Prologue

0 0 0
                                    

Naalala ko dati nung nanliligaw ka palang.
Isa sa nagustuhan ko sayo yung pagiging mabait mo.

Naalala mo ba nung mag barkada pa lang tayo?

Ikaw yung pinakang mapag biro sa lahat
Ikaw yung pomoprotekta samin na babae
Ikaw din yung unang nangungulit

Naalala mo pa ba? Nung time na lasing na ko
Nag papahinga ako sa tricycle.
Tapos inaalog mo yung tricycle para magising ako haha
Nag susuka pa ko nun kasi nahilo ako sa pag alog mo haha

Naalala mo din ba? Nung panahong nag iinom tayo sa bar?
Nung inabot tayo ng madaling araw tapos nag sasayaw ka
Nag bubudots ka to be exact haha

Tapos naalala mo ba? Nung may nang bastos samin sa bar?
Ikaw yung hindi umalis sa tabi namin ng ate ko.
Hinatid mo pa kami sa bahay para lang makasiguradong safe kami.

After noon super thankful ako sayo kaya nag chat ako sa socmed mo.

Hanggang sa inaya mo ko kumain sa labas hahaha sabi mo pa nga friendly date lang

Tho strict ang parents ko kaya hindi ako pumayag kasi hindi din naman nila ako papayagan umalis ng mag isa lalo at gabi na haha

Pero ikaw pinilit mo ko. Imagine! Haha Simula 7pm hanggang 10pm kinukulit mo ko.

Pumayag naman ako HAHAHAHA pero syempre kasama yung pamangkin ko para payagan din ako ng magulang ko.

After nun nasundan ulit inaya niyo ako ng ate ko mag inom

Ginising pa ko ni ate para lang sabihing nag aakit ka

Kaya lumabas ako ng naka jersey na sando lamig na lamig ako nun tas ayan ka nag abot ng jacket sakin haha

After almost 2 months na panliligaw sinagot kita

At first sobrang saya natin.
Dumating sa point na tumatakas ako sa bahay para makasama ka.

After 5 years..

Eto tayo ngayon mag katabi sa kama pero parang napaka layo sa isat isa

Nag umpisa ka ng manlamig

Sa tuwing yayakap ako sayo umiiwas ka na para bang meron akong nakaka hawang sakit

Dati ako priority mo..

Ngayon ako yung nasa huli..

Sana lahat umpisa nalang

Nakakapagod

Dati pangarap ko ang makasama ka sa iisang bahay

Naalala mo? Nung unang beses tayong mag katabi sa iisang kama

May Anxiety at Insomia ako at alam mo yun

Pero sa tuwing mag katabi tayo dati sa bisig mo mahimbing ang mga tulog ko.

Pero ngayon eto gising akong mag isa dahil inaatake ako ng anxiety ko.

Habang ikaw eto tinigtignan ko kung paano mo ko nahahayaang ganto.

Hanggang kailan tayo ganto?

Napaka raming tumatakbo sa isip ko,

"Mahal mo pa ba ko?" Salitang paulit ulit sa utak ko pero hindi ko masabi sayo

Marahil natatakot akong sabihin mo na "HINDI NA"

Ang hirap lang na hindi ko na makita yung dating tayo

Yung pag trato mo sakin nung una

Pinaramdam mo sakin kung pano maging masaya

Pero bakit ngayon ikaw din nag paparamdam kung pano maging malungkot?

Paano nga ba tayo napunta sa ganto?

Dapat ba tayong mag pahinga?

Para malaman ang halaga ng isat isa?

Baka sakaling mabalik ang dati.

Na sana HINDI nalang kita NAKILALA.

Ikaw ang bumuo sakin.

Ngunit sa hindi inaasahan na ikaw din pala ang wawasak.

Unknown Love StoryWhere stories live. Discover now