Chapter-1

13 5 0
                                    

Matamlay akong pumasok sa school,paano ba naman kasi yung magaling kong Boyfriend ay nagpunta pala sa Russia ng hindi nag aaya o nagpaalam man lang,ni ayaw ngang sabihin kung anong ginawa nya don e.

Bahala sya,basta naiinis ako sa kanya ngayon! Napabuntong hininga ako ng tumunog na naman ang phone ko.

Huminga ako nang malalim pa sa balon upang makapaghanda sa pagsigaw sa kanya.

"Hello, Rhodzie!" malakas at pagalit kong sabi. Agad akong nspatakip sa bibig ko ng magtinginan lahat saakin ang mga studyante sa covered walk.

"Aish, tone down your voice,Woman. I think my ear drum is broken,tsk!" agad nyang reklamo.

Aba ang kapal ng mukha nyang magrekla mo ah!

"Nag reteklamo ka,huh? May kasalanan ka pa kaya sakin,Rhodz Stallone!" naiinis kong saad, narinig ko naman agad syang napabuntong hininga.

"Alright, I'm sorry. May inasikaso lang ako about sa company,sorry for not telling you. Baka kasi magpabaon kana naman ng madaming laing," kompanya na naman, bakit ba ako nagka boyfriend ng isang CEO at mas matanda ng limang taon sakin?

Aba nagreklamo pang pinabaunan ng madaming laing? Yung mga nangingibang bansa ngang pilipino ay gustong gustong nagbabaon ng laing tapos sya magrereklamo lang?

"Nag rereklamo kana ngayon, Rhodzie? Pasalamat ka nga pinapabaunan ka!" nakangusong sambit ko kahit pa alam kong hindi nya iyon makikita.

"I'm really sorry uhm... do you want something to eat?" aba susuhulan pa ata ako,pero pwede na din. Atleast mabubusog pa ako,may bago na akong natutunan! Kailangan palang magtamputampuhan para magkaroon ng libreng pagkain.

"Gusto ko lahat ng nasa menu ng Jollibee!" nakangising sabi ko. Narinig ko naman ang pag ubo nya na tila ba nasamid sya.

"Are you sure? Baka hindi mo maubos sa dami non," paninigurado nya.

"Yes and I want it to be here in ten minutes!" nakangising sabi ko.

Napakunot noo ako ng nakarinig ako ng pagbagsak ng bagay,hays naihulog na naman nya siguro ang phone nya sa pagkabigla. Itong taong to talaga magugulatin.

"Come again?" muli nyang tanong.

"I changed my mind,I want it in five minutes instead and I want you to personally give it to me!" nakangiting sambit ko.

"What the f-? Lycca,20 minutes ang layo ng Jollibee jan sa school nyo!"

"Ayaw mo lang akong bigyan ng Jollibee e dahil mas matambok pwet nya sayo!" pang iinis ko. Napatawa ako ng marinig ko ang sunod-sunod nyang mura.

"Damn, I'll be there in five minutes!" sasabihin ko pa sanang biro lang iyon pero agad na nyang pinatay ang tawag.

Itetext ko na nga lang sya,baka kasi totohanin pa nya.

'Biro lang,Rhodzie,wag kang pupunta dito baka pagkaguluhan ka pa sa gwapo mo!' nangingiting type ko saka ito sinend sa kanya. Agad ko ng tinago ang phone ko saka nagtungo sa fourth floor kung nasaan ang room ko.

Mabuti na lang at yayamanin itong school na pinapasukan ko kaya may elevator ito.

Mabilis akong nakarating sa harap ng pinto nang klase ko,agad akong napalunok ng makitang nagtuturo na si Ms. Biarnes ang laging biyarnes santo ang mukha pag nakikita ang ganda ko,palibhasa matanda na pero wala pang asawa. Sino ba namang magkakamaling pakasalan ang masungit na balyenang ito?

"You're late,Ms. Lycca Harriet!" halos umuusok ang ilong nyang saad.

"Ano ka ba, Miss alam ko po kaya hindi mo na kailangang sabihin. Itong si Miss Biarnes talaga mahilig magsabi ng obvious," naiiling kong sambit.

