Today is exactly three days before the first day of summer. Halos hindi ko na magawang tumingin pa sa kalendaryo sa takot na higit na umusad ang mga araw at sumapit ang kinatatakutan ko.
Siguro noong mga bata pa kami ni Diana ay inaabang-anbangan namin ito, ngunit ngayon na higit na kaming namulat sa realidad, mas pipiliin ko pang tiisin ang walang katapusang lamig kaysa sa tag-araw na ang kapalit ay buhay ng sarili kong kapatid.
We are living in the world of fear. At sa paniniwalang ang tanging makapangyarihan sa lahat ay ang hari— Snow King.
The Snow King sent me the ice rose. He chose me as his next bride, but my stubborn sister, Diana, insisted on her ridiculous plan. She will pretend to be me, the chosen bride, and she will kill the Snow King with her bare hands.
Nang sandaling marinig ko ang plano niyang iyon, isa lang ang pumasok sa isipan ko. Nababaliw na ang kapatid ko. Sa paanong paraan niya mapapatay ang hari?
Diana and I grew up together. I've witnessed all her troubles, plans, and even her unexpected wittiness in every situation. Sanay na ako sa iba't ibang sitwasyong pinapasok niya, pero hindi ko akalain na aabot hanggang sa kabilang parte ng harang.
The mist divides the humans and magical creatures into their separate worlds. Walang tao ang siyang nakatatawid sa harang kundi ang napiling mapapangasawa ng hari.
Nang una kong malaman na ako ang napili ng hari, hindi iilang beses na naisip kong kitilin ang sarili kong buhay, hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko sa sandaling tumawid ako sa harang na iyon, ngunit inisip ko rin ang kapakanan ng lahat ng mga taong maiiwan ko sa magiging desisyon kong iyon.
Paano kung sa kanila ibunton ng hari ang kanya galit?
Kaya labag man sa kalooban ko'y pilit ko nang tinanggap ang kapalaran ko. I will sacrifice myself for the sake of my family and to all those innocent people.
But when Diana confidently told me about her plans like it was just a silly game? I suddenly want to slap her. Hindi niya ba naisip na sa desisyon niyang iyon ay hindi lang siya ang mapapahamak? Lahat ng mga tao ay madadamay!
Bago pa ako may masabing hindi maganda sa kanya'y nagpaalam na akong mauunang umuwi. I want to disagree with her. Gusto ko siyang pigilan sa desisyon niyang iyon, ngunit higit kong kilala ang kapatid ko.
No one can ever stop Diana. Not me, our parents, her friends, or even that damn guardian who agreed with her plan!
Gusto ko silang pagsisigawan lahat dahil nagawa nilang pumayag sa planong iyon ni Diana. Even that guardian?! Hindi ko na alam kung mapapahanga na talaga ako sa kapatid ko.
Sa halip na dumiretso sa kuwarto namin ni Diana, mas pinili kong magtungo sa attic ng aming bahay at doon mag-isa. Kusa nang bumigay ang mga tuhod ko at napasalampak na ako sa sahig.
Kung kanina ay matinding inis at galit ang nararamdaman ko, ngayon ay tumulo na ang mga luha ko. Tuluyan ko nang naramdaman ang takot na dati'y para sa akin, ngunit ngayon ay para sa kapatid ko.
Kusang bumalik sa mga alaala ko lahat ng pinagdaanan naming magkasama ni Diana. Simula ng mga bata kami hanggang sa magdalaga at hanggang sa umabot kami sa sitwasyong ito. Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko sa realisasyon na halos gawin na ni Diana ang lahat para sa ikabubuti ko.
Kahit ang sarili niyang buhay ay handa niyang isakripisyo para sa akin.
Halos isang oras siguro akong nakaupo at umiiyak doon bago ko ilang beses tinapik ang pisngi ko.
Huminga ako nang malalim at pinili kong abalahin ang sarili ko sa pagtingin sa mga lumang gamit dito sa attic, hanggang sa tumama sa paningin ko sa napakalaking kahon sa sulok.
YOU ARE READING
Beyond Nightmares and Old Letters
FantasyOld letters in an attic, a woman with powerful dreams. Join us as we tell more stories beyond the mist and trees.