CHAPTER FOUR
The Meet Up Part I*TOK*TOK*
"hija, kaw pala halika pasok"
"Tita si kexter po ? Tanong ko pagkaupo ko
"Nasa taas nagpapahinga. Ang taas kasi ng lagnat nya kaya hindi sya nakapasok "
"Ganun po ba "
"Nagtataka nga ako kung bakit puro galos sya kahapon. "
"tita sorry po. Ako po ang dahilan kung bakit po nangyari yun kay kexter. Sorry po "
"Yan talagang anak ko :)" nakakaloka ang ngiti ni tita aa
"Hindi po ba kayo galit sakin "
"Bat naman ako magagalit sayo. Ginawa lang ng anak ko ang tama tsaka ikaw ang dahilan kung bakit masaya ngayon ang anak ko "
"po ?" naguguluhan ako
"puntahan mo na sya sa kwarto nya. hihi ~Dalhan ko nalang kayo ng meryenda" parang kinikilig si tita na ewan
"sige po salamat"
Kumatok muna ako tapos pumasok na. Hindi nya siguro ako napansin kasi nakatingin lang sya sa picture habang nakangiti
"Kexter" tawag ko sa kanya
Parang nagulat pa sya nang makita ako tapos tinago nya yung picture
"Halika :)" sabi nya tapos tinpik nya yung kama ny
Lumapit ako tapos umupo ako sa gild ng kama tapos sya naman ay nkasandal sa headboard ng kama
"Kamusta ? ok ka na ba ?" tanong ko
"Oo andito ka na ee"
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya kasi tinignan ko maigi yung kalagayan nya . Puro galos yung katawan nya may pasa sa mukha tapos may cut yung labi nya.
"Si Brandon ba ang may gawa nyan ?" tanong ko
"Wag mo ng alamin. Ok lang ako . Ano nga palang ginawa sa school"pagiiba nya ng topic
"Sorry. Kexter Sorry " nakayuko kong sabi
Inangat nya yung ulo ko dahilan para makita ko yung mukha nyang puro pasa na ako ang may kasalanan :'(
"Eto ang tatandaan mo . Wala kang kasalanan. Ok ? Ginusto ko to kaya wag mong sisisihin ang sarili mo " sabi nya sakin ng nakangiti
*tango*tango*
"Pakopya ako ng mga notes aa ^__^" kahit kelan talaga napakamasayahin nitong bestfriend ko
"Sure ka ba talagang ok ka na ? Wala bang masakit sayo"
"Hayss ! Ang kulit naman. Ok na ok na po ako " ginulo na naman nya yung buhok ko
Dumating si tita na may dalang pagkain. Habang kumakain kami umatake na naman ang pagkamakulit nito. haha Tawa lang kami ng tawa :) hindi ko namalayan yung oras maggagabi na pala.
Nagpaalam na ako sa kanila at umuwi na.
"Mommy andito na po ako"
"Baby, hows your day ?"
"Not good mom"
"Haha baby magbihis kana at may bisita tayo"
"Mom how many times do i have to tell you stop calling me baby *pout*"