"Miss Lycca, into the principal offi-!" hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil nabulabog kami ng isang ingay.

Agad nanlaki ang mata ko ng may makitang helicopter na palapag sa quadrangle na nasa bandang harap lang ng building namin. Nang nakita ko ang familiar na bulto ng isang lalaki ay agad akong tumakbo papuntang elevator para makapunta sa quadrangle.

Ang hilig talaga nong gumawa nang eskandalo, nako Rhodzie, lagot ka talaga sakin mamaya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa gitna ng quadrangle kung saan palapag pa lang yong chopper nya.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng makarinig ako ng mga bulungan. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makitang halos lahat ng student sa school ko ay nandon sa palibot ng quadrangle at yung iba ay nakatanaw mula sa building nila.

Gusto kong maglaho na lang bigla dahil sa hiya. Pagkalapag ng chopper ay syang paglabas naman ni Rhodzie.

He's still wearing his corporate attire! Ito talaga hindi man lang nag abalang magpalit kahit damit ng pulubi na lang sana. Gusto kong sapakin lahat ng babaeng nakatingin sa kanya ng may pagnanasa at paghanga.

Dahan-dahan akong tumalikod upang makalayo ngunit unang hakbang ko palang ay umalingawngaw na agad sa tenga ko ang baritone nitong boses. Agad ko syang nilingon saka nginitian ng naiilang.

"Where do you think you're going,Ms. Harriet?" he said in his baritone voice.

"Ah eh... Aalis na sana ako,Rhodzie,nakatingin kasi silang lahat saakin. Madami pa namang chissmosa dito sa school," saad ko habang nginingitian sya ng pilit.

"Tsk, don't mind them. I have your food," kalmadong saad nya.

"Eh nakakahiya kasi,Rhodzie. Bakit ka pala nandito? Nag message kaya ako sayong nagbibiro lang ako," agad kong kinuha ang phone ko saaking bulsa para maipakita sa kanya yung message ko kaso agad akong napangiti ng pilit sa nakita. " Hehe,wala pala akong load,Rhodzie,pa share naman para masend ko itong message ko."

"Damn, Woman. Pinagloloko mo ba ako?" matigas nyang ani.

"Aba magagalit ka ngayon? Ako kayang galit sayo!" agad naman syang napalunot sa sinabi ko.

"I-I'm sorry."

"Asan na yong pagakain ko?" nakangiti kong tanong,agad naman syang napabuntong hininga na para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Men,ibaba nyo yung mga pagkain." matigas nyang utos sa kanyang mga tauhan na nakasuot din ng suit kagaya nya.

Agad nagningning ang mata ko ng makitang ibinaba nila ang isang malaking box na naglalaman ng mga pagkain.

Humito sila sa harap ko,agad kong dinampot ang isang large fries saka sumubo.

"Thank you,Rhodzie! Bati na tayo," nakangiti kong saad.

"Where's my hug and kiss then?" nakangiti nyang sabi.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nakatingin padin sila samin," PDA yon, Rhodzie eh. Nakatingin pa naman silang lahat satin," naiilang kong sabi.

"Damn,give me the microphone, Zed!" tawag nya,agad namang lumapit ang tauhan nya at inabot ang isang mic. Ang isa naman ay nakahawak ng malaking portable speaker.

"Napaghandaan ko ito,Lycca. Hindi ka makakatakas sakin," nakangiti nyang sabi.

"Eh kasi naman,Rho-" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita sa mic.

"Everyone close your eyes!" he said with his baritone voice.

Aangal palang sana ako dahil may nakikita akong hindi pa nakapikit ngunit mabilis na nya akong hinapit sa bewang.

"I miss you," pagkasabi nya iyon ay hinalikan na nya ako saking labi.

Napapikit ako kasabay nya habang ginagantian ko sya ng halik sa labi. Ang lambot talaga ng labi ng boyfriend ko!

Ilang segundo din kaming magkahalikan bago sya humiwalay at yumakap sakin.

Childish Girlfriend Of A Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now