KABANATA 3

197 13 0
                                    

KABANATA 3

Kung nakakamatay lang ang tingin paniguradong kanina pa akong nakabulagta sa kinatatayuan ko habang ang ina ay matalim ang mga matang tinitignan ako.

It was already past nine in the evening. Paakyat na ako kanina para pumasok at magpapahinga na sana sa silid nang ipinatawag ako ng ina. And looking at her right in front of me, mad and was about to throw a dagger towards me just strengthen my suspicion.

Mukhang nakaabot na sa kaniya ang ginawa ko. Mariing nakagat ko ang labi. I haven’t thought about that. Hindi ko na isip na baka makarating nga sa kaniya ang ginawa ko kay Mr. Delos Reyes. Ang akala kong ma-pride ay mukhang sinadyang magsumbong sa ina ko.

Napakislot ako sa kinatatayuan nang marahas itong bumuntong hininga bago inilihis ang mga mata mula sa pagkakatitig sa akin. Ibinaling nito ang mata sa mga dokumentong nasa harap na parang sa paraang iyon ay hindi niya tuluyang maibuga sa akin ang galit niya.

“I heard what you did to Mr. Delos Reyes,” pagkumpirma nito sa hinala ko bago ako muling tinapunan ng malamig na tingin. “Akala ko ba ay kukumbinsihin mo siya?”

“Someone gave him a better offer that’s why he dropped ours,” mahinang at diretsong paliwanag ko.

“Then, you should have done something to get him back! Hindi ‘yong kailangan mo gawin ang gano’n!” may pagtitimping bulyaw ng ina.

“Nakakaraming kapalpakan ka na, Ysabelle. Una iyong dalagang anak ni Madrid pinahiya at pinaiyak mo sa harap ng maraming tao. Sumunod iyong apo ni Durano binangasan mo kaya naospital. Iyong anak din ni Larugez, tapos ito na naman!”

Mariing pinag-isang guhit ko ang magkalapat na mga labi para pigilan ang sariling mapanguso. Gusto kong ipagtanggol ang sarili pero hindi ko maipagkailang sinadya ko nga ang mga iyon.

Kung hindi sana nauna ang anak ni Madrid ay hindi ko naman siya papatulan kaso ay talagang sumusobra na ang masamang ugali nito at nang dahil lang sa selos ay kung ano-anong kwento ang iniimbento. Nagkakalat pang kabit ako ng boyfriend niya, e sa hindi ko naman kilala sino ‘yon. At kung hindi naman mga manyak ang mga nahuli ay wala naman silang kalalagyan sa akin.

I mentally rolled my eyes in annoyance.

“Ano? Bakit hindi mo maipagtanggol ang sarili mo?” Muli ako nitong mariing binalingan. “Kailan ka ba gagawa ng tama, Ysabelle. Puro na lang kapalpakan ang inaatupag mo!”

“Makakahanap pa naman tayo ng ipapalit sa kaniya,” kabadong suhestyon ko.

Napalunok ako nang mas lalong nagbaga ang mata ng ina na nakatitig sa akin.

“Oo at makakahanap tayo pero hindi lang ‘yon ang kinagagalit ko.” Bumigat ang paghinga niya. “Kung ano-anong paninira ang pinagkakalat ng lalaking ‘yon. Hindi ka raw niya pinagbigyang maging boyfriend siya kaya nanakit ka. Ang walang hiyang iyon!”

Napupuot na napatayo ang ina sa kinauupuan at pabagsak na hinubad at ibinagsak sa ibabaw ng mesa ang reading glasses.

Napakuyom ako ng kamao. Talagang pilit na binabaliktad ng hudyo ang kwento para lang maisalba ang sarili mula sa kahihiyan!

“Sabihin mo nga sa akin, Ysabelle. Papaano ko ipagkakatiwala sayo ang kompanya, kung ganiyan ka kawalang kwenta?” Parang sinaksak ng makailang ulit ang puso ko dahil sa sinabi ina. “Baka ikaw pa ang magpabagsak nang tuluyan sa lahat ng pinaghirapan ng papa mo,” pahina nang pahina ang boses ng ina at nagbago maging ang matigas na ekspresyon sa pagmumukha nito.

Give Me Love Series 1: Breaking Her Wall (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon