Masakit na, hindi ko na kaya. Ano pa ba ang pwede kong gawin para mahalin niya rin ako?
Ako si Sapphire, Valentin ang name ng boyfriend ko. Matagal na rin kami, almost three years. Sa loob ng three years marami nang nagyare, nag-away na kami dahil sa mararaming dahilan, nag-saya na kami dahil sa mas maraming dahilan, at nasaktan na rin kaming pareho.
Ngayon nag-away ulit kami dahil sa rumors na kumakalat na yung best friend niya tsaka siya, may lihim daw na relasyon. Hindi na ako nag aksaya ng time, tinawagan ko siya at sinabing magkita kami sa park kung saan niya ako unang dinala for our first monthsary.
Pag dating ko sa park, andun na siya nakaupo sa may swing. Shit ang daming memories dito. This was the place where he said that he'll never leave by my side, dito siya nangako na poprotektahan niya ako sa kahit na sino man, at dito nangyari ang first kiss ko and ang first kiss namin. Nilapitan ko siya umiiyak siya, ang mga mata ko namumula at namamaga pa rin kakaiyak.
"Valentin..." Panimula ko
"Babe... I-I-I'm s-s-sorry." Halos di ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil nga umiiyak na siya. Siya yung kauna-unahang lalaking umiyak sa akin ng harapan :'(
"Val, alam mo namang mapapatawad kita kaagad eh pero yung sakit hindi naman kayang alisin yan ng sorry mo eh. Val, nag cheat ka sa akin. Cheating was never an option, it's a choice, it's always been a choice." Sumbat ko. Oo, umiiyak na naman ako dahil nga masakit ang mga nangyayare these past few days.
"Baby Saff.. Sorry na, please? I know it was wrong to cheat but---"
"Baby Saff? UTANG NA LOOB VALENTIN!!! Don't call me that! Save your excuses for someone else! We're not kids anymore na kailangan dapat laging may reason pag may maling nagawa." Sandali akong huminahon at huminga ng malalim
Saka ulit ako nakapag salita, "Val, tell me, SAAN BA AKO NAGKULANG?!! Hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal ko sayo ah! Tell me kung ano pagkakamali nagawa ko! Sex ba? Nag sex ba kayo ni Angelica at 'di mo siya maiwan ng ganun na lang?"
"OO!! Nagawa nga namin ni Angelica yun! And alam ko malaking pagkakamali pala nagawa ko."
"So ano, mas magaling ba siya sa akin sa kama, hah?! Gago ka Val, alam mong may nangyare na rin sa atin pero parang you took it for granted eh! I gave you everything I could. Pagkakamali ko lang, binigay ko sa'yo ang hindi pa dapat."
Nanghina ang mga tuhod ko sabay napa atras ako sa mga sinabi niya hanggang sa napaupo. He offered his hand to help me stand up pero hindi ko tinanggap, kaya ko naman kasing tumayo mag-isa eh, kahit wala siya! Kakayanin ko naman :'(
Pero shit ang sakit pala.. Ang sakit ng nagmamahal ka tapos nag cheat siya sayo, ang masama pa doon, hindi lang landian, may lampungan! May nangyare sa kanila! Mga taksil!
"Val, I want to end this relationship we have. Ilang beses na tayong nasaktan or should I say ako lang ang nasasaktan palagi? Ilang beses KA na ring nakasakit ng iba. Tama na Valentin. Hindi ako sumusuko kundi tinatapos ko lang ang dapat nang tapusin. Masakit din para sa akin yung ginawa mo. Hindi na mapapawi ng mga sorry mo yung puso kong sugatan na.."
"Saff.. Please, wag mo naman gawin sa akin ito. Masakit eh." Umiiyak siya lalo
Nasasaktan akong makita siyang umiiyak kaya tumingin ako sa ground.
"Val, I have to. Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin eh. Maybe someday mapapatawad kita sa nagawa mo and maybe someday magkaka ayos din tayo but not now. Good bye, see you... I don't know when..." HOPEFULLY NEVER!
