It's been two years since the last time I've been single. I think it's time for me to start dating again. Yes, ako yung klase na manhid ng pagsabihan na "Kailan ka ulit magkaka-boyfriend?" at kahit ano pang variations basta along the lines sa ganon na tanong. Pero ang pinakatumatak talaga sakin yung: "Oh... Tawang tawa ka diyan, ah? Ka-chat mo boyfriend mo, ano?" Hindi naman ako na-pressure, kusa ko na lang talaga naramdaman yung feeling na ready na ulit ako. Isang araw naisip ko lang bigla na ready na ako. Hindi naman sa mahirap sa akin maka-move on. What bothers me is, TAKOT AKONG KUMILALA ULIT NG IBANG TAO. Yung proseso na makikipagkilala ka ulit sa isang estranghero tapos pag-iisipan mo pa kung meron ba kayong spark o wala. Ang hassle.
"Try ka nga mag-online dating", sabi ng bestfriend kong si Christy. Hindi naman adventurous sa relationship itong bestfriend ko, mas prude pa nga siya kaysa sa akin, eh. Pero totoo talaga ata yung kasabihan na kung sino pa ang may less experience o none at all, yun pa ang magaling magbigay ng advice. Noon ko pa talagang pinag-iisipan na sumubok sa online dating pero sa oras na tingin ko na ready na ako, dun pa ako titiklop. Hindi ko naman sinisirado ang oportunidad ko online. Pero alam mo yung feeling na you don't feel safe online? Yung tipo na feeling mo mala-love scam ka lang? Matapos ang dalawang buwan ay nakapagdesisyon na nga akong mag-online dating. As usual, nag-research muna ako ng mga dating sites (kung ano ang trending, signs to look out for, red flags at kung ano pa).
"Christy, meron na pa la akong ka-chat. Nakilala ko sa OKCupid", sabi ko sa Messenger sa bestfriend ko."That's good to hear, Vee." Sagot naman niya. "Pero grabe, gusto ko lang sana yung wholesome. I'm making a conversation tapos se-segway siya ng innuendos. Alam mo yun?" Pahabol kong tanong sa kaniya. Nag-laugh react lang siya at sinabihan pa akong okay lang daw yan kasi first time ko lang; there are plenty of fish in the sea.
Matapos ang ilang araw, hindi na ako nag-reply sa kanya. Yung last message pa niya sa akin ay "I think I've been ghosted". Ilang beses na akong napagsabihan ng ganyan. Na mahilig daw akong mang-ghost. Pero sa totoo niyan ay nawawalan lang talaga ako ng interes sa kung sino man ang nakakausap ko. Meron akong kutob na hindi sila yung para sa akin. Lumipas ang ilang buwan, naging busy ako sa sarili ko at sinubokan ulit ang online dating. Napadpad ako sa Facebook Dating. Hindi sa naghahanap ako ng karelasyon doon, gusto kong ma-practice uli ang social skills ko.
What are you looking for?Pinili ko ang friendship. Mukhang panandalian lang naman na kausap ang hanap ko doon. May mga nakilala akong good conversationalists doon at tama naman ako sa inaasahan ko, they come as they go. We hit it off naman kaagad nung una kong nakausap doon, nagka-exchange ng profile at dun na sa Messenger nagkwentuhan. Pero yun na nga, Nawala lang bigla yung pag-uusap namin. Sinubukan pa naming mag-video call pero sa sobrang hiya ko, hindi ko mapakita ang mukha ko. Kahit nga magpadala ng photo, mahirap na hindi ko takpan ang mukha ko. He was patient din naman. Then December came at napag-isipan na mag-video call sa pasko. Naghintay akong mag-12 AM para makausap na siya at para masabihan siyang "Merry Christmas!" pero hindi yun nangyari. Wala akong natanggap na tawag sa kanya. Siguro na-busy siya? Natulog na lang ako pagkatapos ng noche buena. Akala ko naman ay nag-click kami pero dahil doon biglang nawala ang interes ko sa kanya. Pero magkausap naman kami hanggang pagdating ng Pebrero. Inintindi ko naman kasi first year of residency na niya. Sa una hindi ko pa nga alam na magdo-doktor pa la siya. Ni-like ko lang kasi yung Facebook dating profile niya dahil pusa niya yung profile picture niya. Dahil doon, "doc" na ang codename ko sa kanya kapag may kwentuhan kami ng mga kaibigan ko. Ayaw pa niyang tawagin ko siyang "Doc" nung una kasi pasyente lang daw niya yung tumatawag ng ganon sa kanya kaya kung siya ang kausap ko, duck ang tawag ko sa kanya.
Nawalan kami ng komunikasyon ni Doc. Ang alam ko lang ay naging positive sa COVID-19 ang mama niya at nahawaan daw ang papa niya. Matapos niyang sinabi yun, hindi na siya nakapag-reply sa akin. Isang buwan na naman ang lumipas at meron na akong constant na nakakausap. Nakilala ko din siya sa parehong app at coincidentally, medical student siya. Mas malayo ang lugar niya sa akin. Sa una pa lang, alam na naming hindi kami magwo-work kung ma-fall man kami sa isa't isa. Naging mahirap ang sitwasyon namin kasi nagkagusto na kami sa isat' isa. Marami kaming pareho ang mga interes sa buhay, marami akong natutunan din sa kanya, at saktong wholesome na may halong R-18+ yung personality niya. Humingi na ako ng payo sa mga matalik kong kaibigan. Lahat naman sila pareho ang payo sakin, "Kay Doc ka na lang." Nakapag-isip naman din akong maghintay kay Doc kahit matagal na siyang hindi nagpaparamdam. Tapos nangyari ang hindi ko inaasahan. Nakikita ko na ulit sa viewers ng Facebook stories si Doc.
Hanggang sa hindi ko na lang masyadong iniisip silang dalawa. Isang araw kinuha ako na ninang ng kaibigan ko para sa baby niya. Nag-enjoy ulit ako sa pagiging single at nakapag-Facebook story ng "Buti pa inaanak ko naka-first base na sa akin yung ka-chat ko hindi pa. Hahahaha..." Pareho silang nag-react sa Facebook story ko. Nagulat ako kasi biglang may notification na may nag-reply daw sa story ko.MAY BAGO KANG KA-CHAT?
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, "Okay lang yan, Vee. Wala ka namang kasalanan. Hindi naman naging kayo."
BINABASA MO ANG
Finding Love during the Pandemic
RomanceHirap ka bang mag-bounce back sa dating? I feel you. Ako nga pa la si Vee and this is my story. Dalawang taon an din akong single at nakapag-isip na ako na this is my year! Ready na akong magbago ng relationship status to: IN A RELATIONSHIP. Ikaw, r...