THE TAMING AFFAIR BOOK 2 | CHAPTER TWO
THREE DAY GET-AWAY
LUCY
"Anong oras ka matatapos diyan?"
Sa totoo lang, nakakaramdam na ako ng iritasyon habang nag-iimpake ng mga gamit namin ni JD. Sige ako ng pagsusuksok sa maleta ng mga gamit niya. Pantalon, t-shirts, shorts. Boxer briefs. Pati ang alam kong paborito niyang pabango ay isiningit ko na doon. Sunod ko naman na inilagay ang mga gamit ko dahil sigurado naman na mas marami ang sa akin kumpara sa mga gamit niya.
"I still don't know." Damang-dama ko ang frustration sa boses ng asawa ko. "But I promise we will go. Sa airport na lang tayo magkita."
Napahinga ako ng malalim at itinigil ang ginagawa kong pag-iimpake at painis na naupo sa kama. Tiningnan ko ang plane tickets naming na nakapatong doon pati ang reservation namin sa hotel kung saan kami mag-i-stay sa Maldives.
"JD, sabihin mo na ngayon sa akin kung matutuloy tayo. Ayokong magmukhang tanga tapos mamuti ang mata ko kakahintay sa iyo sa airport." Pigil na pigil pa din ang inis ko.
"Matutuloy tayo. Hindi puwedeng hindi. Naka-leave na ako sa office. Kailangan ko lang talaga na personal na asikasuhin ang case na ito. We've been following this group since last year and this time, we have a lead where we can find their leader. Baby, please. I planned for this trip and I don't want this to get ruined." Halos padaing na sagot ni JD.
Hindi ako kumibo at talagang nagsisimula nang umusok ang ilong ko. Kung katulad pa rin ako ng dati, siguradong nabulyawan ko na si JD. Pero magmula nang maikasal kami, napakalaki na ng ipinagbago ko. Napakalaki ng naging impluwensiya niya sa akin kung paano maging mapagpasensiya at maging maintindihin.
"Baby. Babe. Come on. I promise I'll be there. I'll be there on time." Punong-puno ng kasiguraduhan ang boses niya.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Fine. Tapusin ko na lang itong iniimpake ko at hinihintay ko din sina Ferdie para sunduin si Luke. Saan ba 'yang mission n'yo?"
"This is classified. I can't tell you. I'm sorry."
"Kasama mo ba si Melissa?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Natawa si JD. "No. Mga team ko ang kasama ko dito and Melissa never goes on field missions. Huwag ka nang magselos doon. Hinding-hindi kita ipagpapalit doon."
"Siguraduhin mo lang, Carbonel 'yang mga sinasabi mo. Dahil ako mismo ang susugod sa iyo" Napahinga ako ng malalim. "All right. You take care, okay? I'll see you at the airport." Iyon na lang ang nasabi ko sa kawalan ng magagawa.
"I love you. I can't wait to have this trip with you." Sagot niya. Lumambing na ang boses.
"Tigilan mo na akong utuin. Sige na. I love you too," ngayon ay lumambot na ang boses ko at pinipigil ko na ang mapangiti. Kahit madalas sablay sa mga pangako niya ang lalaking ito, magaling pa din talagang patalunin ang puso ko.
Natatawa pa rin si JD hanggang sa maputol ang usapan namin. Napahinga na lang ako ng malalim at tiningnan ang telepono tapos ay pahagis na inilagay iyon sa kama. Itinuloy ko ang pag-iimpake ng mga gamit nang muling tumunog iyon. Nang tingnan ko ay unknown number ang lumalabas.
Alanganin ako na sagutin iyon dahil magmula nang maging mag-asawa ko JD, wala naman na akong ibang inaasahang tawag ng ibang tao. Bilang na bilang ang mga contacts na nasa telepono ko. Ang mga clients ko noon sa opisina ay nai-turnover ko na lahat sa kapatid ko na ngayon ay namamahala ng Oligario Cargo Services. Kung mga kaibigan ko naman, naka-save ang lahat ng number ng mga 'yon. Tapos number na ng mga biyenan ko at number ni Ferdie at ni Kleng and nandito sa telepono ko.
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 2 LUCY Being married with JD was not easy. Sure, it was heaven being in love with him but I wasn't informed that being married with an agent was like him having an affair on the side. I had to deal with that every day. I had t...