CHAPTER8

4 0 0
                                    

"Nay, Kanina pa ikaw aantay Almira ehh, bat Antagal mo?" bungad saakin ni Almira, habang nakakunot ang noo. kaagad ko syang binuhat at hinalikan sa pisnge. Ang nanay mo kasi Anak Nakipag landian sa tatay mo.

"May ginawa lang si Nanay sa Office baby, kaya natagalan ako" At ano naman kaya ang ginawang iyon?. Nahagip ng mga mata ko sina tatay at Nanay na Nakangiting pinapanood kaming mag ina mula sa sofa.


"Ehh... Saan Pasalubong Almira" Oh! Akala ko ba sabi nya kanina sa tawag kahit wala nang pasalubong basta umuwi ako.

"Di ba sabi mo po kanina kahit Huwag na basta makauwi lang si Nanay" Pang-uuto ko rito, pero syempre meron naman talaga, hindi ko nga alam kung anong nangyari saakin at sakabila ng nangyari saamin ni Hunter ay nagawa ko pa talagang dumaan sa mall at ibili ng mga pasalubong si Almira.

"Ehhh.... Wala po talaga?" mahinang saad nito ngunit sapat na para maringi namin, Umalingawngaw ang Halakhak ng dalawang matanda kaya pati ako ay napa tawa narin, habang si Almira naman ay Pinag lalaruan ang collar ng aking damit habang nakasubsob sa aking leeg tila Nahihiya, Ano yung sinabi nya kanina Sugar Coated Lang.

"Syempre Meron, ikaw pa sa Cute mong yan alam mo namang hindi ka Matitiis ni nanay". Kaagad lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi at ang kanyang naka pout na labi ay unti unting napalitan ng ngiti.

"Yeheyy!!, Wabyu Wabyu Nanay!!" sabi nya habang naglulumikot sa aking bisig, hindi ko maiwasang mapangiti ng niyakap nya ako ng mahigpit, Napaka lambing na bata at masayahin ang ibinigay saakin ng panginoon.

"HAHAHA... Wabyu Wabyu din Baby ko" panggagaya ko rito.
Ibinigay ko sa kanya ang aking Pasalubong, Naglumikot sya sa aking bisig tila ba gustong mag pa baba kaya naman ibinaba ko sya sa lapag.

Lumapit ako kina Nanay fhe at umupo sa Sofa sa tabi nito, Nakangiti kong pinag masdan si Almira na gumagapang palapit kay Tatay habang hila hila ang Bag na binigay ko sa kanya kung saan naka silid ang pasalubong ko.

Binuhat sya ni Tatay at dinala sa Labas paniguradong Sa duyan ang punta. Dalawa nalang kaming naiwan ni Nanay fhe sa Sofa.

"Kumain kana nagluto ako, pinakain ko na din si Almira, noong una ay sabi nya hihintayin ka nalang daw muna, ngunit sabi ko ay baka gabihin ka kaya kumain na sya, buti nalamang at nadala sa Uto ko" Sabi saakin ni Nanay fhe kawa mas lalong lumawak ang aking ngiti, ang batang iyon talaga sabi ko Huwag mag papasaway ehh.


"Mamaya na po Nay, Kumain po kami ng mga katrabaho ko kanina sa labas" kaumain? Talaga ba Amethyst? Parang hindi mo nga ginalaw ang pagkain kanina sa Meeting, Parang labi nga lang ni Hunter ang kinain mo ehh..

"Talaga ba? Ehh.. Ano naman ito?! tinaasan ako ng kilay ni Nanay fhe at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. May itinuro sya sa aking leeg kaya naman kunot noo kong kinuha ang maliit na salamin sa aking bag at itinutok sa aking leeg.

Laking gulat ko ng may makitang mga pulang marka, kaagad nag init ang aking pisngi ng maalala ko kung bakit ako nag kaganoon sa aking leeg, FVCK YOU HUNTER!! buti na lamang at hindi ito napansin ni Almira, matanong pa naman ang isang yon baka mabaliw lang ako kakaisip ng ipapaliwanag.

"A-ahm... baka kagat po ng lamok nay, A-ah ka-kanina po kasi nasira yung Aircon ng office kaya baka po nakagat lang ng lamok" paliwanag ko kay Nanay fhe. Sarkastiko syang napatawa dahil sa aking sinabi.

"Hay naku Ame! kilala na kita dahil ako na ang tumatayong ina sa iyo hindi paman nailalabas si Almira sa iyong sinapupunan. Kagayang kagaya mo si Almira kapag hindi nag sasabi ng totoo, pareho kayong kumukunot ang noo at hindi makatingin sa akin" paliwanag ni Nanay fhe

His GirlWhere stories live. Discover now