Pansamantala

6 2 0
                                    

Pansamantala, pwede bang ika'y makasama
Kahit isang minuto lamang kung maari ba
Gusto kitang mayakap at makita
Pagbigyan mo na ako, aking sinta.

Pansamantala, pwede bang ika'y makausap
Nais lamang na ika'y makamusta
Ang takbo ng araw mo'y maayos lang ba
O kung ito'y masama, sa akin ay magsabi ka

Pansamantala, pwede mo akong gawin unan
Sandalan mo sa kasiyahan at kalungkutan
Ako'y nandito lang kung iyong kailangan
Agad, ako'y papariyan

Pansamantala, pwede mo akong gawing panyo
Mga luha mo'y aking itutuyo
Umiyak ka kung iyong gusto dahil pangako
Ako ay palaging naririto para sa 'yo

Pero...

Pansamantala, pwede mo bang kalimutang magkaibigan tayo?
Malapit ka ngunit bakit parang ika'y nasa malayo
Tanaw kitang sumisilay ang ngiti sa iba
Pagbigyan mo na ako aking sinta, kahit ngayon lamang...

Pansamantala, pwede bang tayong dal'wa ay iisa?

— pansamantala | i.i.

Chaotic Mind's Dosage Of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon