2,000
Tumigil ang karwahe sa patuloy na paglalakbay, nakalabas na kami sa black forest kung tawagin nila. Nagtataka akong tumingin kay Apollo na ngayon ay nakapikit ang mga mata.
"N-Nandito na ba tayo?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa labas ng bintana ngunit matatayog na damo at mga puno ang nakikita ko. "May nakikita ka bang arko?" tanong niya sa akin.
"Wala naman," sagot ko. Tinignan niya lamang ako at napailing kaya pigil na pigil ang pag-ikot ng mga mata ko. "I'll go out in a bit," sabi niya sa akin sabay bukas sa pinto ng karwahe.
Pinanood ko lang siyang pakalmahin ang sarili niya, nakatalikod ito sa akin at nakalagay sa bewang niya ang dalawang mga kamay nito saka malalim na bumubuntong-hininga.
Ano naman kaya ang problema ng isang ito? Tila may mabigat itong pinapasan sa kaniyang sarili. Kaya hindi ako nakatiis at lumabas din ako.
"Apollo, may problema ba?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako dito. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "I remember something, you should know how to defend yourself from the people in Mt. Olympus," sabi niya sa akin.
Kumunot ang aking noo. "Bakit? Ano bang meron sa kanila?" tanong ko rito.
"Alam nila kung saan ka nanggaling and you came from the family of peasants, Clytie. They don't respect a person who came from those families," sabi niya at tumingin siya sa akin.
Nasaktan ako sa sinabi niya at napatango na lang ako dahil naiintindihan ko ang sinasabi niya. May mga ganoong klase ng mga tao na mapagmataas at mapanlait.
"Pero ito ang masasabi ko sayo, Apollo. Hindi ko hahayaan na tapak-tapakan ako ng mga tao ninyo. Mahirap ako at lumaki akong mahirap pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi ako maging karespe-respeto," matigas kong sabi sa kaniya at napatango sa kaniya.
"That's good to know because I don't like a woman who can't stand for herself," sabi niya at nauna siyang bumalik sa karwahe niya.
Naiwan akong nakatayo at nakakuyom ang aking mga kamay. Pinuno ko ng sariwang hangin ang aking sarili bago ko napagpasyahan na bumalik na sa loob ng karwahe.
"Ang bango ng hangin dito," sabi ko at hindi ko tinapunan si Apollo ngunit hindi ito umimik. Nagsimula na ulit gumalaw ang karwahe.
"Matanong ko pala, ano ba ang dapat kong gawin sa palasyo mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wala kang ibang gagawin doon bukod sa maging katuwang ko sa lahat ng bagay, Clytie. And I need your logical mind at all times," sabi niya sabay turo sa ulo niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umirap sa kaniya. "Opo, Kamahalan," sabi ko at umismid pa.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay natatanaw ko na ang mga kabahayan at ilang mga tao.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang engrandeng arko na gawa sa ginto na kumikinang dahil sa sinag ng araw.
Welcome to Mt. Olympus
"Ang ganda dito," komento ko.
Tumitingin sa amin ang bawat tao na nandidito at tila bumubulong sila sa isa't isa. Hanggang sa dumaan kami sa merkado nila at tumitigil ang lahat.
"B-Bakit ganiyan sila makatingin? Hindi ba dapat sanay sila dahil dito kayo nakatira?" tanong ko kay Apollo na nakapikit lang at nakasandal sa may upuan niya.
Hindi siya umimik kaya tumayo ako at yumuko kaunti para tignan kung natutulog ba ito o sadyang hindi lang niya ako pinapansin. Iwinawagayway ko ang kamay ko sa mukha niya ngunit walang epekto.
BINABASA MO ANG
Loving The Sun (ON-GOING)
RomanceQUEEN SERIES V Apollo and Clytie Apollo, the God of Sun. Let the unrequited love burns you like the sun rays. Read at your own risk