TRIGGER WARNING: Rape
📌 (if you are not comfortable to read this you may skip this part and scroll down)
(This chapter is edited)
°°°°°°
Napaigtad ako ng biglang may lalaking pumasok sa cr namin kung saan ako naliligo, hindi ko makita ang mukha niya dahil wala namang ilaw dito sa loob ng Cr. Naramdaman ko nalang na lumapit siya saakin at hinahaplos ang mukha ako.
Pinilit kong sumigaw pero hindi ko nagawa, tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang kaniyang kamay at tska ako hinalikan.
He raped me inside our house.
Gusto niyang tugunan ko ang lahat pero dahil nandidiri ako sakaniya ay hindi ko magawa... ayoko ng ganito.
May utang nanaman ba sila kaya ako ang pinangbayad nila, o pinang pusta ako ni Kuya dahil talo nanaman siya sa pustahan nila?
Pinilit ko namang kumawala sakaniya kaso tinakot niya ako, na papatayin niya daw sila Mama at Papa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya... kahit na napilitan lang ako, kahit na ayoko. Tahimik akong umiiyak habang may ginagawa siya sa katawan ko.
Pagkatapos no'n ay umalis siya na parang walang nangyari, na parang wala siyang ginawang masama saakin.
***
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng classroom, tahimik akong umupo sa upuan ko. Hindi ko pinapakinggan ang mga insulto nila saakin, mga walang magawa sa buhay kundi ang ibaba ang sarili nilang kapwa.
Hinihintay ko si Gab kaya nakatingin ang buong atensyon ko sa may corridor kung nasaan ang pintuan papasok at palabas ng classroom.
Nang tignan ko ang oras, ala-sais palang ng umaga kaya malabong papasok 'yon ng gan'tong oras, kinuha ko nalang ang librong pinahiram niya saakin tska binasa 'yon, nilagyan ko na din nang mga highlights para kung sakaling mag review siya ay hindi na siya mahirapan mag highlights.
Matalino naman si Gab kaso lang ay hindi talaga siya nag babasa dahil sumasakit daw ang mata niya, napaka arte.
Wala naman akong pera pambili ng librong kailangan namin para sa mga subject, kaya nang hihiram nalang ako kay Gab, nag suggest pa nga siya ililibre niya daw ako sa mga kailangan ko sa school kaso tumanggi ako, nakakahiya sakaniya hindi naman niya ako responsibilidad para bilhan ako.
Iba naman kasi ang strand na kinuha nila Yhiro at Cj, HUMSS ang kinuha nila dahil nakaka pogi daw 'yon, mga walang kwentang kausap. STEM naman ang kinuha namin ni Gab dahil gusto namin mag doctor .
At 'yon ang pinaghahawakan namin.
Bata palang talaga ako gusto ko ng maging doctor, masyado ngang common 'yon dahil 'yon ang kadalasang sagot ng mga bata kapag tinatanong sila kung anong gusto nila maging paglaki, pero alam kong wala pa naman sila sa tamang pag iisip kaya 'yon ang unang nasasabi nila.
Akala ko nga mag iiba pa ako ng isip paglaki ko kaso hindi na nagbago ang isip ko, kung sila gusto nilang gamutin ang mga magulang nilang nag kakasakit, ako hindi. Gusto ko tulungan yung mga taong walang pambayad para lang gumaling sila, dahil alam ko yung sakit kapag namatay ka nalang ng hindi ka napapa-hospital dahil wala kang prra.
Mas pinili kong maging Neurosurgeon Doctor dahil gusto kong kasama si Gab, through thick and thin kami dahil kung ano ang gusto ko ay gusto niya din, at kung ano ang gusto niya ay gusto ki rin.
Gusto ko pa nga sana yung Cardiologist kaso naalala ko na wala namang sakit sa puso ang pamilya ko.
Baka sakit sa pag-iisip meron.
BINABASA MO ANG
Way to Prosperous (Aspiration Series #1) - (Under Editing)
JugendliteraturShe need to be brave and strong to show people that she's okay. . . that she's not having a hard time, that she's not afraid. She had no one to tell about her problems, because she was afraid, that she might talk to that person like the people who t...