KABANATA 2

249 16 2
                                    

KABANATA 2

“Kayo na pong bahala sa kaniya, ‘nay Marsha. Tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan kayo.” Labag man sa kalooban ay kinailangang magpaalam ni Jennica sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Nakatanaw na hinihintay ko ang kaibigan sa tabi ng sasakyan na hinahalikan ang magkabilang pisngi ng mahigit isang taong gulang niyang anak. Sinubukan niyang patahanin ang bata na iyak nang iyak at tila ayaw na umalis ang ina. Naglilikot ito sa bisig ni nanay Marsha at pilit na sinusubukang abutin si Jennica.

“Stop crying na baby,” mahinang pagpapatahan ni Jennica sa anak. “Babalik naman si mommy, hmm? Bibisitahin ni mommy si Hope, okay?” malambing na suyo nito sa hindi matigil na pag-iyak at naglilikot ng anak.

“Tamah, Hup! Mimi tamah Hup! No mimi! Dun gu! Tamah ku tamah pwes!” bulol na munting hiyaw nito na nais sumama sa ina habang humihikbi.

“Hindi pa pwede, love. Tago muna ikaw ha? Aayusin muna ni mommy lahat ng problema niya tapos pwede na sumama si Hope ko.” Hinahaplos nito ang pisngi ng anak at sinusubukan patahaning muli.

What a heart melting sight to behold…

Napanguso ako  upang pigilan ang pagngiti dahil sa pakikipag-usap ng kaibigan sa anak nito. Imagine ang kaibigang mas masungit pa sa akin at napakahilig mang-asar ay may gano’ng side pala. She was baby talking her one year and 6 months old son na akala mo ay naiintidihan ng bata ang mga sinasabi niya.

Hindi mapiligilang tuluyang kumurba ang ngiti sa mga labi ko. Kaya siguro naging matalik na kaibagan ko ito ay dahil marami kaming pagkakapareho sa buhay. Tulad ko ay may mabigat rin itong kinikimkim.

But her life was way too complicated compared to mine. Unlike me, she’s more stronger and braver. She handled things smoothly despite everything. I have never saw her bend her knees down to anyone, as if it was made of thick steel. She’s unbreakable which made me admire her more.

Saksi ako sa masakit na pinagdaanan ng kaibigan pero ni minsan hindi ko nakitang tumulo ni isang butil man lang ng luha galing sa mga mata niya. Gano’n siya katapang.

Ngayon nakikita ko sa mismong harapan ko ang mahinang bersyon niya. Ika nga niya ‘he’s son is the only beautiful thing that happened in her life and she will protect him against her cruel world’.

Ilang sandali pa bago ko siya makitang naglalakad papalapit sa direksyon ko. Mukhang nagawa niyang mapatahan at mapapayag ang anak.

“Let’s go?” tanong ko nang makalapit ito.

Napabuntong hininga ito bago marahang tumango at naunang pumasok sa loob ng sasakyan. Kaagad akong umikot sa kabilang side ng sasakyan at pumasok na rin sa driver’s side. Napagkasunduan namin ni Jennica na ako muna ang magmamaneho ng sasakyan dahil siya naman ang nagmaneho kahapon.

Naging tahimik ang mahigit dalawang oras na biyahe namin ng kaibigan. Tulad ko ay tila may malalim rin itong iniisip. Sandaling naibaling ko ang tingin kay Jennica nang marinig ang pagbuntong hininga nito bago ko muling ibinaling ang tingin sa harap ng daan.

Hindi ko sinubukang mag-usisa at mas piniling bigyan na lamang ito ng katahimikan. I think that’s what we both need at the moment. May isa pa akong dapat problemahin at natitiyak kong may kalalagyan na naman ako sa ina!

Give Me Love Series 1: Breaking Her Wall (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon