VII. NAGBABAGANG PAGNANASA

36 4 0
                                    


EURYALE'S POV

PAGPASOK ko sa classroom, nakita ko si Parsley na inaayos yung mga nakolekta niyang goods.

"Good morning!" nakangiti niyang bati sakin.

Ngumiti din naman ako nang sobrang saglit tapos pumunta nako sa likod nang room sa upuan ko.

"Ang sungit mo naman ang aga aga." Bulong ni Beannie sakin. "Tulungan mo kaya siya?!"

"Bakit ko naman siya tutulungan?"

"Dahil nakakaawa siya, diba naiyak na nga siya kahapon?!"

"Bakit ba akong kinukulit mo? Hindi naman ako nangpapahirap sa buhay niya."

"Kasi ikaw lang naman yung pwede kong kulitin tungkol dun, alangan namang kausapin ko yung mga kaklase niya edi nagkagulo dito?! At ikaw lang din ang may kakayahan na tulungan siya. Kung kaya ko lang ako na gagawa e."

"Huh.. fine, tutulungan ko na siya." Para tigilan nako ni Beannie, nilapitan ko na si Parsley. "Ano bang kailangan gawin sa mga yan?" Tanong ko.

Lumiwanag ang muka ng Class President namin at abot tenga ang ngiti niya. "Ah, hahati-hatiin lang 'to, tapos babalutin nitong foil."

"Sige."

"Salamat." Sabi niya saka isa-isang inabot sakin yung mga delata, noodles at iba pa. Binalot ko yun sa mga plastic na foil na hinanda na niya kanina.

"Yan, okay na?" tanong ko nung naibalot ko na sa tatlong foil lahat ng goods.

"Oo, ok na. Salamat."

"Wag ka nang magpasalamat. Ginawa ko lang 'to dahil kinukulit ako ni Beannie na tulungan ka."

"Hm, ganun ba?" tanong niya saka naglaho yung saya sa mukha niya. na-guilty naman ako. Pero yun naman talaga yung totoo. "Kasama mo ba siya ngayon?"

"Oo nandito ako." Si Beannie na yung sumagot habang nakasilip sa bulsa nang jacket ko.

"Beannie, baka may makakita sayo." Saway ko at pilit siyang ibinalik sa loob ng taguan niya.

Lumapit naman si Parsley at bumulong. "Salamat Beannie." Sobrang lapit niya na hindi ko na naiwasang maamoy yung pabango niya. amoy bulaklak siya na nagpa-alala sakin nang kapayapaan sa Madias.

Napatitig nalang tuloy ako sa kanya. At kahit papano, nakaramdam ako nang saya dahil hindi siya natatakot samin ni Beannie kahit nalaman na niya kung ano talaga kami.

"Ahm, Euryale." Sabi niya saka tumingin sakin. "Pasensya kana, pero, pwede pa ba kong manghingi ng tulong sayo?"

Hindi ako sumagot. Hindi ba parang inaabuso na niya yung pagkakataon? Napatitig nanaman ako sa malungkot niyang mukha. Napahinga na lang ako nang malalim. Nakakaawa ang itsura niya. "Ano yun?" tanong ko.

"Ahm, magpapatulong lang sana ko mamayang break para ilagay 'tong mga 'to sa faculty room, sa table ni Ma'am Reyes."

"Sige."

Pagkatapos ng dalawang subject, breaktime na at gaya nang pangako ko, tinulungan ko siyang dalhin yung Mass offerings.

"Pasensya ka na ah. Promise, pagkatapos nito hindi na kita iistorbohin." Sabi niya habang naglalakad kami sa hallway.

Hindi ako sumagot. Kino-konsenya niya ba ko?

"Yung Faculty pala, bago tayo makapunta dun, madadaanan natin yung office ni Ma'am Ingrid kaya masisilip niyo din siya." Sabi niya at ramdam ko yung concern niya sa misyon ko.

Pero hindi ko naman kailangan ng tulong niya pero maganda rin na binibigyan niya ko ng mga impormasyon, dahil dun mas mapapadali ang trabaho ko.

"Nalibot mo na ba 'tong school? Pwede kitang ilibot kung gusto mo."

ALAALA: The Chronicles of Azrael Euryale (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon