mukha.
Pagkatapos ko itong suotin ay lumabas ako sa silid ng bihisan at lumapit sa ginang na may ari ng damitan na ito "Mawalang galang na po ginang, nais ko lamang na ipaalam na wala akong bitbit na pera sa mga oras na ito ngunit meron ako nito." inabot ko ang ginto sa kanyang kamay.
"Ay binibini napaka laking halaga nito maaari ka pang makabili sa aking ng ilang pang mga kasuotan." saad nito sa akin.
"Hayaan ninyo po kapag ako ay muling mamili sa inyo po muli ang aking punta. Sa ngayon ay kinakailangan ko ang sukli ng ginto upang pambayad sa aking pansamantalang matutuluyan, ako ay - may inaantay na mahalagang tao kaya hindi ako makakabalik agad sa amin." pagsisinungaling ko sa ginang.
"Ganoon ba?" sabi nito.
Maya lamang ay may inabot ito sa akin "Ito ang iyong sukli." nakabalot pa ito nang iabot nya.
"Salamat po, mauna na po ako." pagpapasalamat ko sa kanya.
Paalis na sana ako nang bigla akong tinawag ng ginang "Ang iyong nobyo - yung lalaking kasama mo kanina ay umalis na - nagmamadali siya. Baka kinakailangan mo rin na bumalik na muna sa inyo." pag-aalala nitong sabi sakin.
BINABASA MO ANG
The Monarchs Princess and the Aristocrat 2022
Roman d'amourAng prinsesa ng monarkiya ay tumakas upang makamit ang kalayaan na mayroon ang mga simpleng mamamayan. Ngunit paano na lamang kung ang kalayaang ito ay hindi angkop para sa isang tulad mo? Masisisi mo ba ang isang prinsesa na iwan ang marangyang buh...