Introduction

67 4 1
                                    

Thank you, EybisidiJM sa cover! :—)


Introduction


Caroline's Point of View


Na-iinis ako sa magulang ko. Nang dahil sakanila, nag-break kami ng boyfriend ko. S'ya ang nakipag-break, hindi ako. Nakaka-inis talaga! Kaya eto ako ngayon, alas-9 ng gabi nag-iimpake.


Magfo-four years na kami ni Seth. At salamat sa parents ko, hanggang doon na lang kami. Agh!


"Manang, hanggang maaari h'wag kang maingay kila mama't papa, ha?" Paalala ko kay manang na nasa gilid ng pintuan ng kwarto ko.


"Carol naman, h'wag ka ng umalis," pinahiran ni manang ang mga luhang umagos sa mata n'ya.


"Kailangan manang, e. Mamimiss kita! Hindi bale, bibisita ako dito kapag medyo ma-ayos ayos na kami," sabi ko habang yakap ng mahigpit si manang.

Si manang ang nag-alaga saakin simula bata pa lang ako. Kasi busy sila mama't papa sa hospital namin. Halos si manang na nga ang pangalawang nanay at tatay ko, e. Kaya medyo malapit kami sa isa't isa.


"O sige na, hija. Mamimiss kita! Bilisan mo na't baka magising na ang mga magulang mo," sabi ni manang nang natapos ang yakapan namin.


"O sige po," sabi ko sabay labas na nang kwarto. Lahat nga ng maids namin ay kakutsaba ko sa pagtakas ko.


Bago ako umalis, nilagay ko ang note ko sa ref namin.


Dear mom & dad,

I need some space. I need some time to think. I'll come back when I'm ready to face you both. Even though you've done that to me, I still love you both. But I have to do this. Okay? Love you.

PS. Please h'wag n'yo muna ako pakielaman sa desisyon ko. Okay? I'm already twenty-five. I'm not a child anymore. I know what I'm doing.


I'm gonna miss my mom and dad, I'm gonna miss everyone.


-


"Sige, dito na lang ako, Kuya Robert," sabi ko sa driver namin. Medyo matagal-tagal na rin 'tong nagta-trabaho sa'min kaya medyo ka-close ko na rin.


Binaba naman ako ni Kuya sa McDonald's. 24hours naman 'tong bukas, kaya kakain muna ako. Gutom na rin ako, e.


Tinulungan n'ya naman ako sa bagahe ko. Isang malaking maleta lang naman, 'yun lang. "Sige kuya, salamat."


"Mag-iingat ka, ha? Tawagan mo lang ako kapag magpapa-sundo ka," tumango naman ako at umalis na s'ya.


Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa McDo. "Good evening, ma'am," bati ng security guard habang tinitignan ang maleta ko. Nginitian ko na lang s'ya at pumasok na sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon