Chapter 20

41 0 0
                                    

Third Person's POV






Napayuko naman si Shidley ng marinig ang bulyaw ni Jdex sa kanya. Napangiti naman siya.

"Alam ko na mahal na mahal mo si Anna. First love mo iyon eh. The one that got away, so sudden right? Pero matanong ko lang Dex. Paano naman ako?" sabay tumingin si Jdex sa kanya. Napatitig naman si Jdex sa kanya.

"Una, gusto lang naman kita at hindi ako nag hahangad na magustuhan mo rin ako. Ayos ng maging kaibigan mo pero ikaw 'tong nagpakita ng motibo. Then, sa harap ko at sa harap ng parents mo. Sinabi mong gusto mo ako. Ano ba talaga Dex?" tumutulo na ang mga luha ni Shidley.

Umiling naman si Jdex. "Hindi ko alam Shidley."

Kumunot ang noo nito. "Anong hindi mo alam?"

"HINDI KO ALAM!" bulyaw nito.

"SINABI MONG GUSTO MO AKO DEX, DIBA?"

"OO SINABI KO NGA." kinalma niya ang sarili niya. "At totoo yun. Pero ngayon, hindi ko na alam alin anf totoo Shidley. Naguguluhan ako."

"Saan?" takang tanong ni Shidley.

"Sa iyo, sa kay Anna, sa lahat, pati na sa feelings ko."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Shidley.

"Oo, comfortable ako saiyo. Nung minsan na napatitig ako sa mga mata mo. Ang nakikita ko ay si Anna." mas lalo namang tumulo ang luha ni Shidley.

"Kaya ngayon na alam ko na. Di ko alam kung sino talaga ang gusto ko. Kasi, oo gusto kita Shidley pero ang tanong ko sa sarili ko. Di kaya'y nagustuhan lang kita dahil nakikita ko si Anna sa iyo?" patanong na sabi nito. Pinipigilan lang ni Shidley na wag humagulgol.

"Gulong-gulo na ako Shidley. Gustong-gusto kung mag move on. Gustong-gusto ko ng makalimutan si Anna para hindi ako maging unfair sa iyo kasi,  ikaw. Vocal ka, sinasabi mo talaga sa akin ang nararamdaman mo. Kaya kita pinakilala sa mga magulang ko at kinilala ko rin ang mama mo dahil para na may katulong ako para malinawan ang nararamdaman ko para saiyo."

"Pero si Anna ang tingin mo sa akin?" tanong ni Shidley. Tumango naman si Jdex. Tumulo ang luha ni Shidley at pinunasan niya ito then tumayo siya.

"Ang unfair mo" umiiyak na sabi ni Shidley ng makaharap kay Jdex. "Pero narealize ko ngayon. Hindi pala kita matutulungan. Kahit sino hindi ka matutulungan. Kung ikaw mismo sa sarili mo ayaw mong tulungan." bumuntong hininga naman si Shidley.

"Gusto kita, gusto mo ako pero mahal mo parin siya. Dex, wag naman ganyan. Di lang ako ang nasasaktan mo. Nasasaktan mo rin si Anna. Sa tingin mo ba bakit siya nagpakita sa panaginip ko? Tingin ko, hindi pa siya nakakaalis kasi mahal ka rin niya at hindi niya kayang makitang ganyan ka. Hindi mo ba gustong maging maayos na siya? Ikaw ba, hindi mo ba gustong ayusin ang sarili mo? Kahit wag na para sa akin o kahit kanino, para lang sa sarili mo." Yumakap naman si Shidley kay Jdex.

"Isang gabing lang ng nawalan ka ng first love. Sobrang sakit yun pero tandaan mo Dex. Nawalan rin ako ng Hari sa buhay ko nung gabing iyon. Pero kinaya ko, kinaya namin ni Mama. Sana naman kayanin mo nang e-let go siya." Kumalas na siya sa yakap niya at hinawakan niya ang mukha ni Jdex.

"Walang sasaya kung walang magpaparaya." sabi ni Shidley habang nakatingin sa mga mata ni Jdex.

"Shid, I'm sorry." sakay ng pagtulo ng luha ni Jdex. Tumango naman si Shidley.

"It's okay, basta ayusin mo lang sarili mo ha. Tandaan mo rin, may parte si Anna na nasa akin na habang buhay pagkakaingatan ko. I love you sweetheart." sabay halik ni Shidley sa right cheek ni Jdex at tumakbo na siya palayo. Humangin ng malakas at biglang pumatak ang ulan kasabay ng pagpatay ng ilaw na nakasindi sa kandila.












 Eye Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon