Chapter 1 : Leave and Marry

83 12 2
                                    

CHAPTER 1: LEAVE AND MARRY

"I'm sorry hija, pero may nakuha na kaming mas-uhm...kung nauna kalang siguro baka naconsider pa kita,"tuluyan nang pinagsarahan ng gate si Sabrina.

Gusto man niyang ngumiwi dahil sa huling sinabi nito ay napabuntong-hininga nalang siyang naglakad papalayo sa bahay na iyon.

Nauna? naconsider?

Gusto niyang isipin na hindi naman talaga 'yon ang dahilan.

Kung bakit hindi siya lagi natatanggap bilang katulong manlang sa pinag-aaplyan niya ay 'yon ay dahil mukha na siyang manang sa edad niyang iyon.

Marami nang nagkakaroon ng maling akala sa edad niya. Mukha na raw siyang trenta samantalang bayte-tres anyos pa lamang siya.

Diresto lang ang tingin niya sa daan ng magring ang cellphone niya. Napabuntong-hininga niyang kinuha ito at sinagot.

"Beshie kumusta? natanggap ka na ba?"tipid siyang napangiti dahil sa lakas ng enerhiya na dala ng bestfriend niyang si Aimee.

Pero daglian ding napasimangot dahil sa balitang sasabihin niya.

"Nahuli daw ako, kung napaaga ang pagdating ko baka naconsider pa raw nila ang application ko." Nanlulumong sumbong niya.

"Ano?!!!" Nakatabingi niyang inilayo ang cellphone dahil sa lakas ng boses nito.

Pakiramdam niya pati ututule niya sa tainga ay nilipad din.

"Eh 'di ba sabi ikaw na raw?'wag mong sabihing kahit kinontact ka na ay pumili parin sila ng iba?!" Duda siya sa sinabi ni Aimee.

Alam niyang wala pang nakuha ang employer niya 'sana'. Marahil no'ng makita na siya sa personal ay nag-iba ang isip nito at nagpalusot nalang.

'Yon kasi lagi ang nangyayari tuwing darating na siya para sa unang trabaho.

Tuloy pati ang konting pamasahe ay nasasayang. Wala naman siyang magagawa kahit magpumilit  pa siya.

Hindi niya maintindihan kung anong mayro'n sa itsura niya at nahihirapan na ang mga taong pagkatiwalaan siya.

"Beshie..."nasa hina narin ng tono niya ang pagdududa sa sarili.

"Pangit na ba'ko?" Nangingilid ang luhang tanong niya.

Ilang segundo muna bago sumagot ang kaibigan.

"Oo, pero mas pangit naman sila kaya okay lang 'yon." Naurong ang pagtulo ng luha niya.

Hindi niya alam kung magpapagaan ba 'yon ng kalooban niya o mas lalong magpapaba sa katiting na self-esteem niya sa sarili.

"Sana nagsinungaling ka nalang kahit ngayong araw lang, baka maisipan ko nang tumalon dito sa tulay,"aniya habang nakatingin sa tulay na dinadaanan niya.

"Woy!'wag mo nga akong tinatakot bruha ka! gusto mo pang unahan si Lolo Gil?magtigil ka!" Nasira na naman ang pagtatantrums niya at wala sa loob na ngumuso.

"Paano ako makakatulong kung kahit simpleng trabaho ay hindi ako matanggap-tanggap?kung maghostess nalang kaya ako sa Angeles?" Nahihibang na siya dahil sa kagagahang nasa isip.

"Jusko Sabrina! ano bang pinagsasabi mo d'yan?!'wag mong isipin ang mga sinasabi ng mga nangrereject sa'yo! binabalak mo pang maghostess eh baka nga mas matakot ang mga customer sa'yo!ayusin mo kasi 'yang itsura mo!ni hindi ka naglilipstick!kahit polbos tinitipid mo pa!"ayon na naman ang panenermon nito sa kan'ya. Mas lalo siyang napanguso.

Wala naman talaga sa balak niya ang mga sinasabi gusto lang niyang maiba ang ihip ng hangin at mapalitan kung ano ang iniisip niya. Nasa utak niya parin kasi ang rejection na natanggap kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Right Mistake (Mistaken Series #02)Where stories live. Discover now