Pagkatapos kong sabihin yun, tsaka na ako nag lakad papalayo, ayaw ko na eh.. Mapapatawad ko din siya sa takdang panahon pero hindi muna ngayon, sariwa pa ang mga sugat na natamo ko eh
Umuwi ako ng luhaan sa amin, masyadong masakit nagawa niya, hindi ko na kinaya. Oo, kakayanin ko sana kung tagong relasyon lang eh pero ang masaklap hindi lang yun ang nangyare, may nangyare din sa kanila... :( sa ngayon I need to focus on my own life muna and ayaw ko ng kahit ano pang gulo or heart aches. Mahirap but I have to do this for myself.
*After 5 years*
Andito ako ngayon sa mall, makikipag meet up sa mga kaibigan ko. Habang naglalakad may naka bangga sa akin na lalaki, tinignan ko from toe to head....
"Hi" wika niya.
"Ah--- Hi... Valentin?!" Sagot ko
"Kamusta ka? Wala pang love life?"
"Ayos lang naman. Meron na, masaya na ako."
Masaya na ako sa piling niya, wala ka na talaga sa buhay ko.
"Ahh ganun ba? Ahm... Saff.."
Sa tawag niyang yun sa akin parang nag stop ang pag ikot ng aking mundo.. Namiss ko ang pagtawag niya sa akin gng ganun.
"Saff, sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo and sa lahat ng pain na naibigay ko sayo. Please forgive me."
"You're forgiven."
Yun lang ang nasabi ko pero sa totoo lang kahit forgiven na siya masakit pa rin nagawa niya sa akin eh. Naramdaman kong puno na ang mga mata ko ng luha at gusto nang bumagsak pero kailangan kong pigilan dahil ayokong maawa siya sa akin, tama na yung sakit na binigay niya sa akin 5 years ago.
"Saff, thank you. Saan ka pala pupunta?"
"Okay lang yun Val. Pupunta lang ako dyan sa malapit na coffee shop, i-mi-meet ko lang kaibigan ko."
"Ah, hatid na kita?"
"No need, kaya ko na ito. Basta, you're forgiven. Wag na tayong bumalik sa past dahil past is past nga diba? And let's leave everything the way it should be. Thank you for the memories."
"Super thank you dahil napatawad mo ako. Sige next time ulit... Sana. And ingat ka lagi."
"Sana, kung magmi-meet ulit tayo. Sige bye, ingat ka din. Sana nga, maybe one day magkikita ulit tayo."
Napatawad ko na talaga siya, yun lang naman kasi ang way para maka move on. Naka move on na rin ako sa kanya, it's just that the things he did to me were so cruel.
At yun nga, pagkatapos namin mag-usap dumeretso na ako sa Starbucks para i-meet si Angelica (oo siya, ang babaeng na-extra sa relasyon namin ni Val noon). Pinapapili niya kasi ako kung anong magandang design ng gown ang gusto ko for my upcoming wedding in three months.
~ The End ~
~ Moral of the story: Learn how to forgive and forget. What's done is done, just leave everything in the past because better things will come to you someday. Gaano man kasakit ang nangyare sa nakaraan mo, wag mo nang balikan dahil wala rin mangyayare, lalo ka lang ma ta-trap doon at lalo lang mahihirapan mag move on. Move on ay mahirap gawin pero sabi nga nila, let the time heal your wounds from your past and open your heart again.
TANDAAN! Di lang sila ang tao sa mundo, may mas marami pang iba na mas deserve mo at mas deserve ka. You just have to wait. Don't rush love, kusang dadating yan, di naman mawawala eh. :)
~ Nga pala, don't forget to check the external link :3
-------------------------
Yun lang po ang aking one shot :) sorry po kung panget.
Comment.
Vote.
Favourite.
Comment.
Share.
Or kahit ano po gusto niyong gawin heheh ^__^
~ arigatou gozaimasu ~
BINABASA MO ANG
She's Done Trying - One Shot
Teen Fiction~ Sometimes, giving someone a second choice is not the right move instead it's letting go and moving on. ~ Cheating's NEVER an option, it's a CHOICE.