Prologue

22 3 0
                                    

Prologue

"Pa! Please po! 'wag na po kayo umalis!sige na papa! dito nalang po kayo!" Paulit-ulit na pagmamakaawa ng pitong-taong gulang na babae sa kaniyang ama.

Saglita na natigilan ang ama 'saka nakaluhod na hinarap si Sabrina.

Malulungkot ang mga nitong tumitig sa kan'ya at pinahiran ang basang-basa na n'yang pisnge.

"Shhh." Paulit-ulit na pagpapatahan nito pero hindi siya tumigil sa pagsinghot.

"Hindi na po kayo aalis?" Namumula ang ilong at namamaga na ang mata'ng tanong niya.

Magkakasunod itong umiling at hinalikan siya sa noo. 'Yon lang at muli na naman nitong dinala ang malaking bag dala ang mga damit nito at umalis.

"Pa!!!" Sigaw niya na hinabol ito hanggang sa pintuan nila pero mabilis siyang hinila pabalik ng kaniyang ina.

"Sabrina anak, hayaan mo siya." Naluluha siyang niyakap ng ina.

"Ma...bakit n'yo po hinayaan si papa?bakit hindi n'ya tayo sinama?ayaw n'ya na po ba sa 'tin?" Puno ng lungkot at pagdududa niyang tanong.

Magkakasunod na umiling ang kaniyang ina 'saka siya hinawakan sa pisnge.

"Hindi anak, mahal na mahal tayo ng papa mo." Puno ng sensiridad nitong sagot bagama't naluluha rin katulad niya.

Suminghot siya at tumingin sa mga mata ng ina. "Eh bakit po siya umalis?" Hindi niya maialis sa isip ang katanungan'g iyon.

Bakit nga ba?kung mahal n'ya kami bakit siya aalis?

"Hayaan nating mahanap ng papa mo ang sarili niya." Alam niyang malungkot ang ina pero hindi niya kayang tanggapin na ayos lang rito na umalis ang kan'yang papa.

Nakanguso niyang nilingon ang pinaglabasan ng kan'yang ama.

"Bakit po?hindi po ba s'ya 'yon?asan po 'yong sarili n'ya?"inosente niyang tiningnan ulit ang ina na tipid na ngumiti.

"Sino na po ang maghahatid sa 'kin sa school? Sino na po ang magkakarga sa 'kin para manood sa amusement park? Sino na po ang makikipaglaro sa 'kin? At sino na po ang magluluto ng pinakbet na may pusit sa 'tin? Mama sino na po ang mag-alalaga sa inyo?" Sunod-sunod n'yang tanong.

Nakita niya ang mas lalong pagluha ng kan'yang ina 'saka ito tumingin sa likuran n'ya.

Hindi siya nito sinagot kaya sinundan niya ang tingin nito sa kan'yang likuran.

"Lolo?"gulat niyang sambit. Hindi niya nagawang salubungin ito ng yakap dahil nalulungkot siya ng sobra.

"How are you apo?"nakangiting tanong nito na nilapitan siya at niyakap.

"Pa,"rinig niyang sambit ng kan'yang ina.

"Kayo na ang bahala kay Sabrina." Kunot-noo niyang nilingon ang ina nang marinig ang sinabi nito.

Sakto ring nakatingin ito sa kan'ya.

May inabot itong isang pink na bag sa kan'yang lolo 'saka siya naiiyak na niyakap ng ina.

"Magpapakabait ka anak." Pinugpog siya nito ng halik sa mukha at niyakap ng mahigpit na para bang iyon na ang huli nilang pagkikita.

Hindi niya mapigilang tingnan ang ina ng puno ng pagtataka.

"Mama?" Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang panginginig ng boses niya nang maisambit iyon.

"Sasama ka kay lolo,'wag sana magpasaway Sabrina ah? Susunod ka lagi kay lolo at dapat..."suminghot ito ulit, garalgal ang tinig na nagpatuloy.

"Dapat alagan mo rin siya...at ikaw. 'Wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Kahit na anong mangyari ay sikapin mong hindi magkasakit. Maging mabuti kang bata hanggang sa paglaki mo...kahit wala ako...wala kami ng papa mo. 'Wag mo sanang iisipin na binabalewala ka namin at hindi ka namin mahal ng papa mo. Hindi man ngayon, darating ang araw na maintindihan mo rin ang lahat. 'Wag kang basta-bastang magtitiwala pero sikapin mo ring maging magalang parati. Atsaka,'wag kang lumaking iyakin. 'Wag kang magpapagutom at maging mabait ka sa lahat. 'Wag mo sanang kalimutan ang mga binilin ko sa'yo ha?"

Pareho silang umiiyak na dalawa. Sa kanilang dalawa ng kaniyang ina ay ito ang mas basang-basa ang pisnge. Nakatitig lang siya sa mga mata ng ina at paulit-ulit na iniisip ang sinabi nito. Naluluha siyang niyakap ito ng mapagtanto niya ang gusto nitong sabihin.

"Opo Mama!" Patuloy ang pag -iyak na sambit niya.

Kahit wala siyang kaide-ideya na siya naman ang aalis. Sa mga sandaling 'yon ay tila ba alam na n'ya kung bakit.

"Halika na hija,"hinawakan siya ng kan'yang lolo sa balikat.

Patuloy ang pag-iyak niyang kumalas sa ina nang ito naman ang yumakap sa kaniyang lolo.

"Pa, kayo na ang bahala kay Sab." Umiiyak nitong sambit.

Nakangiti siyang nilingon ng kan'yang Lolo.

"Ako na ang bahala anak."

'Yon lang at pareho nilang nilisan ang ina na nag-iisang naiwan sa bahay na iyon.

To be continued...

The Right Mistake (Mistaken Series #02)Where stories live. Discover now