CHAPTER5

7 2 0
                                    

Nagising ako ng makaramdam ako ng init, sa may bandang tagiliran ko , pagmulat ng mga mata ay nakita ko Si Almira na siksik na siksik sa akin na animo ay nilalamig sinasabayan pa ito ng kanyang mahinang halinghing, gulat akong napabangon at dali dali itong hinipo sa noo.

INAAPOY SYA NG LAGNAT!!

Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas 3 na ng madaling araw, Dali dali akong nagbihis at dinala si Almira sa pinaka malapit na Hospital.

Hindi na ako nakapag paalam kina nanay fhe dahil alam kong tulugan pa sila.sinuotan ko na lamang si Almira ng Jacket at dinala ang paborito nitong unan at kumot, dahil panigurado na iko-confine sya doon at para madali syang makatulog.

Alam kong medyo OA ang naging aksyon kong iyon ngunit wala akong pake, Hindi ako sanay na nagkakasakit sa Almira, normal lang naman sa isang magulang ang mag alala sa sarili nilang anak lalo na at si Almira nalang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang mapaisip, ano bang nangyari kahapon? Nang bigla kong maalala na naligo sya sa ulan kahapon.Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil napaka pabaya kong ina.

Nang marating namin ang Hospital ay kaagad ko syang binuhat.kaagad naman kaming inasists ng mga nures. Habang tine test sya ng doktor ay nasa labas lamang ako habang nagdarasal.

Panginoon sana ay lagnat lamang po ito, pagalingin nyo na po kaagad ang aking si Almira, Nawa ay malagpasan namin ang problemang ito, pabalikin nyo po sana ang lakas nya, kung maaari ko lamang akuin lahat ng sakit na dadapo sa kanya gagawin ko po, Bigyan nyo po kami ng lakas na kayanin bawat pagsubok na binibigay nyo.

Maya maya pa ay Lumabas ang doktor sa kwarto ni Almira at kaagad akong tumayo upang lapitan sya.

"Kayo po ba ang magulang ng patient?" tanong nya kaya naman kaagad akong tumango At nagpakilala.

"Opo doc, ako po ang Nanay ni Almira, ako po si Amethyst Navarro" pakilala ko rito.

"Good morning Ms. Navarro, I am Doctor, Sharelle Galeon" pakilala nya at nagulat pa ako na magka pareho sila ng Surname ni Hunter, but I didn't  bother to ask.

Maganda ang Doktora na nasa harapan ko ngayon, at mukhang propesyonal. Halatang makinis at may kaputian din.

"Doc, kamusta po ang anak ko?, Bakit po Sobrang taas ng lagnat nya, Ayos lang po ba sya?" sunod sunod kong tanong kay doktora, hindi ko maiwasang hindi mapakali.

"Calm down ma'am, your Baby is fine, kailangan lamang syang I confine nang ilang araw dahil sa dengue at kinakailangan pa syang i test, pero huwag po kayong mag  alala after we test her maaari na po syang iuwi. paliwanag saakin ng doktor Na syang nakapagpagaan ng dibdib ko.

"Thankyou Doc"

"No problem Ms. Navarro, excuse me I'll just need to check  some patients" nakangiting saad nito bago ako iniwan.

Hayss.... Thankyou lord. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko syang natutulog, kaagad akong lumapit sa kanya at hinalikan ang ulo. Isang private room ang kinuha ko para sa kanya, dahil kahit dito gusto kong ibigay ang best ko sa kanya at natatakot akong mahawaan o makakuha sya ng ibat ibang sakit.

Habang nakatabi ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapaisip. Sa mga hindi inaasahang bagay na gaya nito ay kailangan kong maging handa. Siguro nga ay dapat ko nang tanggapin ang offer ng tatay nya, dahil paniguradong kung may kinalaman sya sa hindi pagtanggap saakin sa mga trabaho, ay talagang kahit anong pilit o tagal ay walang mangyayari. Paubos na ang perang naipon ko, pwede ko namang galawin ang inipon kong pang paaral kay Almira, ngunit pano kung wala talagang tumanggap saakin?, Hindi ko naman pupwedeng hintayin at asahan ang perang naipon ko pang paaral kay Almira.

His GirlWhere stories live. Discover now