Chapter-3

9 4 0
                                    

"What are you staring at? Hop in,we have to buy you clothes first." untag nya sakin dahilan nang pagbalik ko sa kasalukuyan.

"Ehh..." aangal pa sana ako dahil hindi pa ata ako handang mameet ang Mom nya pero sinamaan nya ako nang tingin kaya pumasok na lang din ako.

"Don't worry. My Mom will surely like you," he assured me.

"Pero pano pag hindi ako nagustuhan, Rhodzie? What if paghiwalayin nya tayo?" kinakabahang tanong ko sa kanya ngunit tinawana nya lang ako.

"Are you saying that my mom doesn't have a taste?" he mocked.

"Hindi naman sa ganon pero may point ka, Rhodzie. Sa ganda kong ito hindi nya ako magugustuhan? Nako wala talagang taste ang Mom mo pag nagkataon!" naiiling ko saad ngunit tinawanan nya lang ako.

" Don't worry.  Whether she likes you or not, that wouldn't change anything. As if she can do anything to tear us apart," nakangiti nyang sabi.

Agad ko syang pinalo sa braso kaya napadaing sya, " Woi,hindi kita tinuruan nang ganyang asal ah! Mom mo padin yon kaya mahalaga padin ang opinion nya!" nakangusong saad ko.

"Yeah right, tsk!" he uttered.

Inirapan ko na lang sya at hindi na muling kinausap. Muli akong nalunod sa pag iisip kung anong mangyayari mamaya. What if her mother doesn't like me? What if palayuin nya ako kay Rhodzie kapalit ng malaking halaga ng pera? Aba,tatanggapin ko yon kung sakali pero wag na pala. Dahil sa pag iisip ay diko namalayang nakaidlip na pala ako.

Saka lang ako nagising nang may biglang pumitik sa noo ko. Agad akong nagmulat at sinamaan ng tingin ang salarin. Inisin na ang lasing wag lang ang tulog.

Pero ang loko aba tinawanan lang ako, tignan natin kung makakatawa ka pa jan. Ngumisi ako saka ko dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kanya. Agad syang tumigil sa pagtawa at sunod-sunod na napalunok.

Ako naman ang ngumisi ngayon saka ko sya kinurot ng madiin sa magkabila nyang pisngi.

"What the heck?! That's hurt,Lycca!" He said while piercing his eyes on me.

"I know right,sinadya ko kayang lakasan para mafeel mo naman." nakangising sambit at hindi alintana ang nanlilisik nyang mata sakin.

"Oh God what did I do?" tila nawawalan ng pag asang sambit nya na mas lalo kong ikinatawa.

Mabilis kong tinaggal ang seatbelt ko saka lumabas sa sasakyan nya. "Ano hindi ka lalabas jan? Akala ko mamimili tayo?"

"Tsk!" napatawa na lang ako nang marinig ko ang pag singhal nya. Mabilis syang lumabas ng kanyang sasakyan habang bumubulong na sa tingin ko ay mura dahil sa dilim ng mukha nya.

" May sinasabi ka jan,Mr. Stallone?" nanghahamon kong saad.

"Nothing, let's go." Kalmado at naiiling nyang sambit saka ako hinila papasok sa boutique.

Napaka moody talaga nito,kanina lang ay ang sama ng awra ngayon naman ay parang wala lang. Pigil ko padin ang aking tawa habang  nakatingin sa pisngi nyang namumula,masyado kasi syang maputi kaya kitang kita ang pamumula ng pisngi nyang kinurot ko kanina.

"What's funny,Woman?" he asked seriously.

Umiling ako nv sunod-sunod habang nakatikom ng mariin ang aking bibig upang mapigilan ang pagtawa.

Hindi na sya muling nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad,pagbukas ng glass door ay agad kaming dinaluhan ng isang magandang ginang.

" Good afternoon,Mr. Stallone. It's been a while," malawak ang ngiti nitong saad.

" Dress her up, I'll be back in an hour." diretso nitong sabi,ni hindi man lang sya nag abalang bumati.

" She's so beautiful,Mr. Stallone. At mas lalo pa namin syang papagandahin. Let's go,Miss?" nakangiting sambit ng ginang.

" I know,I gotta go." he kissed my temple before turning his back.

" I never thought na may ganong side pala si Mr. Stallone," nakangiting sambit ng ginang.

" Kung alam nyo lang po,mas malala pa yan pag kaming dalawa lang ang magkasama." nakangiti at proud kong sambit. Ako lang to,ang nag iisang kayang palabasin ang matamis na buto ng isang Rhodz.

"Hindi na nakakapagtaka, I'm happy thay he already found you. Let's go?" naguguluhan man sa unang nyang sinabi ay hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin dahil inakay na nya ako papunta sa may malaking salamin.

Pinaupo nya ako sa harap ng salamin saka nagsinulang lagyan ng kung ano ano ang mukha ko. Habang naglalagay sya ng make up sa mukha ko ay may umaayos naman sa buhok at kuko ko.

Hindi ko na namalayan ang mga pinagagawa nila sakin dahil naka idlip na pala ako. Saka lang ako naalimpungatan ng may mahinang tumapik sa balikan ko.

"Wake up,Miss,magpapalit kana ng dress at magsusuot ng sandal."

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang sinabi nya dahil nakatitig lang ako sa magandang mukha na nakikita ko aa salamin.

Ako ba talaga ito? Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako. Simple at light make-up lang ang ginawa nila sakin saka kinulot ang buhok ko ngunit pakiramdam ko ay ibang tao na ang nakikita ko sa repleksyon ng salamin.

" Let's go,Miss. Kanina pa naghihintay si Mr. Stallone sa labas at mukhang naiinip na ito," para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Kailangan kong bilisan dahil baka umusok na ang ilong nito dahil sa inis,ang pinaka ayaw pa naman nya ay ang pinaghihintay sya ng matagal. Mabilis akong tumayo at sinundan ang ginang papasok sa isang kwarto.

Bumungad saakin ang isang napakaganda at kumikinang na white dress na nasa gita ng kwarto. Sa tabi naman nito ay ang puting cristal na sandal. Pakiramdam ko ay literal na kumikinang na ang mga mata ko dahil sa pagkamangha sa ganda at elegante ng mga ito.

"Isukat mo na ito,maghihintay ako sa labas ng pinto." nakangiting sambit ng ginang na para bang satisfied sa naging reaksyon ko. Tumango na lang ako at maya maya ay narinig ko na ang paglabas nito.

Dali-dali akong lunapit dito saka nagsimulang magbihis. Pagkasuot ko ng dress at sandal ay nakangiti akong hunarap sa malaking salamin. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang bibig ko dahil sa lawak ng aking ngiti. Para na akong diyosa sa ganda!

Agad akong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang maras nitong pagbukas.

"What took you so lon— you're so beautiful!" tila namamanghang sambit ni Rhodzie.

Ang kaninang madil na mukha pagbukas ng pinto ay agad na nagbago ng makita nya ang ayos ko.

Ngumiti ako saka ako umikot upang maipakita ang kabuuhan ko. Iikot pa sana muli ako ng bigla na lang syang lumapit sakin saka ako mabilis na hinalikan saking mga labi.

Childish Girlfriend Of A Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now