CHAPTER 2: SUCCESS

164 10 0
                                    

ALDRICH

I sighed in relief nang sumang-ayon sa deal ang bagong investor ng kompanya. Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang nakangiting si Monica agad ang nakita ko.

"You did great, honey!" anya at dinamba ako ng yakap.

Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung clingy! Unless ako ang magkusang magphysical touch sa'yo.

Inalis ko ang yakap niya at pinagpagan ang coat ko. "Stop the act! Tapos na o, we already made a deal." sabi ko at inirapan si Monica.

"But you said that I can call you honey, anytime I want!" pagtatatantrums niya. Kaloka! Parang bata.

Sabi ko na nga ba at maling-mali na humingi ako ng tulong sa merlat na 'to e! Kung hindi lang biglaan yung opportunity, edi sana nakapaghanda man lang ako.

Hindi naman sa inez aketch sa boss namin pero siya talaga may kasalanan e. One day before the deal lang niya ako sinabihan, kaasar!

At buti sana kung simpleng investor lang yung madadaan mo sa sales talk ganern. Itong si Mr. Hoffman pala ay napakaromantiko...ang tanging inaaprubahan lamang niya na deal ay ang proposal ng magjowa. E, saan ako makakahanap ng instant na jowa ng isang araw aber?! Kaya wala lang talaga akong choice, hmp!

MONICA

"Oo nga pero masyado ka namang abusado sa rights na binigay ko na yun sa'yo. Ano yun? Every conversation na lang, you'll call me honey? Napaka-incest mo!"

Hmp! Galit na naman siya sa akin. Parang endearment na honey lang naman...

Bumelat ako at ngumisi sa kanya. "Nangako ka na, kaya wala nang bawian! A deal is a deal, right?" sabi ko at ipinagdaop ang dalawa kong mga palad.

"Ugh! K, fine! Huwag mo lang akong matawag-tawag ng ganyan kapag may fafa ha?"

"Okay!" sagot ko.

Hmm, mas ayos na yun kaysa Aldrich pa rin tawag ko sa kanya.

"Let's go na sa canteen." paanyaya ni honey.

Aldrich and I knew each other even before we started to work in JWHI Inc. company. Nag-aapply pa lang kami nun - to be precise ay during noong interview. Magkasunod lang kami sa linya kaya ayun, nagkachikahan hanggang sa malapit na yung turn namin.

Napansin ko kaagad na bukod sa malinis siyang tignan at mabango ay magaling din siyang makisama. Na-crush at first sight talaga ako nun sa kanya kahit pa mas malamya pa siyang kumilos at mas matinis pa ang boses niya kaysa sa akin. Ewan ko ba, alam ko namang hindi kami talo pero sige pa rin ako nang sige sa pagpapasimpleng panghaharot sa kanya. Hehe kunwari intensyong makipagkaibigan pero duma da moves lang pala.

It's like there is no one around kapag nasusulyapan ko siya. Parang nagbblurred ang background niya at siya lang, si Aldrich lang ang nakikita ko ng malinaw. And because of that, I already know that I am infatuated with him.

Talagang, crush na crush ko siya! Kaya nga dalang-dala ako sa acting namin kanina e. Muntik ko nang makalimutan na acting lang pala yung ginagawa namin.

Kaya lang...hindi naman niya alam.

Napapitlag ako sa gulat nang bumuga na ng apoy ang dragon, char. "Hoy! Ngingiti ka na lang ba mag-isa diyan?" sabi ni Aldrich habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

Cute!

"Heto na po! Susunod na."

ALDRICH

Kakatapos lang namin kumain ni Monica nang biglang tumunog ang mega phone sa canteen.

"Announcement to JWHI Inc. employees! Mr. Fathom Arizala - our CEO announces that all of you can have a vacation supported by the company. Thanks to Mr. Aldrich Sanchez for having a successful deal to one of the biggest well-known company in the world; the RG Corporation. The venue is at Boracay beach resort. See you at NAIA airport tomorrow on 4:30am. Once again, congratulations everyone!" sabi ng announcer at napuno ng ingay ang paligid.

Well, hindi na ako nagulat dahil dapat lang naman talaga na may pa-ganyan! Isinangla ko ang dignidad ko para maging successful 'tong deal na 'to tapos walang price? That's what you call unfair, hmp!

"Uy! Narinig mo ba yun honey?"

"Ay, hindi~ nasa bundok kasi ako no'n habang nag-aanounce--aray! Bakit ka ba nanghahampas?"

"Ikaw kasi e! Anyway, aren't you happy? At long last, makakapunta na rin tayo sa Boracay! Woooo..."

Argh! Kung hindi siya namimisikal, nag-iingay naman siya. Tell me, what did I do to have a merlat friend like this?!

She Changed His PreferenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon