CHAPTER FIVE

661 40 0
                                    

ATINA'S POV

*After a Months*

Naglalakad ako sa quadrangle ng school upang pumasok sa classroom. Nang biglang nahulog lahat ng hawak kong libro. Alam ko na kung bakit at sino-sino ang nasa harapan ko.

"You know what? Ang pangit pangit mo talaga" Ken stuck his index finger in my forehead.

Napatayo ako dahil sa pagkatumba at pagpupulot ng libro sa sahig, dahil nga tinulak niya akong naglalakad.

"Sana naman matuto kang mag-ayos at magpaganda sa sarili mo. Lagi kong sinasabi sayo 'yan. Pero wala pa rin" nang-aasar na sabi. Hindi ako nakasagot.

"Ken, stop it!" Hinawakan ni Stell ang balikat ni Ken. "Ano ka ba naman. Bakit ba araw-araw mo na lang siyang sinasaktan at pinagtritripan?" tanong niya rito.

"Dahil pangit siya! At ayaw na ayaw kong makakita ng ganyan ang mukha dito sa campus!" Inambaan naman niya ng tingin si Stell at bumitaw sa pagkakahawak sa balikat niya. "At pwede ba Stell! Kung may gusto ka sa babaeng 'yan! Wala akong pakealam!" tugon ni Ken at sinamaan niya kami ng tingin ni Stell.

'Anong meron sa kaniya? Bakit parati niya na lang ako pinapansin? Wala naman akong ginagawa, huh. Tahimik lang naman akong naglalakad, eh. Ibang-iba ka na talaga. Hindi na ikaw yung Ken na nakilala ko, yung Ken na kaibigan ko.'

Nilapitan ako ni Stell. "Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko, huh" aniya. Kita ko sa mga mata niya ang sinseridad.

"Ayos lang" kako. "Pero kung magiging maganda man ako..." ngumisi ako at hindi ko muna tinuloy ang pamatay kong linya. "Maglalaway kayo sa akin" At binigyan ko sila ng mapanuksong tingin.

Natatawa ako dahil lahat sila ay natigilan. Nakita ko pang kumikibot-kibot ang bibig ni Ken. Alam kong bumubulong siya sa sarili niya dahil sa sinabi ko.

'Haha! Abnormal!'

Tuluyan na akong umalis at hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila sa sinabi ko.

KEN'S POV

[BASKETBALL COURT]

"Aray ko naman, dre!" Napahawak ako sa didbib ko dahil hinagis ni Pablo ang bola doon.

'Shet! Ang sakit talaga. Yung puso ko!'

"Ba't ka kasi nakatulala diyan? Anong iniisip mo, huh?" ngisi niyang tanong. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya, nang-aasar.

'Tsk!'

Naalala ko lang naman yung sinabi ng pangit na babaeng 'yon kanina, eh.

'Kung gaganda nga siya, ano kaya magiging itsura niya no?'

'Argh! Ba't ba kung ano-anong iniisip mo. Tsk! Pangit siya Ken. Pangit siya!'

"Hoy Ken, tinatanong ka namin?"

"Huh?" Nakalimutan kong may tinatanong pala si Pablo.

'Badtrip ka, Pangit! Kasalanan mo 'to?'

GANGTHROBWhere stories live. Discover now