MAHALAGANG MENSAHE:
This is work of fiction. Names, Characters, Bussinesses, Places, Events and Incidents are either products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.***
Basang-basa ako ng ulan nang makapasok ako sa bus. Kanina pa sana ako nakauwi kung hindi lang ako inulanan at kailangan ko pang mag stay sa waiting shed ng paaralan.
Nakakainis lang kasi dahil yung mga kaibigan ko iniwanan ako.
Kaya eto ako ngayon nakikipag siksikan sa mga pasahero. Rush hour kasi at marami ng nag sisi-uwian.
Standing pa pero wala na akong choice kanina pa ako uwing-uwi.
Ang lakas ng ulan...
"May paparating daw na bagyo." Napatingin ako sa likod ko. Tila ba nabasa niya ang naiisip ko.
Isang matanda na naka itim na belo, pati na rin ang kaniyang damit at may bitbit pang rosary.
Napangiwi ako.
"Lola sana po umupo kayo." Bumaling ako sa isang babae na naka uniform rin katulad ko. "Miss pwede mo bang paupuin si Lola?" Tumaas ang kilay niya sa akin at tumingin sa katabi ko.
Bumaling pa siya sa katabi niya at may ibinulong.
Anak ng-
"Miss, priority seat naman yang inuupuan mo eh." Pag pupumilit ko pa.
"Hayaan mo na apo, okay na ako sa pagtatayo. Malakas pa naman itong tuhod ko." Tinapik-tapik niya pa ang aking braso.
Ngumiti pa siya akin kaya ngumiti nalang rin ako pabalik.
Sobrang pagod na pagod ako ngayong araw na ito. Nakakapagod mag aral minsan gusto ko nalang maging-
Napatingin ako sa gilid nang tumigil ang bus sa isang café. Kumalam yung sikmura ko.
Hayyy gusto ko nalang talaga maging dinosaur. Para patay na ako ngayon.
Hindi...hindi yun biro
Sana nilunok nalang ako!!!!
Kidding aside ang sakit na ng batok at braso ko parang namamaga. Nangalay sa kakamasa ng dough kanina.
"Apo...." Natigil ako sa kakadaldal sa isip ko nang humawak sa akin ang matandang katabi ko. Medyo maliit sa akin si Lola at katamtaman lang ang laki ng katawan.
Na aninagan ko ang buong itsura niya at kahit na kulubot na ito ay maganda parin naman siya. Parang ako lang hay huwag na kayong umangal.
"Bakit po?" Ngumiti siya sa akin at may ibinigay sa aking kamay.
"Mag ingat ka ga..." Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya.
Magpapasalamat na sana ako nang mag sigawan ang mga tao.
Nanlalaki ang mga mata ko.
Oh my gosh!! Yung pinakahihintay ko!!
Si kamatayan!!
Pero huwag namang ngayong marami kaming makaka-avail in one night ha.
Kumapit sa akin si Lola kaya sinulyapan ko nalang siya at ngumiwi.
Binalik ko ang aking paningin sa kung saan kami tatama.
"Mag ingat ka doon, apo." Ano ba ito si Lola maaaksidente na kami chika pa rin siya ng chika pwede niya naman yun i-chika kanina ah.
At ano ba yung sinasabi niyang mag iingat ako? Sa langit? O sa impyerno?
Grabe naman siya, sino ba siya para sabihan ako niyan?
Siya ba si Mother Mary? Yung father? The son? Or the holy spirit?
Joke lang naman.
Kaya napasulyap nanaman ako sakanya.
Gulat na gulat ako nang pag sulyap ko ay wala na siya! Oh my god! Sabi ko na nga ba siya yung guardian angel ko eh!
Wait!!!!
Hindi!! Siya si kamatayan!!
Kasabay ng pagsisigaw ko sa aking isipan ay naririnig ko rin ang mga sigawan ng mga pasahero na tila ba takot na takot.
Natulala nalang ako sa aking kinatatayuan at hinigpitan ang hawak sa pole.
Hanggat sa maramdaman ko na ang pag tama ng mga bubog ng bus sa katawan ko.
Napabitaw ako sa hinahawakan ko.
Hanggang sa manlabo na ang aking paningin, napaupo ako at pilit na ginagalaw ang aking paa na naganan ng mga bagahi ng ibang pasahero.
Wala akong naririnig na alingawngaw mula sa mga kasamahan kong pasahero.
Tila nabibingi ako at walang humpay na pagtulo ng dugo mula sa aking ulo ang nakikita ko.
Napanganga nalamang ako nang makitang sasabog ang kabilang sasakyan na nabunggo ng bus.
Hanggang sa mahagilap ang bus na sinasakyan namin at tuluyan ng binalot ng kadiliman ang aking paningin...."Uhm, Miss? Miss?" Paulit-ulit na naririnig ko.
Napaangat ako nang tingin sa kung sino man ang kanina pang tumatawag sa akin.
"Sorry to bother your tulog but I have to sit here." Wala man sa wisyo ay tumayo nalang ako.
"Pasensya na." Nasabi ko nalamang. Hindi ko na narinig mga pinagsasabi niya.
Sino ba siya para pakinggan ko.
Bakit nga ba ako nandito sa library? Napatingin ako sa orasan ko.
Ala-una na ng hapon.
Tang--
LATE NA AKO!!!!
Mabilis akong kumaripas ng takbo at lumabas ng library ang sakit-sakit ng ulo na tila ba natama ito sa kung anong matigas na bagay.
"Patay nanaman ako nito sa propesor ko na palaging pinagsakluban ng mundo."
Inayos-ayos ko pa ang palda kong na gusot."O! Miss Salvador!" Nanlalaki ang mga mata ko at dahan-dahang lumingon sa loob ng library.
"Is this yours?"Lumapit siya sa akin pero para bang tumigil ang oras at ang ingay ng mundo ay tila mabibingi ka na lamang sa katahimikan at ayun hindi ko namalayang napatulala na ako sakanya.
Miss Salvador~
Miss Salvador~
Ang ganda naman ng apelyedo ko pag siya tumawag, paano kaya kung apelyedo niya gamitin ko? Maganda rin kaya?
"Uhmmm..." Muntik ng umalis ang kaluluwa ko sa gulat nang makita kong nandito na siya sa harapan ko.
"Nakalimutan mo ito lamesa." Ngumiwi ako at inagaw sakanya yung panyo kong may burda ng apelyedo ko.May sipon pa 'to. Kadiri. Nakakahiya naman sakanya.
"Salamat, Ginoong..." Patanong na sabi ko para malaman ang pangalan niya. Hehehe.
Tinitigan niya lang ako.
Napalunok ako nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Napa-atras ako nang umabante siya ng konti. Kinakabahan na ako sakanya. Ano kaya gagawin niya sa akin?
May nagawa ba akong mali?
"What are you doing?" Muntik pa akong mautal, buti nalang hindi ako pinanganak na duwag.
Umangat ang gilid ng labi niya na parang nakangisi.
"Bakit ngayon lang uli kita nakita?"
Pinagsasabi nito?"Sino ka ba?" Tanong ko na may konting kaba.
Na istatwa ako sa kinatatayuan ko nang hawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid at hinawi at biglang tumalikod.
"Matagal na kitang hinihintay." Nasabi niya pa bago ako nilisan.
Ha? Ano daw?
![](https://img.wattpad.com/cover/303293480-288-k508826.jpg)
BINABASA MO ANG
Baka Sa Susunod
RomanceThey both fall in love at the wrong time. They both sacrificed for each other. No villain, no third parties, just two love birds with their genuine feelings.