DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. I don't plagiarize or copy other's work since I have my own mind and creativity.
READ AT YOUR OWN RISK
•••
A story of Apollo and Clytie. A story of a one-sided love for the God of Sun. An admiration that lasts a lifetime for Apollo.
I still see you in every sunrise and sunsets.
Clytie
•••
2,000
"Clytie! Sumilong ka muna dito at tirik na tirik pa ang araw ngayon," sabi ng kaibigan ni Clytie na si Danayah.
"Hindi ka ba napapaso diyan?" tanong ulit nito sa kaniya ngunit si Clytie ay nanatili lamang na pinapanood ang araw maghapon at hihintayin itong lumubog sa dagat.
Bumuntong-huminga si Clytie sabay tanim ang isang buto ng mirasol sa malawak na lupain na pagmamay-ari ni Apollo. Katabi niya si Danayah o mas kilala sa tawag na Nayah.
"Ako? Mapapaso? Sanay na aking balat sa sinag ng araw," sagot ko sa kaniya at umikot lang ang kaniyang mga mata. "Tirik na tirik ang araw, Clytie. Wala tayong kasama dito dahil mamaya pa ang simula ulit ng pagtatanim dito," saad nito at napalingon ako sa paligid at walang katao-tao.
"Clytie, tara na, mamaya na iyan," sabi niya sabay tayo at inunat ang kaniyang mga kamay. "Tatapusin ko lang ito, limang buto na lang at susunod na ako saiyo," sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa akin na may awa sa mga mata niya. "Clytie, kahit anong gawin mo diyan, mapapaso at mapapaso ka lang ni Apollo," sabi nito at tila may iba pang kahulugan.
"Clytie, balang-araw kagaya ng araw ang pagmamahal mo ay siya rin ang papaso sa iyo," dagdag pa niya sa akin at naubusan ako ng sasabihin dahil tama siya.
Napangiti ako ng mapait kasabay ng pagkirot ng kaniyang puso.
Sa pagmamahal ko pa lang para sa kaniya, matagal na akong napaso, ang kaibahan na lang ngayon ay sanay na ako. Nasanay na ang katawan ko sa sakit na dulo ng araw sa akin ngunit kapalit noon ay kaginhawaan na makita ko ang lalaking inaasam ng puso ko.
Si Apollo ay isang makisig na miyembro ng labin dalawang olympian at siya ay nakatalaga sa pangangalaga sa araw na siyang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga may buhay, ang araw.
Unang kita ko pa lang sa kaniya sa may merkado ay agad niyang nabihag ang puso kong suwail at maligalig. Isa akong anak ng mga magsasaka sa lupain ng labin-dalawang diyos at kagaya ng aking mga magulang pinili kong magtrabaho para sa kanila. Minsan ko lang nakita si Apollo at hindi na nasundan pa kaya't ganto na lamang ang pagtitiis ko sa init sa ilalim ng araw para masilayan ulit siya.
Unang araw ng pagkikita namin ay iyon din ang pagsambit niya ng mga katagang dumurog sa akin at sa buong pagkatao ko lalo na ang aking puso.
"Hindi kita gusto at magugustuhan, may iniibig akong iba at walang-wala ka sa kaniya," sambit ni Apollo sa akin. Nasaktan ng husto ang puso ko sa mga katagang ito pero pinilit kong intindihin ang sitwasyon niya.
Kamamatay lamang ng kaniyang kabiyak nung mga panahon na iyon kaya buong taon na umulan at hindi nagpakita ang araw sa amin. Natuwa ako nang makita kong sumilay ulit ang araw dahil sa palagay ko ay maayos na ang lagay ni Apollo ngunit bumalik lang pala siya sa serbisyo. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.
•••
Aware ba kayo sa story nina Apollo at Clytie?
• Due to Clytie's one sided love for Apollo as day goes by, she turned herself into sunflower who watches the sun all day.
I'll update it once I am done with Queen of Hell. Nandoon din si Clytie hihi. Thank you po! Sana support niyo rin sina Clytie at Apollo!
EDITED.
See you soon!
DYOSANIHADES69
2024
BINABASA MO ANG
Loving The Sun (ON-GOING)
RomanceQUEEN SERIES V Apollo and Clytie Apollo, the God of Sun. Let the unrequited love burns you like the sun rays. Read at your own risk