THE TAMING AFFAIR | CHAPTER FOUR
DRUNK SESSION
LUCY
Kanina pa nakalipad ang eroplanong dapat ay sasakyan namin ni JD pero narito lang ako at nakaupo at nakatingin sa paligid. Hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha ko habang tinitingnan kong may tumatawag sa akin.
Ibang number iyon kaya hindi ko sinasagot. Wala akong tiwala sa ibang numero na tumatawag sa akin. Pero maya-maya ay naka-receive ako ng text.
Babe, it's me. JD. I am sorry. I busted my phone. I am calling you please answer my call. Something came up. I am really sorry. We will take the next flight tomorrow.
Lalo akong napaiyak nang makita kong galing kay JD ang text. Maya-maya ay tumatawag na naman siya pero hindi ko kayang sagutin ang tawag niya. Hindi ko kayang marinig ang boses niya dahil talagang masisigawan ko lang siya. Napakaraming beses na niyang nangako sa akin na madalas naman ay hindi niya natutupad pero ang isang 'to, this was the worst.
I was so excited for this trip. I was excited to be with him na walang ibang iniisip at iniintindi kundi ako lang. Alam kong mahal ni JD ang trabaho niya pero bakit ganito? Bakit ngayon ipinaramdam niya sa akin na kahit anong mangyari, lagi akong pangalawa sa buhay niya. Ang agency, ang trabaho niya ang laging mauuna para sa kanya.
Mabilis kong pinahid ang luha ko at nag-text sa number na ginagamit in JD.
Don't bother. I am okay. Do your work.
Iyon na lang ang ni-reply ko sa kanya kahit ang sama-sama ng loob ko. Napayuko pa ako at napahagulgol ng sobra habang nakatingin sa telepono ko. Alam kong tatawag uli si JD sa akin kaya ini-off ko na ang telepono. Sa ngayon, ayaw ko na muna siyang makausap. Ayaw ko siyang makita dahil talagang baka mauwi lang kami sa hiwalayan. I am so pissed at him. I am hating him.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pilit na inayos ang sarili. May ilang mga tao na rin ang nakatingin sa akin kaya tumayo na ako at tinungo ang exit. Deretso ako sa labas at nagpa-book ng masasakyan. Hindi naman ako nagpahatid pauwi. Ayaw kong umuwi. Bahala na kung saan ako mapadpad basta ang gusto ko, malayo muna ako sa kahit na anong magpapaalala sa akin kay JD.
Ipina-deretso ko sa isang bar ang sinasakyan ko. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang nagsasabay-sabay na pagkukuwentuhan ng mga tao doon. Lumilikha ng ingay. Pinili ko ang isang sulok para hindi ako maistorbo at umorder ako ng alak. Kahit ano basta gusto ko ng bagay na makakapag-pamanhid sa akin. Sinimulan kong i-text ang mga kaibigan ko. Kailangan ko na ng kahit sinong makakausap. Baka kung ano lang ang magawa ko ngayon.
Hindi ko naman inaasahan ang mga kaibigan ko na maging available sa akin sa oras na kailangan ko sila. May mga sarili na ring buhay ang mga iyon. Mga pamilyado na. At ayaw ko rin naman na ibunton sa kanila ang negativity na nararamdaman ko. Ayaw ko rin na malaman nila ang nangyayari sa amin ni JD. As much as possible, gusto kong private ang relationship namin ni JD at kung may problema man kami, kaming dalawa lang ang makakaalam. Kaming dalawa ang mag-aayos. Pero hindi ngayong gabi. Ang sama-sama ng loob ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Kailangan ko ng mapaghihingahan ng sama ng loob.
Sa lahat ng kaibigan kong pinadalhan ng message ay si Eula lang ang sumagot. Tumawag pa nga at siguro narinig niyang umiiyak ako kaya sinabi niyang pupuntahan niya ako kung nasaan man ako pagkagaling niya sa clinic niya. Lalo akong napaiyak. I was so thankful for her. Hindi pa nga niya alam kung nasaan ako pero pupunta siya. Kahit na busy siya sa trabaho bilang OB, may time siyang puntahan ako dahil ngumangalngal ako. I wish Jas was here too. Kasi siguradong susugod din iyon dito kung malaman na may ganitong problema ako.
BINABASA MO ANG
THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)
RomanceTHE TAMING AFFAIR BOOK 2 LUCY Being married with JD was not easy. Sure, it was heaven being in love with him but I wasn't informed that being married with an agent was like him having an affair on the side. I had to deal with that every day. I had t...