⚡︎𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 24⚡︎ ||Bonding ft. Celebration||

904 12 0
                                    

‼️ᵀʸᵖᵒ ᵃⁿᵈ ᴳʳᵃᵐᵐᵃᵗⁱᶜᵃˡ ᴱʳʳᵒʳˢ ᴬʰᵉᵃᵈ‼️

"LET'S CELEBRATE!"Sabay na Sigaw ni Ayeng at Sheya kaya napatawa kami

"Congrats Lander"Sabi ni Terrence Kay Lander at Umapir pa Kay Lander

"Pinayagan pa nga lang manligaw eh di pa naman sinagot"Sabi ni Ivan

"Alam mo Ivan maghanap kana din kasi ng jojowain hindi yung panira ka"Sabi ni Terrence at binatukan siya kaya tumawa kami dahil hindi maipinta ang Mukha nito

"HAHAHAH tara Kain na Tayo"Sabi ni Ayeng habang natawa kaya lumapit na kami sa lamesa nakahanda na din ang mga pagkain

"Bakit di ko kayo nakita kanina?"tanong ko Kela Ivan, Terrence,Sheya at Ayeng

"Syempre nagtago kami"Sabi ni Ayeng

"Kasama ata kami nagplano nito"dagdag pa ni Sheya

"So ako lang walang alam?"tanong ni Terrence at nag pout

"Wag ka nga mag pout Mukha kang Pato na sunog"Sabi ni Ayeng na may pandidiri sa Mukha

"Grabe ka"Sabi ni Terrence

"Baka kayo magkatuluyan niyan ah"sabay na Sabi ng magpinsan na sila Sheya at Ivan

"Over my gorgeous face and Sexy body"Sabi ni Ayeng

"Asus! Pasabi-sabi ka pa niyan crush mo naman ako"Sabi naman ni Terrence kaya agad siyang binatukan ni Ayeng kaya tawa kami ng tawa

"Tama na yan HAHAHA kumain na tayo mamaya mauwi pa yan sa away"Tumatawang sabi ni Sheya

"Oo nga!gutom na ako"Sabi naman ni Ivan

"Ok let's eat"Sabi ni Lander at sinandukan ako ng pagkain kaya napangiti ako

"WAG PDA!"Sabay na Sigaw ng apat kaya sinamaan sila ng tingin ni Lander dahilan para itikom nila ang mga bibig nila kaya napatawa ako nung kumain nalang sila ng tahimik kaya kumain na din ako ganun din si Lander

"Woah nabusog ako dun ah"Sabi ni Terrence

"Me too"

"Me three"

"Me four"sunod sunod na sabi ng Tatlo

"How about you Baby?Are you full?"Tanong ni Lander sa akin habang nakatingin tumango naman ako sa kaniya

Sabay naman kami napalingon ng marinig namen na may Umubo

"Water */Cough"umuubo na sabi ni Ayeng kaya agad siyang inabutan ni Ivan ng Tubig

"Ayos ka lang Ayeng?"tanong ko tumango naman siya

"Are you sure?"tanong din ni Lander

"Ayos lang ako Nasamid lang"Sabi ni Ayeng Pagkatapos inom ng tubig

"Desurv"Biglang sabi ni Terrence kaya agad siyang binalingan ng nakamamatay na tingin ni Ayeng habang may hawak itong tinidor nakita naman namen na napalunok si Terrence

"I mean d-desurv ni L-Lander na payagan siya ni Liyah na m-manligaw"namumutla at nagkakanda utal utal na sabi ni Terrence sabay inom ng tubig kaya napatawa kami

"Takot AHAHAHA"Tumatawang sabi ni Ivan

"Desurv pala ah"tumatawa din na sabi ni Sheya

Sinamaan naman ni Terrence ng tingin ang magpinsan pero tuloy pa rin ang Dalawa sa pag tawa

"Mag pinsan nga parehas baliw"Sabi ni Terrence kaya napatingin kami sa kaniya

"Bakit kayo Ganyan makatingin?"nagtataka na tanong ni Terrence Kela Sheya at Ivan

Agad naman siya napahawak sa bibig

"Napalakas ba?"tanong niya sa amin sabay naman kami nila Lander,Ayeng,Ivan at Sheya na tumango

Napakamot naman siya sa batok niya at nag peace sign sa magpinsan na masama ang tingin sa kaniya

"BALIW PALA AH!"Sigaw ng mag pinsan nang magsimulang tumakbo si Terrence na agad naman ng mag pinsan na hinabol habang kami nila Ayeng at Lander naka upo lang habang natawa

"This is the happiest day in my whole life"Biglang sabi ni Lander habang nakatingin sa apat na naghahabulan.Oo, apat na sila dahil nakisali na din sa Ayeng

"Me too"Sabi ko habang nakatingin din sa apat na naghahabulan naramdaman ko naman na tumingin sa akin si Lander kaya napatingin din ako sa kaniya na nakangiti sa akin kaya nginitian ko din siya

"Sali kayo"hinihingal na Sabi ni Sheya ng makalapit sa amin

"Bawal ako"Sabi ko at kumamot sa batok

"Oo nga pala buntis ka Sayang ang saya pa naman"hinihingal pa rin niya na Sabi

"SHEYA SA LIKOD!"Sigaw ni Ayeng habang natakbo

Napatingin naman si Sheya sa Likod niya at ng makita niya si Terrence na natakbo palapit dito agad siya nagpaalam sa amin ni Lander tumango naman kami kaya tumakbo na siya palayo

"KAYO NAMAN TAYA LAGI NALANG AKO!"Sigaw ni Terrence sa Tatlo na natakbo

"HAHAHAHA BAGAL MO KASI TUMAKBO PARA KANG PAGONG!"Sigaw pabalik ni Ivan habang natawa

"BILIS HABOL NA!"Sigaw din ni Ayeng na panay tawa

"YUHOO!"Sigaw din ni Sheya

Kaya tawa kami ng tawa ni Lander

"AYAW KO NA ANG DUGA NIYO!"Sigaw ni Terrence at nag pout

"Don't pout you look like a duck"Sabi ni Lander sa kaniya at Tumawa

Sh*t labas dimple niya

"Ang sama niyo sa akin"Sabi niya na kunwari nagtatampo

"HAHAHAHA"Sabay na tawa nameng Lima dahilan para malukot ang Mukha ni Terrence

"Wag ka ng magtampo walang susuyo sayo"Sabi ni Ivan kay Terrence dahilan para lalo kaming humalakhak

"Tama na yan kawawa naman si Kuya Terrence"Sabi ni Sheya na nagpipigil ng tawa kaya tumigil nalang kami sa pagtawa at umupo nalang sa gilid

ONS with Mr.Stranger (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon