CHAPTER 9

1.5K 62 22
                                    

CHAPTER 9

ASher was the one who pulled out first from the kiss they shared, walang naging imik si Arachna, parang lahat ng hiyang pansamantalang nawala ay unti-unting bumabalik, hindi niya alam kung paano magre-react! Nagmumukha na siyang hinog na kamatis dahil sa pamumula niya, shit!

Nanatiling nakayapos ang mga kamay ni Asher sa bewang niya, bahagya lang nitong niluwagan ang pagkakayakap para makita nito ang mukha niya, isang dangkal nalang ang pagitan ng kanilang mga mukha, di parin magkamayaw ang puso niya sa pagtibok, para siyang nabibingi sa pag pintig nito.

Asher looked at her earnestly, she can clearly see entrancement in the depth of his eyes.

"Babe?" Asher called her with so much sweetness on his voice.

"hmm?" Arachna hummed at him, she was once again caught off guard, ni wala siyang mahagilap na tamang sagot sa mga sinasabi ng kanyang asawa.

"I will not apologize for what I did, I liked it, and I can feel that you like it as well, kasi kung hindi, tinulak mo na sana ako, kaya hindi ako magso-sorry sayo."

Asher winked as he let her go from his hug, agad naman niyang pinukol ng masamang tingin ang lalaki.

"Confident much? You just caught me off guard. Nanghahalik ka nalang kasi bigla-bigla nang wala man lang pasabi!". She hissed at him pero tinawanan lang siya nito ng nakakaloko.

"Why babe? Should I ask your permission first before kissing you?" Asher asked teasingly.

Maka ilang beses siyang napakurap, Shit! Palagi nalang siya nitong naiisahan!

"Wala akong sinasabing ganyan, at pwedi ba? Huwag kang halik nang halik! Akala mo di ko napapansin na panay halik ka na saken? Baka di ako makapag pigil Asher, sikmura-in na talaga kita!"

Asher looked at her unbelievably, "Seriously? Wife, may I remind you that you need to bare a child para makuha mo ang mana mo? Paano naman tayo magkakaanak kung kahit halik mula saken ay hindi pwedi?"

Muntik na siyang masamid sa sariling laway sa sinabi ng lalaki, tama nga naman, papano sila magkakaanak kung ni halik nga ay aayaw siya?

"Ahh, basta! Wag kang manggugulat ng halik! Tsaka, ano, ahm.. bigyan mo pa ako ng panahon, kailangan ko ring e handa yung matris ko noh!"

Shit, gustong kutusan ni Arachna ang sarili, napaka walang kwenta naman kasi ang naging rason niya.

Hindi na niya tinignan ang naging reaksyon ng asawa at ibinalik niya nalang ang atensyon sa pagluluto. Nilihis niya narin ang usapan kasi wala naman siyang mae re-rebut sa asawa.

"Linisin mo nalang yang mga nagkalat na basag na itlog tsaka harina, e handa mo narin yung lamesa, this will be quick." She was referring about the pancake, mabilis lang naman kasi itong maluto.

Walang imik na sumunod lang si Asher sa mga pinapagawa niya, isa-isa nitong pinupulot ang balat ng itlog at kumuha ng basahan para linisin ang nagkalat na harina at laman ng itlog.

Isinalin na ni Arachna ang apat na pancakes sa dalawang plato, tig dalawa sila ni Asher, nagluto na rin siya ng sunny side up egg, tocino, at hot dog, in case na gustong kumain ni Asher non, nagsalin din siya ng kape sa dalawang tasa at inilapag lahat ng yon sa lamesa kung saan naghihintay ang asawa.

"Ngayong dito na ako nakatira sa bahay mo, hindi ka na pweding umalis papuntang trabaho nang hindi nag-aagahan, breakfast is the most important meal of the day kaya kahit konti lang ay kumain ka, nagluto narin ako ng sunny side up, hot dog tsaka tocino para may pagpilian ka naman."

Umupo siya sa katapat na upu-an ng asawa.

"Kain ka na."

Tumango naman ang asawa bago mabilis na nagsalin ng pagkain sa plato nito at mabilis na kumain, natawa nalang siya sa pagmamadali ng lalaki na para bang may aagaw ng pagkain nito.

Smitten with My Lesbian WifeWhere stories live. Discover now