CHAPTER 1

7.5K 131 2
                                    

MAISHA'S POV

"Tandaan niyo laging ang mga ipinapayo ko sa inyo dahil magagamit niyo rin ito pag-nagkataon. Naiintindihan niyo ba?" Seryosong sabi ko.

"Yes, Ma'am, Yes!" Sabay sabay na sabi nila. Binalingan ko si Rare na bago at pinakabata na nakapasok sa Restaurant ko.

"Rare." Napatungo siya dahil sa pagtawag ko sa kanya.

"M-ma'am, wag n-niyo po akong tanggalin p-please, I-i really need this w-work!" Utal utal na sabi niya. Nilapitan ko siya at saka nginitian.

"Rare, chin up." Hinawakan ko ang baba niya bago itaas ng dahan dahan. "I'm not going to fire you, Rare. Instead of doing that mas gusto kong hasain ang kakayanan mo. Magaling ka na Chef Rare at kailangan ka ng Restaurant ko." Nakangiti kong saad.

Naglakad na ako papunta sa opisina ko narinig ko ang mga sinabi ng mga kasamahan niya.

"Uy, ano ka ba! Mabait yang si Ma'am Maisha, wag kang ano dyan!"

"Si Madam rin ang nag-train sakin kung pano maging chef, Rare! Kaya alam kong magiging successful ka!"

Napangiti ako sa mga narinig ko. Totoong ako ang nag-tetrain sa mga nagiging tauhan ko dahil minsan na akong naka-trust issue sa mga dati kong mga pinagkakatiwalaang tauhan.

Nang makarating ako sa opisina ko ay umupo na agad ako at itinututok ang mata sa screen ng laptop. Yun lang ang ginawa ko maghapon hindi ko namalayan ang oras kaya hindi ako nakakain ng tanghalian.

Sininandal ko ang katawan ko sa swivel chair ko at saka pumikit. Nasa ganitong posisyon ako ng maramdaman kong may nagbukas ng pinto.

"Tired?" He said before closing the door. Boses palang ay alam kong siya yun.

"Tingin mo?" Masungit na sabi ko. Inimulat ko ng kaunti ang mata ko para makita ang reaction niya. Nakita ko ang pag-irap niya bago umupo sa couch.

"Alam ba 'to ni Mom?" Napa 'tsk' naman ako dahil sa sinabi niya alam naman niya ang sagot pero itatanong pa niya sakin.

"Bakit ka nandito?" Pag-iiba ko ng topic. "Diba dapat nasa bahay ka? Nag-rereview para sa up-coming exam mo?" Sabi ko saka umayos ng upo at nakahalumbabang nakatingin sa kanya.

"Tsk, ang hirap kaya ng mga nirereview ko tapos ang kakapal ka. Nakakatamad." Sabi niya saka nag-ikot ikot sa office ko. "Nga pala. Kelan ka mag-aasawa? Tinatanong sakin ni Mom and Dad kung kailan daw sila magkakaapo."

Lumapit naman ako sa kanya at saka binatukan. Napa-aray naman siya.

"Gago ka! Ang isipin mo yang pag-aabogado mo wag ang love life ko!" Inis na sabi ko. Inismiran naman niya ako.

"Bakit ako?! Eh tinatanong nga nila Mommy eh!"

[ Fastforward>>>> ]

"Haze, I need to go kayo na ang bahala dito, okay?" Sabi ko saka inayos ang mga gamit ko. Aangal na sana siya nang unahan ko siya. "Don't worry, my brother will catch me up. Bye for now."

Pagkasabi non ay umalis na ako sa at saka dumiretso sa parking lot. Nakita ko roon ang Ranger ng kapatid ko kaya sumakay ako sa passenger seat niya.

"Saan tayo?" Tanong niya bago paandarin ang sasakyan niya.

"Sa condo nalang, please." Tumango lang siya tsaka hindi na nagsalita.

Ilang minuto ay nagkarating na kami sa parking ng condominium ko. Lumabas ako nang sasakyan niya saka dumiretso sa elevator, ramdam ko naman na nakasunod siya kaya hindi ko na nilingon.

Pagkapasok namin ay agad kong pinindon ang floor ng room ko.

"Bakit parang nagmamadali ka?" Takang tanong sakin ni Isaiah. Hindi ko na siya nasagot dahil kasabay non ay ang pagbukas ng elevator.

Sinwipe ko ang card ko saka pinalitan ang heels na suot ko ng tsinela, ganun din ang ginawa niya. Inilapag ko ang bag ko saka dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng ingredient ng gagawin kong adobo saka inilapag sa lamesa at saka nagsimulang magluto.

Hinayaan ko muna siyang kumulo at lumabas ang sa kusina nakita ko si Isaiah na prenteng nakaupo sa lapag ng sala hawak hawak ang isang makapal na libro.

"Isa, maghain kana muna doon at maya maya ay patayin mo na ang gasol, magbibihis lang ako at kakain na tayo. Dito kaba matutulog?" Sabi ko konting tango lang ang natanggap ko dahil abala parin siya sa pang babasa ng libro niya.

Pumasok ako sa kwarto ko at saka pumunta sa banyo. Natataka siguro kayo kung bakit ako nagmamadali? May tatapusin pa kase akong report at naghahanda rin ako dahil bukas kami pagkikita ng mag-iinvest sa sa restaurant ko.

Matapos akong mag halfbath ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan kong nakaupo na si Isaiah habang hinihintay ako. Umupo na ako at saka kami nagsimulang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita siya.

"I heard na may mag-iinvest sa resto mo? Ate?" Nilingon ko siya saka tinanguan. "Sinabi sakin ni Haze."

"Tsk."

"Ate, tumawag kanina sakin ni Mommy sabi niya may family dinner tayo bukas." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Kasama sina Tita?" Tanong ko. Umiling naman siya tsaka uminom ng tubig bago magsalita.

"Nope, tayo-tayo lang apat." Sabi niya at hindi na muling kaming nausap.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso si Isaiah sa kwarto niya dala dala ang mga gamit niya ako naman ay naghugas ng plato tsaka dumiretso narin sa kwarto ko.

Inayos ko muna ang kama ko bago humiga. Bukas ko nalang umaga gagawin ang report ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa night table saka inimessage si Isaiah.

maishalaurel: Goodnight, brother.

Ilang minuto palang ay nireplayan na niya ako.

isakanelau: nyt.

Hayst. Ano bang aasahan mo sa isang 'to? Bwiset.

A/N: MILD LANG 'TO CHAPTER NA ITOOO HIHIHIHI. EXCITED NA KAYO SA PAGKIKITA NILA?? AKOO RIN PUUU(つ≧▽≦)つ.

Taste of LoveWhere stories live. Discover now