CHAPTER 13

647 21 8
                                    

"Teka nga Kohen, akala ko ba mag didinner lang tayo? Bakit parang magoout of town na?"

Nagising ako na nasa isang gas station kami nakatigil ang sasakyan sa may open na 7/11 nakakapagtaka at parang wala na kami sa manila. Nakailang gas station narin kami nakatigil. Kakarating niya lang ng magising ako.

"Paano naging out of town ito kung nasa pilipinas parin tayo?"

May point siya.

"Where are we? Why do I feel like we're not in Manila anymore?" takang tanong ko.

Bumuntong hininga ako saka sumakay ng sasakyan at binigay sakin yung dala niyang pagkain.

"Snack muna, mamaya na yung may kanin," natatawang sabi niya.

Kinuha ko yun at nagsimula ng kumain.

"Were in Rizal,"

Nabuga ko sa gilid niya lahat mg laman ng bibig ko, natamaan siya pero hindi naman masyadong marami. Inabutan niya ako ng tissue saka pinunasan ang bibig ko.

"B-bakit tayo nasa Rizal? Diba dinner lang? Ang layo," kung ganto rin sana ang mangyayare edi sana hindi na ako pumayag pero miss ko eh, wala akong magagawa kahit malayo payan basta kasama siya. Eme erase erase!

"This is my hometown, nandito ang bahay ng parents ko kaya kita sinama para mapakilala kita sa kanila," sabi niya habang nililinis yung nabugahan ko.

"Hindi pa nga tayo, papakilala mo agad ako sa parents mo? Ang fast mo naman sir!"

Lumingon naman siya sakin na may ngisi sa labi.

"As a Business Partner, Maisha. Mom and Dad wants to meet my new business partner yun lang,"

Assuming kase!

Inayos ko na ang sarili ko at tumingin nalang sa labas. Kumirot bigla yung puso ko, sakit pala ng ganito pano pa kaya kapag nalaman niya na gusto ko siya? tapos reject niya ko.

"Malapit na tayo, it's a subdivision but only our relatives ang nakatira dun,"

Tumango lang ako saka naglibot-libot. Ang ganda naman ng dinadaanan namin, nakapunta na ako aa Rizal oo pero hindi ko pa siya nalilibot ng matagal dahil umuwi lang kami agad.

Pumasok kami sa isang gate, I think eto na yung sinasabi niyang subdivision. Ang gaganda ng bahay parang nasa BGC ka lang hindi mo aakalain na subdivision lang siya kase may coffee shop, may mini mart and ect. Pano niya nasabi na relatives niya lang nakatira dito? Eh ang daming tao!

"Sigurado ka bang mga relatives mo ang mga yan? Lahat?" takang tanong ko sa kanya.

"Nope, hindi pa ito yung sinasabi ko na mismong subdivision, yes it's a subd but hindi pa into ang main," ano daw? main?

May isa pang gate kaming pinasukan, saka ko nakita ang malalaking bahay na nakahirera. Ang gaganda! Tapos ang lalaki pa!

Huminto siya sa isang mansion na siguro akong kanila na. Iikot pa sana siya pero inunahan siyang buksan ang pinto dahil naexcite ako ako! Ang ganda.. mas malaki pa ito sa bahay namin!

"Let's go?" ani Kohen.

Tumango ako at nauna siyang pumasok sa loob sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa dinning area.

Agad na bumugad sa akin ang twelve sitter na lamesa nila. Wow ang haba..

"Michael, here!" masayang sigaw ng isang magandang babae na mid 30's, i think it's her Mom.

"Mommy, hello goodevening!" niyakap ito ni Kohen sa hinalikan.

"Mom? Is that kuya Mich?" may lumapit pa na isang babae and this one is look like magkasing age lang sila ni Isaiah.

"Yes, Mina. Go talk to him na, I'll just prepare some food," umalis ang mommy niya saka naman lumapit yung girl, Mina ata.

"I missed you, kuya! Akala ko hindi ka na babalik dito kase busy kana sa work mo dun sa Manila," napangusong saad ng kapatid niya. She's so sweet and kung titingnan ay isa siyang Kuya's Girl. Cute.

Busy ako sa panonood sa kanila dahil baka hindi niya napansin na may kasama siyang pumunta rito.

"Who are you?" napatalong ako ng biglang may magsalita sa gilid ko. Pinagmasdan ko siya, mas matangkad siya sakin ng kaunti, maputi, chinito.

"Uhm.. I'm Maisha," nahihiyang sabi ko.

"Why are you here?"

Hala, hindi naman ako na inform na may question and answer portion dito na magaganap! Jusko hindi pa naman ako ready!

"She's with me, Caiden,"

Aba hanep, naalala pa pala ako nitong mokong na to.

"Oh Okay, btw goodevening bro," tipid na ngiti ang binigay niya kay Kohen.

"Tara na," sabi ni Kohen saka naunang pumunta sa dinning table kanina pa tong nang-iiwan ah!

Umupo ako sa tabi ni Kohen, sa tabi ko naman ay yung lalaki kanina na sinungitan ako yung nag QNA sakin, bali is pinaggigitnaan nila ako.

Kaharap ni Kohen ay yung mommy niya at katabi nung mommy niya ay si Mina then yung isa pang guy and then sa harap niya ay isa pang girl. Lima bale silang magkakapatid.

Nagsimula na kaming kumain, hindi ako makakain ng ayos dahil pinamamasdan ako ng mga kapatid niya. Grabe naman sila kung makatitig parang hinuhusgahan nila buong pagkatao ko ah, Hello? Ako to yung future-sister in law niyo!

"Mom, Dad.. this is Maisha Laurel my.." tumingin siya sakin habang ako ay nakatungo lang habang kumakain.

"Your new Business Partner?" His dad, continuation.

"Yes po," sagot ni Kohen. Ako naman ay nakangiti lang din sa Daddy niya alam kong mabait ang daddy ni kohen at masayahin pati narin ang Mommy niya dahil minsan narin silang nakwento sakin ni Dad.

"What's your Business, Iha?"

"I-im a chef po, and nagpapatakbo po ako ng Restaurant with 30 branches," sabi ko bago uninom ng tubig. " Don't get mo wrong po ah! Si daddy po ang pumili kay Kohe ─ este Mr. Michael na maging partner ko po siya sa negosyo,"

"Calm down, Maishy. Chill we know that kase kami ng asawa ko ang nagkumbinsi sa Dad mo na maging Partner kayo ni Michael," Ang ganda ng mama niya! Unfair.

Pero ha? Kinumbinsi nila si Dad? How comes..

"And before I forgot papakilala ko muna sayo ang mga anak ko,"

"Michael Kohen, he is my older son among them, he is a success business man. That man in the last chair is Clark Beau my second son, he is a musician and yet he have his own clubs. Yung katabi naman ni Clark is Khaleesi Mina she's my first born daughter, she's still a student but she is pursing to bea doctor. Yang katabi ay si Caiden Blaine, masungit yan pero pagdating sa ate niyang si Mina napakalambing niyan ─,"

"Dad!" inis na sabi ni Caiden.

Nagtawanan naman sila dito sa hapag kaya nakitawa narin ako.

"He's a student too, and he's course is Piloting. Last but not a list, Zahara Xhain she is my youngest daughter. She is in her highschool life," pagtapos ng kanyang sasabihin.

"Ang babait nila, Kohen,"

Nandito kami ngayon sa garden nila dito sa labas ng bahay nila. Ang ganda ngayon ng sikat ng buwan, ang liwanag niya.

"Always," nakangiting ani niya.

"Tingnan mo oh, ang ganda ng buwan. Kumikislap pa siya," naalala ko noong bata pa ako. May nakilala akong batang lalaki dito mismo sa Rizal, dito siya nakatira at turista lang ako. Tuwing gabi ay lagi kaming naglalaro sa may plaza malapit sa hotel na pinagtutuluyan namin.

Lagi naming pinapanood ang buwan, nagpromise pa nga kami sa buwan na kapag nagkita kami ulit ay babalik kami sa plaza nayun at doon namin papanoorin ang buwan.

"Lagi, i always watching it when im alone," sabi ni Kohen habang nakatingin sa buwan. "Kapag nasa out of town ako, namimiss ko family ko at tuwing tiningnan ko si Luna ay iniisip ko na nasa tabi ko sila kahit malayo,"

"Ako rin, lagi rin kitang pinagmamasdan.. sa malayo,"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of LoveWhere stories live. Discover now