Chapter 2: Willing to drive

1 0 0
                                    

"May bago kang ka-chat? Or nagkakamabutihan kayo ng friend mo?" message ni Doc."Kamusta na pa la ang papa mo?" tanong ko sa kanya para maiwasan ko ang tanong niya. "Kakauwi lang nila mama at papa two days ago." Sagot niya sa akin. "Oh, buti na lang. That's good to hear." Reply ko naman sa kanya. I was genuinely concerned lalo na't alam kong marami siyang iniisip kasama pa ang trabaho niya. "Hindi mo sinagot ang tanong ko." Sabi ni Doc na ikinaba ko kung ano ba dapat ang isasagot ko. Nahalata niya pa la na iniwasan ko yun. It took me a few minutes to answer his question. Tinawanan ko na lang ang tanong niya at sabi naman niya na hndi niya daw kami guguluhin. Depensa ko naman na abot lang kami sa chat at hindi na ata ako magkaka-boyfriend. Hindi naman ako pa-sad girl. Ayokong kinakawawa ang sarili ko. Patawa ko lang yun ngunit deep inside alam kong may chance talaga na hindi na ako magkaka-boyfirend. Nanghingi naman siya ng patawad at wala naman akong bitterness doon.


"Pero seryoso I'd like to meet you and makilala ka personally. Naiisip ko naman ikaw from time to time." Sabi ni Doc na ikanagulat ko. "Really? 'Di ko inespexpect ang message mo." Tugon ko sa kanya. "Oo. Seryoso. At times di ko lang talaga din magawa na mag-chat kasi anytime bigla lang di na ako maka-message and di ko alam when makabalik uli. So, parang putol-putol lang talaga ang magiging usapan natin." Paliwanag ni Doc. "Okay lang naman sakin yun. I understand your sched." Sabi ko sa kanya, sino ba naman ako para mag-demand ng kanyang oras. Napahaba na ang kwentuhan namin ulit. Yung araw-araw naming pagke-kwentuhan ay umabot na ng buwan. Hindi ko talaga inasahan na magiging katotohanan ang sinabi niya na gusto niya akong makita. Mahigit dalawang buwan na constant messages at wala pa ring video chat pero gusto pa rin niyang makipagkita? 4 hours of travel to finally meet and he is willing to drive? Kinabahan ako na may halong excitement. Nakapagdesisyon kami na sa labas na lang kami magkikita para minimal exposure daw kung mangyayari man yung worse case scenario. Ang magka-COVID. Sinigurado din niyang wala siyang nararamdamang sintomas bago makapagbyahe.

Kahit 25 na ang edad ko, strikto pa rin ang mga magulang ko kaya isa sa kondisyon nila kung makikipagkita ako ay dapat may chaperone. Pagkatapos ko gumawa ng QR code para sa kanya, tinanong ko siya kung ano ba ang plano namin sa meet-up. Paano niya ba masusulit ang golden weekend niya? Para sa mga taong walang kaalam-alam sa mga medical jargon katulad ko, golden weekend ang tawag nila sa diretsyong weekends off.Ako yung klase na gusto kong planado talaga ang lakad. Dapat alam kung saan pupunta at kung anong oras. Yun lang ay madalas akong late kaya sa una naming pagkikita dapat alam ko kung anong oras talaga. Nakakahiya naman na sa sariling hometown ko, ako pa yung matagal sumipot.

"So, ito pa la ang sched natin for tomorrow:

✅ Church
✅ Lunch
✅ Daan sa bahay (?)", taong bahay lang talaga ako. Hindi ako yung pala-gimick at hindi naman ako mabarkada. Sa totoo nga niyan ay ako yung klase na walang permanenteng grupo na kaibigan. Madalas kong pinipili na mapag-isa. Inamin ko din naman kay Doc na wala akong alam na pwedeng puntahan namin lalo na't panahon pa ng pandemya. Kulang talaga ang mapupuntahan naming lugar.

"We will figure it out bukas", halatang puyat na tugon ni Doc at pagkatapos noon ay nakapag-goodnight message na kami sa isa't isa.

This is it, pansit! Magkikita na kami ni Doc! Matagal akong nakatulog kasi sa kwarto ko rin natulog ang ate ko. Sabi pa niya na sasamahan niya akong lumabas sa bahay kasi may bibilhin daw siya sa mall. Alas-nuebe na akong gumising, nag-alarm naman ako pero alam niyo yung nakakagising ka pero sa isip mo masyado pang maaga kaya babalik ka na lang sa pagtulog? Ganyan ako sa araw na iyon. Bumalik ako sa tulog kasi wala pa rin naman akong nabasa na message niya kung nasaan na siya o papalapit na ba siya, kaya alas-nuebe ako uli gumising.

"Ate, alas-nuebe na pa la." sabay tulak ko kay ate.
"Ha? Hoy! Mag-ayos ka na, malapit na yan dito. 'Di ba sabi mong 6 siya magda-drive?" Nawala ang antok ko sa sinabi ni ate. Ay, oo nga pa la. Naligo kaagad ako at nakapag-ayos. Hindi na ako nakapag-almusal kasi hindi naman ako nagugutom. Susulitin ko din yung lunch namin, sabi ko sa sarili ko. Nahirapan kaming sumakay ng ate ko kasi Linggo pa la ngayon, walang PUV.

"Sorry, mali-late ako kasi nahirapan akong makasakay. Sunday nga pa la ngayon, wala masyadong tricycle. Hindi pa la pwede dumaan yung tricycle sa simbahan. Sa mall na lang tayo magkita." Chat ko sa kanya para hindi niya isiping hindi ako sisipot.
"Okay lang. Nasaan ka na pa la? Malapit ka na?" dama kong kalmado ang pagtanong niya kasi may pa-smile emoji pa. Buti na lang at nakakaintindi siya.
"Miss, dito lang ang babaan ngayon. 'Di kami pwedeng dumiretsyo sa mall." sabi ng tricycle driver.

Ano ba 'to, kung kailan lang niya kami ipapababa doon lang magsasalita si kuya driver. Nakakahiya na kay Doc at baka isipin niyang gumagawa lang ako ng mga palusot para hindi makipagkita. Kinapalan ko na lang ang mukha ko at sinabi sa kanyang doon na lang talaga kami magkikita. Gagawa na lang ako ng paraan para makapunta sa mall... Iyon ay, ako ay maglalakad. Binayaran ko si kuya driver at nagpasalamat na din kasi sino pa ba akong choosy. Commuter lang naman ako. As usual, ako ang nagbayad sa amin ni ate. Sanay naman din ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad at sa sobrang tutok kong maabot ang target ko (ang makaabot sa mall), naiwan ko na pa la ate ko. Buti na lang ay nahabol din naman niya ako at nakarating na kami sa mall. This will be a day to remember, naisip ko. Nakapag-chat na akong andito ako sa labas ng entrance. Sinabi naman niyang paparating na daw siya. Ilang minuto ko rin siyang hinintay kasi lumampas na siya para makapag-park.Nakita ko ngang lumampas siya pero hindi ko na lang sinabi sa kanya. Thank you, Google maps. Pagkatapos ng lahat ng iyon, nakapag-park na siya malapit sa akin. Alam na alam ko na kung ano ang plate number at ang sasakyan niya. Ipinakita na niya dati sa akin noong magpapa-carwash siya. Kung kailan pa siya dumating, sumulpot din ang ulan.

"Naka-yellow ako", last message ko sa kanya bago siya bumaba sa sasakyan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Love during the PandemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon