☄︎||𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿||☄︎

1.3K 17 34
                                    

🍁 Ayeng Pov 🍁

||Flashback||

Andito ako ngayon sa mansion namin nanonood ng tv

30 minutes na nakalipas ng makaalis si Liyah papunta sa US

Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko dahil kukuha sana ako ng pagkain kasi commercial pa nmn ng mapahinto ako dahil sa Balita

"Eroplanong papunta sa US sa nag-crash"

Balita kaya napalingon ako sa TV

"11 Patay habang 35 naman ang sugatan.Kabilang sa 11 namatay si Alliyah Tanya Velasquez,anak ng Isang business tycoon na si James Velasquez at Liyanah Velasquez.Ayon sa business tycoon  nasa Morgue na ang labi ng anak nito Labis naman ang paghihinagpis ng Mag-asawa dahil sa pagkawala ng nag-iisa nilang anak"

Nakatulala lang ako dahil di ma-process sa utak ko yung Balita

"AYENG!"Sigaw Mula sa pinto ng mansion namin na nagpabalik sa akin sa Ulirat at nag process sa akin ang mga nangyari

"Alam mo na pala?"Tanong ni Sheya habang nakatingin sa TV

Tumango naman ako

"Halika Sheya pupunta tayo sa Hospital"Sabi ko at hinila siya

Nagpahila naman siya

Pagdating namin sa tapat ng kotse ko agad ko siyang hinila papasok at umikot agad ako sa driver seat at pinaharurot ito papunta sa Hospital

@Hospital

"Tita/Tito"tawag namin kela Tita Liyanah at Tito James ng Makita namin Ito sa labas ng pinto ng morgue na naiyak

"Sheya,Ayeng Patay na ang anak ko"umiiyak na Sabi ni Tita Liyanah

Agad naman tumulo ang luha namin ni Sheya at sabay kami na pumasok sa Morgue

Doon ko nakita ang kaibigan ko na isa ng malamig na Bangkay

Napahagulhol naman kami ni Sheya

"Liyah bakit mo kami iniwan?"humahagulhol na tanong ni Sheya

"Liyah ang duga mo naman eh"umiiyak kong Sabi at niyakap ang malamig niyang bangkay

"Ayeng!"rinig kong tawag sa akin agad naman akong napalingon dun

Nakita ko si Terrence at Ivan kasama si Lander at Yarah na nakatayo sa may Pinto

"Terrence"umiiyak kong sabi

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako

"Yung kaibigan ko"humahagulhol kong Sabi

"Shhh"pagpapatahan ni Ivan kay Sheya

"Kuya"umiiyak na tawag ni Sheya

Iyak lang kami ni Sheya ng Iyak habang si Lander naman at nakatingin sa malamig na bangkay ni Liyah habang natulo ang mga Luha nito niyakap naman siya ni Yarah

||End of Flashback||

"Isang taon,Isang taon na Mula ng mawala ka sa mundong ito"Bulong ko habang hawak ang Lapida ni Liyah

"Miss na miss ka na namin"Sabi ni Sheya at hinawakan din ang Lapida ni Liyah

Andito kami ngayon sa Sementeryo because it's Liyah Death Anniversary

"Tignan mo oh,may dala kaming paborito mo"Sabi ko

"Kain na tayo"Aya sa amin ni Ivan

Tumango naman kami at umupo sa nilatag ni Terrence na tela

Naisipan din ni Tita at Tito na ipagtabi nalang libingan ni Liyah at ang baby niya

Habang nakain kami nila Terrence, Ivan,Sheya at Ako

Napatingin kami sa naglapag ng bulaklak sa puntod ni Liyah at ng baby niya kaya agad kaming napatingin dun

Nakita namin si Lander kasama si Yarah habang bitbit ang baby nila

"Bless ka sa maganda mong ninang"Sabi ko sa Anak nila Yarah at Lander na si Baby Liyarah at dinikit ang likod ng palad ko sa Noo nito

"Wag kang maniwala jan ako ang Maganda mong ninang"Sabi ni Sheya kay Baby Liyarah

Napatawa naman sila Yarah,Lander, Terrence at Ivan

"Kain"Aya ni Terrence Kela Yarah

Umupo naman sila at kumain

Napatingin naman ako Kay Yarah at napangiti nagbago na si Yarah sobrang bait na nito nagsorry siya sa akin nun yung sincere agad naman namin na pinatawad dahil alam namin na ayaw ni Liyah na may kaaway kami kahit pa may nagawa itong Kasalanan sa kaniya man or sa amin

"Tara Selfie"Aya ni Ivan at nilabas ang CP niya na may Selfie Stick Pagkatapos namin Kain

Agad naman kaming tumayo sa harap ng puntod ni Liyah at ng baby niya tsaka doon nag selfie

"Muntanga ka Terrence ang pangit mo"Tumatawang sabi ni Ivan ng Makita yung Picture ni Terrence na naka Pout

Agad naman siyang tumakbo nang Makita ang Inis na Mukha ni Terrence

Habulan lang sila ng habulan habang kami natawang nanonood sa kanila mga isip bata talaga

ONS WITH MR.STRANGER is already SIGNING OFF

End...

A/N:This is the Last Part of my Story...Kung may gusto kayong itanong i-comment niyo lang or kung may sasabihin kayo about sa story ko kahit ano pa yan,Kahit na hate comments ok lang di ako magagalit or maiinis dahil yung mga hate comments yung gagawin kong inspiration na pagbutihin ang pagsusulat ko

PAALALA:Ginawa ko ang story na ito dahil sa bored ako kaya kung inaasahan niyo na maganda ito nagkakamali po kayo HAHAHAH

Date started:February 15,2022
Date ended:March 10,2022

ONS with Mr.Stranger (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon